Chapter Fourteen

0 0 0
                                    

Levi's POV

Tuesday kakapasok ko lang ng school,

May nag-aayos ng stage may event ba?

Anong meron?

"ID mo miss?" tanong ng isang guard si Soñoson ata.

"Ito ho." Sabay check niya ng bag.

"Sige pasok ka na!" aniya.

"Kuya si Guard Yokai po?"

"Di ko alam eh! Di pumasok."

"May event po ba?"

"Ahhh oo uuwi na kasi ang president ng school si Mr. Yubert Grainger."

"Ahhh, kaya pala. Sige po una na po ako."

Atsaka ako naglakad papunta sa classroom. Kaya pala hindi ko nakita si Yonah busy siguro kasi may event pala.

Yohan's POV

6:09 am nakaharap ako sa salamin.

May Mali ba sa akin?

Di ako nakatulog magdamag akong gising.

Iniisip ko ang kiss namin ni Levi kagabi.

Ginayuma niya ba ako?

Kahit saan ako tumingin siya nakikita ko.

Inlove na kaya ako sa kanya?

Naku naman.

Mahal ko na ba siya?

For real na ba to?

*knock knock.*

"Come in." ani ko sabay dive sa kama.

"Son."

Umigting ang tenga ko.

"Dad?" sabay harap ko sa kanya.

"Listen, kailan mo balak magpakasal?" tanong niya habang naka pamewang ito na nakatayo sa may pinto.

"Dad, next month mag e-18 na po siya."

"Mag e-18 palang siya? Kung ganun ang bata niya pa pala?" gulat na usal ni dad.

"Exactly dad, she is Levi Harrison. Anak ng kasyusyo niyo sa business, Anak nina Mr. Vincent Harrison and Mrs. Lauren Harrison."

"Ano???? Alam ba nila?"

"I think so, tumawag sa akin si Fierrare kagabi nasabi na daw niya kina Tito at  Tita."

"Then ipakilala mo siya sa akin."

"Dad, hindi niya alam na anak mo ko. All she know is that, I am a school guard."

"Ayan tayo e, Yohan wag mong itulad si Levi sa mga babae mo. Kung gusto mo lang siyang pakasalan para ma fulfill ang mga kailangan mo bilang lalaki. Wag mo ng ituloy pa ang binabalak mo."

"Sayo talaga nag mana si Yonah. Ano ba talaga tingin niyo sa'kin? Playboy na walang ibang alam gawin kundi manakit lang ng babae?"

"Mismo." sagot ni Daddy na hindi man lang nag dalawang isip. Natahimik naman ako sa sinabi niyang yun.

 
"Kailan mo balak sabihin sa kanya?" tanong nito.

"Maybe in a perfect timing Dad."

"Hindi ka ba mag duduty ngayon as security ha."

"Pag-iisipan ko dad. Masakit kasi ulo ko."

"Kung ganun una na ako, nauna na din si Yonah dun."

That School Guard Is My Husband Where stories live. Discover now