Chapter 02: Code No. 1721-DLD

76 13 3
                                    

Chapter 02: Code No. 1721-DLD

Liam's pov

Morning came normal to others. Except me.

Naho-homesick ako kaya hindi gano'n ka-ganda ang naging tulog ko. I got out of my room after kong makapagbihis dahil lalabas ako when I noticed a guy, sleeping on the couch comfortably. Hindi man lang ito nagbihis mula sa uniform niya at tanging medyas niya lang ang tinanggal niya.

May librong nakatakip sa mukha niya na tungkol sa Beta program news. Hindi ko alam pero, nanatili ako sa harap niya ng ilang minuto para lang pagmasdan siyang natutulog do'n. Ang weird ko 'di ba?

"Anong oras na?" hanggang sa bigla itong nagtanong sa mahinang boses niya. Still unmoving like a log on the couch.

He sounds asking towards me kaya't napansin ko naman ang relo sa kanang pala-pulsuhan niya. "You have your watch. Why not look at it yourself?" nakapamulsa kong sagot.

"Nah. Too lazy to move now. Just answer the question." saad pa nito't napabuntonghininga na lang din ako.

Ano bang problema ng taong 'to? "Hindi naman 'yon 'question'. Pautos 'yon." hirit ko pa't nakarinig agad ako ng mahinang ungol nitong inalis sa mukha ang libro't tumingin sa akin ng kalmado nitong mga mata.

Kumunot ang noo niya. Ilang segundong tahimik kaming nagkatitigan hanggang sa magsalita rin siya. "Sino ka pala?"

Para naman akong napunta sa tuktok ng Mt. Everest sa panlalamig na nararamdaman ko nang marinig ang sinabi niya.

"'Wag mong sabihing hindi mo 'ko natatandaan?"

His mouth slightly opens, pointing up his finger with both eyes wide open as if parang may naaalala na siya bigla. I silently anticipated by what he's about to say afterwards but then. A single knock on the door made it creaks open na parang sa mga horror movies lang.

Do'n agad nalipat ang tingin naming dalawa at nang sapat na ang luwag ng pagkakabukas ng pinto, napansin ko naman ang isang babaeng tila nasa mid 30s pa yata.

Red leather shoulder bag sa kanang balikat. Mamahalin ang mga palamuti sa katawan gaya ng kwintas, earrings at mga singsing. Naka-ponytail ang buhok nito't nakasuot ng red whole dress at itim na bilog na sombrero.

Naka-high heels at mapula ang lipstick—ah okay. Enough with the observation.

Nang mapansin ko ang pagkakabukas ng pintong 'yon hindi ko mapigilang mapatanong. "You didn't lock the door before sleeping last night, did you?" sabay lingon ko ulit sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali, Egroeg yata ang pangalan niya.

Nakaupo na siya ngayon sa couch at kinuha ang mug sa mesa. "I don't want to lock it. So what?" sagot nitong hindi sa akin nakatingin kundi roon sa mug na hawak at ininom ang natitirang lumamig ng natirang kape.

Tumayo siya at lumapit doon sa babae. "You must be Mrs. Pitz. Welcome to the Linkers Clubroom. I am Egroeg, the owner of this room. Please. Come inside." nakipagkamay siya sa babae at iginiya ito papasok.

Naupo ang babae sa couch. Putting her shoulder bag on her lap and saw a glint of disgust on her face when she noticed how a garbage this room is. Tsaka pa ako tiningnan nito at nginitian. "Oh. Kasama ka ba niya? Hello. I'm Mrs. Pitz." she offered her hand so I just kindly accepted it and smiled.

"William Watson. Liam for short."

Tumango naman siya't hindi ko rin napigilang ligpitin ang mga kalat sa mesa dahil nakakahiya na talaga. Hanggang sa umupo rin si Egroeg sa single sofa sa tabi ng babae at nagwika. "Please get us some tea after mong maglinis. Thank you."

Dark LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon