Chapter 04: The Annoying Hero

51 13 0
                                    

Chapter 04: The Annoying Hero

Liam's pov

Nang akmang lalapit na sya ulit sa 'kin, bigla bigla rin namang pagkakawakli ng puno sa likod nya nang isang higanteng Minotuar na aabot yata sa apat na metro ang taas.

Malalaki ang bisig at nakakapangilabot ang mukhang nakadungaw ang mapupulang mababangis nitong mata sa kasama ko.

Nanlaki agad ang aking mata sa nakita at kaagad syang sinigawan. "SA LIKOD MO!"

Subalit kahit narinig nya naman ang malakas na boses ko'y tila hindi nya naman ito masyadong binibigyan ng mahalagang pansin.

That's when I was about to release a wind razor attack, nang may mamalayan naman ako sa likod na dalawa pang Giant Minotuar at may dala-dala ang mga itong malalaki ring pamalo na may matutulis na spikes.

Saktong pagkalingon ko, pinabulusukan na ng suntok pababa ng Minotuar ang bunbunan ni Egroeg kaya't mas lalo akong nataranta.

Sunod na nakita ko'y ang napakalakas na pagbagsak ng higanteng kamao sa lupa't hindi ko na mahagilap pa ang taong 'yon.

Nadurog ang lupa't lumikha ito ng impact wave na sumira't nagpatalsik sa mga debris ng puno at bitak ng mga lupa.

Napatakip ako sa aking mukha sa lakas ng ihip ng hangin kasabay ng pagkalat din ng usok. Subalit muli akong nanlaki ang aking mata nang mahagilap si Egroeg na nakalutang sa mismong ibabaw ng bunbunan ng higanteng Minotuar. Paano sya napunta ro'n?

Habang hawak nito ang dark dagger, nabalot sya ng itim na mahika't kidlat sa bilis na nahiwa ang leeg ng halimaw sa isang kilos lang.

Bumagsak ang higante sa lupa kasabay ng pugot nitong ulo. He then afterwards landed atop the monster's body habang iniikot-ikot ang hinliliit sa loob ng kanyang tainga't nagsalita. "Dati ka bang babae? Lakas mo sumigaw e."

Umigting ang panga ko dahil sa sinabi nya.

Pero kahit na gano'n, mabilis nya lang napabagsak ang isang Lv. 70 monster na gaya no'n. Totoo nga talagang halimaw sya.

Malakas namang sigaw ng dalawang Giant Minotuar pa ang narinig ko sa aling likod. Sumugod 'yong isa habang 'yong isa ay malakas na ibinato sa akin na parang spear ang hawak nitong matalim na higanteng pamalo.

Halos dalawang metro bago ito ako tamaan nang sa bigla ring humarang sa pagitan si Egroeg, using dagger to deflect that giant weapon sideway na para lang itong magaa'ng laruan.

Kidlat sa lakas itong tumalsik papalayo at napakaraming kahoy ang nadamay at nawasak dahil do'n, kasabay naman nabitak na lupa sa kinatatayuan ng kasama ko.

'Yong isang halimaw na sumugod ay nasa mismong harapan na namin. Buong lakas itong nag-ipon ng enerhiya't bumuwelo ng hampas sa amin pababa.

Subalit kahit gaano man ito kalakas, na-deflect lang ito ulit ni Egroeg gamit ang kanyang dagger. Inulit ng halimaw atake subalit gano'n lang din. Ilang beses pa itong nangyari't sunod-sunod na kalansingan ang umalingawngaw sa gubat na tila kulog sa lupa, hanggang sa malakas at nanggigigil na hiyaw na lamang ng halimaw ang narinig.

Sa pagkakataong ito'y mas matinding buwelo ang ginawa nito't nabitak pa ang lupang kanyang inaapakan bago ihampas ng buong lakas ang pamalo sa kasama ko.

Nataranta ako subalit sa lalaking ito'y walang kahirap-hirap lang din nyang nasalag at nadurog mismo ang pamalong 'yon sa isang wasiwas ng kanyang sandata.

Nagtalsikan ang pirasong 'yon sa paligid. Bago kidlat sa lakas na bumuwelo ang kasama ko't napakabilis na tumalon paharap, sabay wasiwas sa leeg ng halimaw at muli ko syang nahagilap na nakalutang bandang batok ng higanteng napugutan nya ulit ng leeg.

Dark LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon