Chapter 05: Case, or Quest
Liam's pov
"Mama!"
"Naku, anak! Anong nangyari sa 'yo!"
Nagyakapan ang mag-ina kahit sa pinto pa lamang ito nang sumalubong ang kanyang anak sa kanya.
Nasa single sofa si Egroeg habang umiinom ng kanyang kape at nagbabasa ng article tungkol sa Beta Program.
Nasa bandang kusina lang ako nang dalhin ko rin ang tray ng mga cupcakes sa maliit na mesa kaharap nitong kasama ko.
Kasabay naupo rin ako at kumuha ng cupcake at kumagat doon.
Lumapit at humarap naman sa amin si Mrs. Pitz. Yakap-yakap ang kanyang anak na yumuko sa amin. "Hindi ko alam kung paano ko kayo mapapasalamatan dahil dito. Akala ko'y hindi ko na muling masisilayan ang magandang ngiti ng anak ko. Maraming salamat talaga." naluluhang sambit ni Mrs. Pitz na nilipat-lipat ang tingin sa akin at ni Egroeg.
Ngumiti ako sa kanya. "I just supported him. Sya talaga ang nakahanap sa anak nyo." I gestured to my fellow.
Tahimik pa rin itong nagbabasa sa article na hawak nya.
"The payment of our service, will suffice as a form of gratitude, Mrs. Pitz." sabi nito bago humigop muli sa kanyang kape.
Napatango ang babaeng ito. "Right."
"Send the money to my fellow's card. Thank you for your kindness." dugtong pa nito.
Conveniently. Mas madali lang magpasahan ng pera ngayon kung may access ka sa internet at credit cards lang ang ginagamit mo.
Nang matapos ang pasahan, muling nagpasalamat ang mag-ina sa amin at umalis na rin sila hindi kalaunan.
Naupo akong muli sa sofa at nabigla nang makita kung gaano kalaki ang perang binigay ng babaeng 'yon sa akin.
Lumingon ako kay Egroeg na nakaturo sa credit card ko. He stared back towards me with those cold lifeless eyes bago naunang nagwika. "Don't even think of arguing to me about the amount she just transferred to you."
"Pero napakalaki naman yata nito, Egroeg. Hindi ka ba makukulong dito? Baka isumbong ka na nila sa pulis sa pinaggagagawa mo?" bulyaw ko sa kanya.
Napabuga ito ng hangin na nag-iwas na lang ng tingin. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa natin?"
"We are saving people, obviously." diretsong sagot ko.
"We are risking our lives." sambit naman nya't nagpatigil sa akin. "Sa halagang 'yan, hindi pa 'yan sapat pampa-ospital sa 'yo kung sakaling naputulan ka man ng paa o kamay habang nasa loob tayo ng laro."
Napakunot ang noo ko. "Anong silbi ng revival potions kung hahayaan mo lang ang putol mong kamay na hindi gumaling at ipapa-ospital mo pa?"
"I don't use revival potions. Hindi ko naman kasi kailangan."
Wow. Edi ikaw na ang pro!
"Imbes na magreklamo ka pa. Bumili ka na lang ng groceries natin. Tsaka bayaran mo na rin si lola sa monthly na bayarin sa upa ko rito." sabay nahiga ito sa mahabang sofa at itinakip ang bagay na binabasa nya sa kanyang mukha.
Napatayo ako't nakapamaywang na lang ding tinitigan sya. What's wrong with this guy?
"You didn't even answer my questions back then." reklamo ko pa rito.
He groaned and peeked at me coldly. "Gusto mo ba talagang sabihin ko pa sa 'yo lahat? You simply want to know the whole truth of this world, Liam. You're just like me. At sa nakita mo kanina, mababaliw ako kung hindi ka pa rin maniniwalang ako talaga ang Devil na nakilala nyo noon sa program. And now that you're sure of it. What then? I'm sure nabubuo na sa isip mo ngayon na manatiling kasama ako dahil iisa lang naman ang personal interests natin at hindi mo kailanman sasayangin ang pagkakataong ito na magkaroon ng kasamahang gumawa ng gusto nyong mga bagay, para lang mapatunayan mo sa sarili mo na ito talaga ang nababagay sa 'yo kaya nanatili ka pa ring buhay. You didn't want to forget who you are, Liam. You just want someone to push you hard enough para lang makumbinsi kang ito nga talaga ang papel mo sa mundong ito kahit ano pa mang mangyari."
BINABASA MO ANG
Dark Link
FantasyMetaverses are immersive three-dimensional virtual worlds in which people interact as avatars with each other and with software agents, using the metaphor of the real world but without its physical limitations. The "Dark Link" universe is an unkno...