Chapter 03: Transgression

68 14 2
                                    

Chapter 03: Transgression

Liam's pov

It's been so many years since I got myself inside the program as Beta-testers.

Sinikreto ko ito sa lahat dahil sa insidenteng hindi kailanman mawaglit sa isipan ko at talagang binabangungot pa rin ako hanggang sa ngayon.

Parang wala itong lunas na sakit na patuloy pa ring kinakain ang kaluluwa ko na dahan-dahang nagpapawalang-gana sa aking sariling bumalik pa sa paglalaro.

The incident that brought us nightmares, na dahilan din para matigil ang pinaka-unang Beta program na tanging sinaunang Beta-testers lang ang nakakaalam.

It's a top secret incident na sa sobrang brutal ng mga pangyayari na umubos sa 77% na buhay ng mga Beta-testers noon. To the point that it was even considered as the 'Dark Beta Age' na umubos sa napakaraming buhay nang wala man lang nakakaalam ni isa mula sa mga sibilyan.

I'm one of the most luckiest guy on Earth na nabuhay pa rin sa kabila ng mga nangyari noon. At dahil 'yon sa ginawa ni Devil. Sinakripisyo niya ang sarili nya para mailigtas kahit iilan lang sa amin.

Since then, no one knew what happened to him. And then out of knowhere, umabot na sa ganito ang lahat.

Nakaupo kaming dalawa na magkaharap ngayon.

"Akala ko, namatay ka na." tanong kong seryosong nakatitig sa kanya. Nakakabigla kasi hindi ko inakalang isang teenager na gaya ko lang ang hinahangaan naming si Devil noon.

Hindi ko tuloy lubos maisip kung ilang taon lang sya no'ng makilala sya bilang si Devil.

"I barely got myself out of there mula nang makatakas kayo." sagot nito sa 'kin. "At hindi ko na gustong idetalye pa lahat kung paano ako nakatakas dahil malamang mababagot ka lang sa sobrang haba."

Napabuga ako ng hangin. He musyt have been through a lot worse than us. I can't even believed he somehow got out alive from it despite all of that.

"What happened to the others?" tanong nya naman.

Napailing ako. "Hindi ko na nakita ang iba simula no'n." sagot ko.

"They're probably dead by now."

Nabigla ako sa sinabi nya. "Anong sinasabi mo? Malamang ligtas na sila ngayo--"

"Hindi mo naiintindihan, Liam." sabat nito't inilapat ang sarili na mahinang nagsalita. "All of us. Are being hunted down. Malamang sa pagkakataong ito. Mabibilang na lang sa daliri ang maaaring nakatago mula sa mga mata nila."

Tinuro ko ang aking sarili. "Pati ako?"

"Like I said. Lahat tayo. Old Beta-testers are getting hunted by them para itago ang lahat-lahat na ating nasaksihan noon." paliwanag nya.

Napasandal ako't pinisil ang aking ilong nang nakapikit. I'm starting to get pissed. "This must be a joke."

"But good for you. You blended to this world so well na hindi ka pa nila nahahanap at napapatay." he complimented.

"Kinalimutan ko na ang buhay ko noon."

"Yeah. You did. But not them." sabat pa nito.

Napaiwas ako ng tingin at tumayong nakapamaywang. "Hindi mo naman siguro ako niloloko. Tsaka ikaw ba talaga si Devil. Baka nang-go-good time ka lang para mapa-amo mo 'ko."

"Be my partner. Then I'll tell you." simpleng sagot lang nya ulit.

I bit my lower lip, glaring at him sideway. Natahimik kaming dalawa ng ilang sandali.

Dark LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon