Chapter 01: Rooftop

223 12 1
                                    

Chapter 01: Rooftop

Liam's pov

"Sorry I'm late."

A man waved on my direction from the entrance of the coffee nang makarating sila ng kasama niya rito.

A girl is with him. Clouded with thoughts if papasok pa ba siya o hindi na dahil sa simpleng pagtigil nito roon nang makita ako. Sa nakikita ko parang ayaw na niyang sayangin pa ang oras para makipag-usap pa sa akin. Pero dahil iginiya na ng lalaking kasama niya ang kamay papunta sa akin, napilit nitong naihakbang ang mga paa papasok para makarating sa direksyon ko.

Nang makalapit sila sa mesa, inilahad ko agad ang kamay sa babae nang may pilit na ngiti. "Please don't do that." she whispered without looking to my eyes as she helped herself to a chair opposite and clearly malayo sa akin.

I tightened my lips in a slight embarassment at nginitian si Christian na malugod na tinanggap ang aking kamay. "Sorry ulit, Liam. Traffic kasi sa labas tsaka may inasikasong maliit na problema kaya medyo natagalan."

Umiling akong may kasamang ngiti. "No. Not at all. Please have a seat." tugon ko't sabay naman kaming naupo na magkaharap ng kaibigan ko. Christian is my long time friend. Matagal na kaming magkakilala since middle school. A year older than me at mataas ang tindig. Totally a fan of barbels and gyms from his protruding biceps at talagang sikat ding basketball player sa eskwelahan namin.

A waiter handed them a menu and si Christian na ang umorder para sa kanilang dalawa.

"I'll treat you both this time, tutal ako naman ang nagpatawag sa inyo rito." saad ko't ngumiti naman si Christian.

"Of course you should be. Dapat pala umorder pa ako nang mas marami." komento nito't natawa na lamang din ako. Napasulyap ako sa kaniyang katabi, subalit busy siya sa kaka-pindot sa screen ng cell phone. With matching headset pa kaya't ibig sabihin lang, nagbibigay na ito ng senyales na hindi niya talaga gustong maparito.

Should I call this meeting off then? Hindi. Nakakahiya naman. Kailangan ko na lang tiisin ang ugali niya ngayon and then, we will never meet again.

"So. Kailan pala ang alis mo? Balita ko mas gumanda na ngayon ang City 9. Nakaka-inggit, nakuha mo agad ang scholarship mo at do'n pa talaga sa syudad kung nasaan ang lola ko. Gusto ko talagang umuwi ro'n kaso masyadong hassle dahil hindi ko siya maiwan."

Naningkit naman ang mata ni Selene na nilingon at sinampal sa balikat ang kaibigan ko. "Anong hassle? So hassle na pala ako sa 'yo ngayon?, okay!" she said sarcastically.

Nagulat si Christian. "Akala ko hindi ka nakakarinig?" natawa akong pinagmasdan silang nagkukulitan sa aking harapan.

Hindi nagtagal.

Dumating ang order namin na spaghetti. I ordered a special steak serving at nilagay sa banda ni Selene. Ngiti ko siyang tiningnan. "It's your favorite. Hope you like it." saad ko.

Napapansin ko na kanina pa na hindi talaga nag-e-enjoy si Selene sa pagkikita naming ito. Kaya naisip kong ilibre siya sa huling beses para sa paborito niyang pagkain.

Natigilan siya't mahinang tumango na lang din nang hindi nagbabago ang ekspresyon. Nagkatinginan kami ni Christian and he looks apologizing while eating his food quietly.

Naging tahimik kami sa gitna ng aming pagkain. Kaunting kwentuhan. Recalling our days from past. How I met Selene and...pa'no ba. How we two broke up.

Hindi gano'n ka-gulo ang naging paghihiwalay namin. At kampante naman akong iwanan siya kay Christian dahil kilala ko ang lalaking 'to. Once he fell. He'll die for it no matter what.

Dark LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon