Chapter 06: The Mines

62 8 1
                                        

Chapter 06: The Mines

Liam's pov

Huminto ang sasakyan sa isang hindi gaanong ma-taong lugar. May napansin kaming karatula sa posteng nagsasabing nasa tamang lugar nga kami.

Kaunting lakad lang ay napansin namin ang Hotel na sinasabi sa note kaya't dire-diretso si Egroeg na pumasok sa loob.

We're greeted by a dark lobby floor. Some of the lights are flickering. Hindi maayos ang ibang parte ng sahig at pader.

"What can we do for you, sir?" malawak ang ngiting tanong ng matandang babae nang makalapit kami sa counter kung saan ito nakaupo.

"One room please...if possible, we need a room from the third floor." ngiting sagot ng kasama ko.

"Room 305, it is. Luckily kakaalis lang ng huling nag-renta sa kwartong 'yon." kinuha nito ang susi at mabilis namang hinablot ni Egroeg na ikinabigla ng matanda.

Hindi na tumugon pa si Egroeg at nagmamadaling pumunta sa elevator.

"May problema ba ang boyfriend mo?"

Muntik ko nang mabutasan ang papel habang nagfi-fill-up doon at pilit na ngumiti sa matanda. "Uh. Nagkakamali po kayo. We're not... we are just friends. Alam mo 'yon? Kaibigan? Know the difference?"

Napatango-tango naman itong napangiti na lang din at payak kaming nagtawanan. Madali na akong nagbayad at sumunod kay Egroeg.

"Enjoy your stay, sir!"

"Thanks."

Nakahabol ako bago masara ang pinto ng elevator. Napabuga ako ng hangin habang muling sinuksok ang credit card sa wallet. Tapos ay isinuksok ito sa aking inner jacket pocket.

"Bakit pala hindi na lang nya ipinaalam sa pulis ang problema nya?" tanong ko bigla.

"The police won't do anything. Malamang ilang beses na rin nyang sinubukang humingi ng tulong pero hindi sya malamang pinapansin, kaya nga tayo ang nilapitan nya for the last resort." sagot naman nya.

Nang tumunog ang elevator, bumukas ito at nagmadali naman kaming naglakad sa tahimik na pasilyo.

"Paano ka naman nakasisigurong hindi nga sya napapansin ng mga pulis?"

Nahanap namin ang kwartong 304 kaya't madali kaming pumasok sa katabing kwarto gamit ang dalang susi ni Egroeg.

"Okay. Kung duda ka ngang bakit hindi sya napapansin ng mga pulis? How can she even try to communicate an SOS situation to the authorities kung gaya nga ng napansin mo, monitored sya lagi ng mga misteryosong tao?" we got inside the room kaya't ako na mismo ang nag-lock nito.

Nagtuloy-tuloy sya sa paglalakad hanggang sa makaabot ito sa veranda. "Sabihin na nating imposibleng makalapit sya sa mga pulis dahil nga sa tight-monitoring sa kanya. Doon na sya makakaisip ng paraan para makahanap ng ibang nararapat tumulong sa kanya ng direkta. 'Yong mga taong alam nyang mabilis aaksyon para lang ma-solusyunan agad ang problema nya."

He peeked to the side veranda of the near room.

Napahalukipkip ako sa kanyang likuran at nag-isip saglit. Tsaka ako nagsalita. "So tayo talaga ang pakay nya. Pero paano nya naman nailapit ang sarili nya sa lugar kung nasaan tayo nang hindi namamalayan ng mga nagbabantay sa kanya?"

Humarap sya sa akin. "That's why I told you. She's just clever." sagot nya't tumuntong sa barandilya't walang pagdadalawang-isip na tumalon sa kabila.

Nanlaki ang aking matang sinundan sya ng tingin. "No no no! Are you crazy?!" napabuntonghininga ako nang makitang maayos syang nakarating sa kabilang veranda.

Dark LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon