Part 18

307 8 0
                                    

Duguan na ang mukha ni Felix at nakahandusay na sa sahig, pero ayaw pa rin tumigil ang mga kamao ni Gilbert sa pagsuntok sa lalake. Kung ano anong malulutong na mura din ang pinakawalan niya dito. Galit na galit, at gigil na gigil siya! halos magsiputulan na ang litid niya sa leeg. Pasalamat ito at tumalsik ang baril niya dala ng pagpapambuno nila kanina. Kung nagkataong hawak niya ang baril, tiyak na pupulbusin niya ng bala ang katawan nito. Upang hindi na ito sikatan pa ng araw!

Anong karapatan nitong hawakan ang pinakamamahal na asawa!?

Kitang-kita niya ang pagkubabaw nito kay Anica, Gusto nitong gahasain ang asawa niya! Mabuti na lang at napaaga siya ng dating kaya hindi nito naituloy ang binabalak.

Natigil lang ang mga kamao ni  Gilbert ng marinig ang kalampag dala ng pagbagsak ng asawa sa sahig. Hinimatay si Anica!

*****

Nang magising si Anica ay nasa bahay na siya sa farm house, sa silid nila ni Gilbert.

"Baby, kumusta na ang pakiramdam mo?" namulatan niya ang nag-aalalang mukha ni Gilbert. Hawak hawak nito ang kamay niya at nakaupo sa tabi niya.

Inalis niya ang kamay sa pagkakahawak nito.

"Kaaalis lang ni Doktora Yamson, ang OB mo. Thank God at safe naman ang baby natin." wika ng asawa. Akma ulit hahawakan ang kamay niya, subalit iniiwas niya ito.

Nakahinga siya ng maluwag ng marinig na nasa maayos na kalagayan ang anak niya. Pero mabigat pa rin ang loob niya, sa natuklasan sa asawa.

Bumukas ang pinto ng silid ng kwarto ilinuwa ang kuya Allen niya. Doon siya tumayo mula sa pagkakahiga at yumakap sa kapatid.

"Kuya, isama mo na ko pabalik ng Manila. Ayoko na dito,gusto ko ng bumalik sa Italy.." hagulhol niya.

Hinagod naman ni Allen ang likod niya. Awang-awa ito sa bunsong kapatid.Tila naiipit at nahihirapan din sa sitwasyon.

"Shhh... stop crying Anica makakasama sa baby mo, sabi ng doktor kailangan mong magpahinga." alo ng kapatid.

"Hindi ako makakapagpahinga rito Kuya," patuloy siya sa pag-iyak sa dibdib ni Allen. "Kaya Please, isama mo na ko, nanganganib ang buhay naming mag-ina rito." pakiusap ni Anica.

"Alright, kung yan ang gusto mo pero Anica, kailangan niyo munang mag-usap ng asawa mo."

Napaangat ang mukha niya, kunot noong nakatitig sa kapatid.

Pinunasan ni Allen ng mga kamay ang basang pisngi niya.

"Marami kayong kailangang pag-usapan ni Gilbert, isa na diyan ang future ng magiging anak niyo. Kung desidido ka talagang bumalik na ng Italy, sige bukas na bukas din, magbo-book tayo ng flight mo." seryosong sabi ni Allen.
 
Tumango siya.

"Hindi ko maintindihan si Kuya kung bakit hindi ka pa niya ipinakukulong, mas mahalaga ba talaga sa kanya ang kaibigan kaysa sa kapatid?" angil na sabi niya kay Gilbert ng makalabas na ng silid si Allen. Padabog siyang naupo sa single couch na malayo sa pwesto ni Gilbert.

Nang tingnan niya ito ay puno ng kalungkutan ang namumulang mata nito, tila gustong umiyak.

"Nakakulong na ang tunay na may kasalanan, sina Felix at Raquel" tugon nito na maging ang tinig ay napakalungkot.
   
"Si Ate Raquel?!" gulat na tanong niya.

"Oo si Raquel, siya ang puno't dulo ng lahat ng ito. Ang pagka-obsessed niya saakin."

"So inutusan ka niya  para patayin ako?" sarcastic na tanong niya.

"Patayin?! Hindi ko magagawa yun Anica, hindi ko kayang patayin ang babeng pinakamamahal ko. " diretso itong tumitig sa kanya.

Para bang nabingi siya sinabi nito. Siya ba ang tinutukoy nitong pinakamamahal?

"Ang nakita mong hoodie at lubid sa ilalim ng kama ay mga ginamit ng gagong si Felix para patayin ka! si Raquel ang naglagay ng mga bagay na yun, sinet up niya ko, para ako ang paghinalaan mo. Kaya siya narito sa kwarto kahapon."

Napamaang siya.

"Ang  hoodie ring yun ang suot ni Felix ng tangka kang barilin sa batis, may nakakita sa kanya. Kaya napagtugma-tugma naming konektado siya kay Raquel.Isang takas na bilanggo si Felix at bayaran ni Raquel upang  paslangin ka."

Hindi siya makapaniwala na  kaya siyang gawan ng masama ng sariling pinsan, ng dahil lang sa makasariling pagmamahal nito kay Gilbert.

 "Kung nagkataong hawak ko ang baril kagabi tiyak na napatay ko na ang Felix na yun! Ang kapal ng mukhang saktan ka at tangkaing gahasain!" nagngangalit ang ngiping sabi ni Gilbert.

Napahiya si Anica, inosente pala ang asawa niya. Hinusgahan niya ito kaagad, siya pala mismo ang naglapit sa sarili sa muntik ng kapahamakan.

Katahimikan.

Maya-maya'y siya ang nagsalita. "A-anong sinabi mo kanina? Ma-mahal mo ako?" kinakabahan siya sa isasagot nito.

*****

Marry Me (Tagalog Love Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon