Part 11

284 9 0
                                    

"Anica!" sigaw ng isang nagagalak na lalake ng makababa siya ng sasakyan ni Gilbert, pagbalik nila sa flower farm.

"Nico?" nakangiting sinalubong niya ito at niyakap."What are you doing here?"

"Siyempre namimiss na kita kaya sinundan na kita rito." nakangiting sagot naman ng bisita niya. Si Nico ang kaibigang Assistant niya sa Flower farm sa Italy.

Noong una'y nanligaw ito sa kanya, subalit tinapat niya kaagad na kaibigan ang kailangan niya,hindi karelasyon dahil may nagmamay-ari na ng puso niya.Alam nito ang tungkol kay Gilbert, at ang dahilan ng pag-alis sa Pilipinas,wala siyang ilinihim rito. Nakaunawa naman ang lalake,kaya naging matalik silang magkaibigan. Tinawagan niya si Nico upang humingi ng suggestions tungkol sa nakikitang problema ng farm. Hindi niya naman sukat akalaing susunod ito sa Pilipinas.

"Kelan ka pa dumating?" tanong niya sa kaibigan.

"Kanina lang, dumiretso agad ako dito sa Quezon sa ibinigay na address ni Tita Lourdes, kumuha lang ako ng hotel sa malapit tapos hinanap ko na tong flower farm."

"Bakit hindi ka tumawag?"

"Di hindi na yun surprise kung ipapaalam ko sayo."wika ni Nico na pinisil ang tungki ng ilong niya.

Halos mabingi sila sa malakas na busina ng sasakyan ni Gilbert.Nagkatinginan sila ng kaibigan at pumagilid dahil dadaan ang sasakyan ng binata, ang parking area kasi ng farm ay nasa likuran ng opisina.

Nang tumapat sa kanila ang sasakyan ay ibinaba ni Gilbert ang bintana. Walang emosyon ang mukha nito.

Binulungan siya ni Nico. "This might be the lucky guy? Isang paligo lang pala ang lamang sakin eh!" biro ni Nico sa tenga niya.

Tumango siya bilang tugon at bahagyang natawa sa biro nito.

"Wag kayong maglampungan dito sa daanan!" halos umusok ang ilong na wika  ni Gilbert.

"Hi bro! I'm Nico." pakilala naman ni Nico na lumapit at naglahad ng kamay kay Gilbert.

Subalit hindi iyon inabot ng lalake at hindi man lang bumaba ng sasakyan, sa halip tumango lang.

"Siya si Gilbert, Nico" siya ang sumagot para kay Gilbert, upang hindi mapahiya ang kaibigan, ang ilinahad na kamay ni Nico ay kinuha niya at hinila na ito patungo sa cabin house."Let's go!"

Dahil nakatalikod na ay hindi na niya nakita ang matatalim na titig sa kanila ni Gilbert.

*****

Alas diyes ng umaga,kasalukuyang nagtuturo ng proper installion ng ibat-ibang irrigation structure  si Nico sa mga tauhan ng farm ng lapitan ni Anica.

Maging si Gilbert ay naroon rin, nagmamasid-masid ito.

Nahiya siya sa kaibigan dahil bukod sa libre na ang serbisyo nito ay hands on pa sa pagtuturo.

"Would you like some juice?" tanong niya kay Nico.

"No water na lang." tugon naman ni Nico. Nagpahid ito ng pawis sa noo, gamit ang braso dahil may gloves ang mga kamay nito.

Kinuha niya ang tuwalyang nasa pocket ng suot nitong overall at ipinunas sa pawis nito.

"Sige ikukuha kita ng tubig," sabi niya kay Nico, matapos ibalik ang face towel sa pocket nito.

Ngumiti ang kaibigan.

"Ronald, Efren, Mang Ruben gusto niyo rin ba ng tubig o juice?" tanong niya naman sa mga tauhan.
  
"Ayos lang ho kami Ma'am, baka ho si Sir Gilbert gusto niya." magkakapanabay na sagot naman ng tatlo at makahulugan na lumingon sa tahimik na binata.

Napalingon rin siya kay Gilbert. Madilim ang anyo nito.Maya-maya'y tumalikod, at lumayo sa kanila.

Nagkatinginan sila ni Nico.

"Nagseselos ang lover boy mo." birong bulong sa kanya ng kaibigan.

Napakunot ang noo niya.

*****

Abala si Anica sa pagpapalit ng mga bulaklak sa bycicle flower stand. Ang flower stand na iyon ay nasa harap ng opisina ng farm. Ito ang unang bubungad sa sinumang papasok sa opisina,kaya kailangan presentable ang ayos nito.

"Hindi maaaring maging masaya ka Anica habang ako nagdurusa!" sabi ng galit na tinig ni Gilbert sa likuran niya.

Napalingon siya rito. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito.

"Ano bang pinagsasasabi mo Gilbert?" iwas na tanong niya,nagpatuloy sa ginagawa habang kinakabahan sa nakikitang galit sa mga mata nito. Mistula itong tigreng anumang oras ay sasakmalin siya.

"Alam kong alam mo ang mga sinasabi ko!" sinaklot nito ang braso niya.

Napapikit siya ng mariin at huminga ng malalim saka hinarap ang binata.

"Ano bang gusto mong gawin ko Gilbert? Alright, I'm sorry sa pagsira ko sa sana'y magiging magandang buhay may-asawa mo, pero nandun ka nung mangyari ang insidenteng yun. Alam mong aksidente lang ang lahat! and that was ten years ago!" naiiyak na sabi niya.

Hindi sumagot ang binata, matiim lang itong nakatitig sa kanya, hawak pa rin ang braso niya.

"What do you want? ang makulong ako!? Go ahead! ipakulong mo na lang ako Gilbert! kung yan ang magpapatahimik sayo!" Tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.

"Hindi sapat ang makulong ka lang Anica, bilang kabayaran!" humigpit ang kamay nito sa braso niya.

"Ano nga ang gusto mong gawin ko Gilbert? Ano!?" halos sigawan na niya ito sa samu't-saring emosyong dulot nito sa kanya.

"Marry me!"

"What!?" natigagal siya sa sinabi nito.

"Marry me Anica, Marry me!" seryosong sabi nito. "Pabilikin  mo kung saan mang lupalop nanggaling yang fiancee mo! " dugtong pa ni Gilbert.

"Pero---! "

"Ihanda mo ang sarili mo para sa kasal natin sa makalawa."

"What? Pero Gilbert! " protesta niya

"No more buts Anica!" tinuldukan nito ang pag-uusap nila saka binitawan ang braso niya at tinalikuran na siya.

Mahigpit siyang napahawak sa basket ng bycicle stand, kung hindi niya gagawin yun ay tiyak na matutumba siya, dahil nanlalambot ang mga tuhod niya sa gustong mangyari ni Gilbert. May bahagi sa puso niya ang gustong matuwa pero bakit? hindi siya mahal ni Gilbert, kaya alam niyang hindi magandang ideya ang magpakasal siya rito.

*****  
  
  
  
   
  
   
    
   

Marry Me (Tagalog Love Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon