Part 17

295 8 1
                                    

Pasado alas 9 na ng gabi ng makabalik ng farm house si Gilbert. Naipark na niya ang dalang sasakyan, subalit hindi pa niya magawang maihakbang ang mga paa palabas. Nanatiling nakahawak sa manibela ang mga kamay niya habang pagal na nakasandal ang ulo sa headrest ng sasakyan.

Bakit ba iiwan na naman siya ni Anica?  Sampung taon niya itong inantay, matapos lang ang kulang dalawang buwan ay iiwan na naman siya nito, kahit pa kasal na sila? Kaya nga siya nagmadaling makasal sila upang hindi na siya iwan nito. 

Inaamin niyang hindi naging maganda ang pagtrato niya rito ng una, pero bumawi naman siya nung ikinasal na sila.

Hindi siya sigurado kung sa pagkakataong ito ay kaya pa niyang mabuhay ng wala sa tabi ang asawa.

Pag-uwi niya kanina galing sa manggahan, ay agad na hinanap ang asawa. Ayon kay Manang Belen, nagpaalam itong pupunta sa bayan.  Balak niya sana itong sunduin, ngunit ng tawagan niya, ay pauwi na umano ito.

Nagtungo na lang siya sa kanilang silid at naligo upang antayin ang pagdating nito.

Nagulat si Gilbert ng paglabas niya ng banyo ay madatnan si Raquel sa kama, nakahubo't-hubad ang babae, at inaakit siya!

Kung si Anica siguro ang naroon ay mabilis pa sa alas kwatro niya itong sinunggaban at inangkin. Pero dahil ibang babae ay hindi man lang natinag ang pagkalalake niya.  Ganoon kalakas ang epekto sa kanya ng asawa, kilala ito ng katawan niya. Kapag nasa malapit lang ito, mistulang itong may sariling buhay, agad na nagliliyab at nagwawala ang alaga niya.

Alam ni Gilbert kahit noon pa man na gusto siya ni Raquel, tinapat na niya ito na kaibigan lng talaga ang turing niya rito.Akala niya ay nagkaintindihan na sila.

"Raquel anong ginagawa mo rito? magbihis ka na at baka maabutan ka pa ng asawa ko, baka kung ano pa ang isipin, kung may kailangan ka dun tayo sa sala mag-usap." nakatalikod na sabi niya sa kaibigan, akma ng lalabas ng silid.

Sumambakol ang mukha ni Raquel.Bumangon ito at padabog na nagbihis. "Iiwan ka na ng  asawa mo Gilbert, babalik na si Anica sa Italy."

"Hindi totoo yan." aniyang napatigil sa paghakbang nakatalikod pa rin.

"So what's this Gilbert?" lumapit sa kanya ang babae. Ipinakita ang hawak na passport at ticket ni Anica pabalik ng Italy. "Ipinaasikaso niya saakin to!"

Nakaramdam siya ng kaba at may bumangong galit sa dibdib niya.

"Kami na ang bahalang mag-usap mag-asawa, tungkol sa bagay na yan Raquel." seryosong sabi niya.

"Gilbert bakit hindi na lang kasi ako ang piliin mo, handa akong ipagpalit lahat, maging ang career ko para sayo!" pagmamakaawa ng babae halos maglumuhod na ito sa harapan niya.

"Alam mo ang sagot ko diyan, Raquel!" sinimulan na niyang buksan ang pinto, "bumaba  na tayo!" yakag niya sa umiiyak na babae.

*****

Ilang beses pang nagpakawala ng buntong hininga si Gilbert bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

Kakausapin niya si Anica, magmamakaawa siyang huwag na itong umalis at bigyan pa siya kahit  isang buwan upang patunayan na mas mapapaligaya niya ito kung narito sa Pilipinas kasama niya. Mangangako siyang magiging mabuting asawa at gagawin ang lahat para mahalin din siya nito at magkakaroon sila ng maraming malulusog na anak.

"Sir Gilbert, umalis po si Ma'm Anica, hindi namin napigilan!" wika ng natatarantang katulong pagpasok niya ng  bahay.

"Ano? Diba kabilin bilinan kong bantayan niyo siya!"

"Opo Sir kaya lang, galit na galit ho si Mam Anica ayaw magpapigil."

Nagmadaling umakyat ng silid si Gilbert, upang kunin ang baril niya. Delikado para kay Anica ang lumabas- labas ng walang kasama, lalo na at disoras ng gabi.

May suspect na sila kung sino ang nagtangkang bumaril kay Anica sa batis. Naghahanap lang sila ng matibay na ebidensiya. Ang suspect nilang yun ay nasa paligid lang kaya anumang oras ay tiyak na gagawan ng  masama ang asawa niya.

Sinubukan niyang tawagan ang telepono nito, subalit nakapatay. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Iniisip niya ngayon kung saan pwedeng pumunta si Anica bumiyahe na  kaya ito pa Maynila? o pumunta ng flower farm!?
    
Napamura siya! Hindi maari!

Kung sa flower farm nagtungo si Anica tiyak na nasa peligro ang buhay nito, dahil naroon si Felix! Si Felix ang suspect nila sa tangkang pagbaril sa asawa sa batis. Hindi totoong taga Cebu ito.

Bago pa man siya makalabas ng silid ay napansin niya ang mga bagay na nakapatong sa ibabaw ng kama. Binalikan niya ito, isang brown envelope na tila may lamang importanteng dokumento, isang   hoodie at makapal na lubid. Hindi ito sa kanya at mas lalong hindi sa asawa niya. Nagdial siya sa cellphone, tinawagan si Allen at ipinaalam dito ang nangyari, habang binubuksan ang envelope.

Isang ultrasound results, buntis si Anica!

Lalong sumidhi ang kagustuhan niyang mahanap kaagad at mailigtas ang asawa.

*****


Marry Me (Tagalog Love Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon