Part 16

292 6 1
                                    

Malakas na napapreno si Anica sa dalang sasakyan, ng  may biglang tumawid  sa kalsadang binabaybay niya. Alas singko na iyon ng hapon, pauwi na siya galing sa isang OB Gyne sa bayan. Kinumpirma niya ang hinilang nagdadalang tao siya.

Positibo nga isang buwan na siyang buntis!

Nabalot ng katuwaan ang puso niya, siguro naman ganitong magkakaanak na sila ni Gilbert ay baka sakaling mahalin na rin siya ng asawa.

Nagmadali siyang bumaba upang tingnan kung nasagasaan niya ang taong tumawid. Kinabahan siya ng makitang nakadapa ito sa kalsada.

Isang lalake!

Hindi niya nakita kung may dugo ito sa mukha dahil nakasuot ng hoodie. Agad niya itong nilapitan.

"Tulong!" sigaw niya baka sakaling may mapadaan o may makarinig. Upang tulungan siyang madala ito sa hospital.

Pero ang totoo walang katao-tao sa daanang iyon. Ang pinakamalapit na bahay ay  nasa dulo ng palayan na may 5 metro pa yata ang layo.

"Manong ayos lang ho kayo?" tanong niya ng makalapit.

Sa pagkagulat ay bigla itong tumayo at pumwesto sa likuran ni Anica, ipinulupot ang isang hawak na makapal na lubid sa leeg niya.

Sinasakal siya nito!
    
"Sino ka?" nahintakutang tanong niya. "Bi-bitawan mo ko!" pilit niyang tinatanggal ang lubid sa leeg.

Subalit mas  humigpit iyon..gusto siyang patayin ng lalakeng nakahoodie! At determinado ito!

Ibig sabihin modus lang na kunyaring nasagasaan niya ito, ang totoo gusto siyang palabasin ng sasakyan upang gawan ng masama. Sino ba ang gustong pumatay sa kanya, konektado ba ito sa nagtangka ring bumaril sa kanya sa batis?

Pakiramdam ni Anica ay malalagutan na siya ng hininga, halos lumawit na ang dila niya, ni hindi na nga niya magawang lumunok, sigurado siyang nagmarka na ang lubid sa leeg niya.

Hanggang sa humigpit pa ito ng humigpit, napapikit na siya. Papanawan na yata siya ng ulirat. Nang..

Tila biglang may pumitik sa tiyan niya. Naalala niya ang maliit na buhay sa sinapupunan.

Ang baby ko!

Bigla siyang nabuhayan, hindi siya pwedeng sumuko para sa anak niya. Umusal siya ng dasal, pagkatapos ay pinagana ang isip. Bakit ba niya nakalimutang may nalalaman siya pagdating sa self defense? na mismong ang Papa at Kuya pa niya ang nagturo sa kanya?

Mabilis niyang naiikot ang katawan paharap sa lalake, hinawakan ang braso nito .Gamit ang ulo, ay  buong lakas na inuntog niya ang ilong nito, dahilan upang masaktan ito at lumuwag ang pagkakahawak sa lubid. Pagkatapos ay agad din niyang ginamit ang tuhod upang gamitin sa pagkalalake nito.

Sapul! napaigik ang may  masamang loob.

Natanggal ang lubid sa leeg niya. Hindi na niya pinag-aksayahan pang tingnan ang mukha nito. Habol ang hininga at paubo-ubo siyang nagmadaling pumasok sa sasakyan.

Natakasan niya ang masamang taong nakahoodie.

*****

"Manang Belen si Gilbert ho?" humahangos na tanong ni Anica ng makarating sa bahay nila.

"N- nasa taas hija" sagot ng matandang tila nagulat sa pagdating niya.

Nagmadali siyang pumasok sa loob ng bahay, hindi pa man niya naihahakbang ang paa sa hagdanan ay nakita niyang pababa naman si Gilbert kasama si...Ate Raquel?

Galing ang mga ito sa kwarto nilang mag-asawa!?

Ang takot na nararamdan ay nadagdagan ng paninibugho.

Nang magtama ang mga mata nila ni Gilbert, ay may nababasa siyang kalungkutan at pagkamuhi sa mga mata nito.

Si Raquel naman ay masama ang tingin sa kanya, namumula ang mga mata nito mukhang galing sa pag-iyak. Nang makita siya ay malambing na pumulupot kay Gilbert.

"A-ate Raquel bakit nandito ka?" tanong niya sa pinsan pero ang mga mata niya'y nakatuon sa asawa.

"Ihahatid ko lang si Raquel Anica, Stay here, mag-uusap tayo pagbalik ko." malamig pa sa yelong sabi sa kanya ng palikerong asawa.

Napanganga ang naguguluhang buntis, bakit sa isang iglap ay tila bumalik na naman sa dati ang asawa? Pigil ang mga luhang gustong sumungaw sa mga mata niya.

Bago tuluyang makaalis si Gilbert, ay nagbilin ito sa mga katulong na bantayan siya at huwag na huwag  palalabasin.

Mabibigat ang mga paang humakbang si Anica paakyat sa kanilang silid.

Hawak ang ultrasound results, na balak ipakita sa asawa ay nanlulumo siyang napaupo sa gilid ng kama. Panay ang patak ng mga luha niya. Bakit ba hindi siya magawang mahalin ni Gilbert? Bakit hindi na lang ang pinsan niya ang pinakasalan nito, kung ito naman pala ang mahal ng asawa? Nagsawa na ba ito kaagad sa kanya at plano ng makipaghiwalay? At ito ang pag-uusapan nila pagbalik nito?

Naisubsob niya ang dalawang kamay sa mukha at napahagulhol.Ilang minuto rin siya sa ganoong posisyon. Pakiramdam niya'y naninikip ang dibdib niya sa labis na sama ng loob.

Nalaglag ang hawak niyang papel sa paanan. Nang yumuko at akmang pupulutin iyon ay napakunot noo si Anica. Mabilis niyang pinahid ang mga luha.

May nahagip ang mga mata niya sa ilalim ng kama, isang hoodie at makapal na lubid!

Nasindak si Anica...

Hindi makapaniwala sa natuklasan! Pinakasalan siya ni Gilbert upang may karapatan itong gamitin ang katawan niya at kapag nagsawa na ay saka siya papatayin!?

*****  
   
    
    
    
      

Marry Me (Tagalog Love Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon