Part 8

272 8 0
                                    

Sa loob ng greenhouse napansin ni Anica na ang mga Chrysanthemum na bulaklak na nakapaso ay tuyong tuyo ang lupa.

Ang bulaklak ng Chrysanthemum ay nangangailangan ng sapat at buong sikat ng araw. Ibig sabihin kailangan rin nito ng maraming tubig, kaya hindi maaaring matuyuan ito ng lupa, dahil tiyak na malalanta ang mga ito.

Drip irrigation system ang ginagamit ng farm upang mas na-aapply ang tubig diretso sa lupa.Sa pamamagitan nito sapat na amount ng tubig ang nakukuha ng mga halaman at bulaklak.

Sinipat niya ang drip tape walang tubig na lumalabas doon.Tinunton niya ang pump water source.Mali ang installation kaya walang lumalabas na tubig.

Napabuntong hininga ang dalaga. Tinanggal ang suot na gardening gloves at lumabas ng greenhouse. Pupulungin niya ang 10 tauhan ng farm, kabilang na ang sekretaryang si Amy. Pagsasabihan niya ang mga ito tungkol sa nakikitang problema ng production, at tuturuan na rin.

Naisip niya ang kaibigang si Nico, isang Filipino Italian na Assistant niya sa Flower farm sa Italy. Pagdating sa pag se set up ng irrigation ay magaling ito. Tatawagan niya ito mamaya upang hingin ang suggestions nito.

"Ma'am Anica ito po yong resibo sa mga order na flower seeds" sabi ng sumalubong sa kanyang si Amy.

"Bakit kaunti lang to? Hindi ba good for 3 years na ang pinaoerder ko?" kunot noong tanong ni Anica sa sekretarya.

Good for 3 years na ang mga buto ng bulaklak na pinaoerder niya upang may stock na ang farm lalo kapag nakabalik na siya ng Italy. Maari naman ito, kailangan lang masiguradong nasa malamig na lugar, tuyo at malayo sa sikat ng araw ang paglalagyan ng mga buto.

"Ah Ma'am, yan lang daw po muna ang orderin sabi ni Sir Gilbert." napakamot sa ulong wika ni Amy.

Napakunot ng noo si Anica," Sinabi ni Gilbert?"
 
"Opo Ma'm"

"Cge kakausapin ko siya, pakisabi nga pala sa mga tauhan na kakausapin ko sila mamaya.. Salamat Amy"

"Cge po Ma'm"

Naabutan niyang tumutulong magbuhat ng mga kahon ng flower seeds si Gilbert, with his cowboy hat and unbutton shirt. Bagaman, tagaktak ang pawis nito sa noo maging sa malapad na dibdib, ay matikas pa ring tingnan.Ipinilig niya ang ulo.Hindi niya kailangang magpadala sa nararamdaman para sa binata.

"Gilbert kailangang magstock ng flower seeds, bakit kaunti lang ang mga inorder mo?" 

"Sapat na ang mga butong to para sa darating na season." blanko ang mukhang sagot sa kanya ni Gilbert. Bitbit ang isang kahon, nilagpasan lang siya nito at ni hindi  tiningnan.

Sinundan niya ang binata.

"Pero paano sa mga susunod na season?"naiinis siya sa pangingialam nito.

"Pwede ka ulit umorder ng panibago" tuloy tuloy pa rin ito sa paglalakad.

"Mas maiging ngayon pa lang magstock na para macheck ko na rin ang quality." salubong ang kilay na sabi ni Anica.

"Bakit ba naninigurado kana? Ibig bang sabihin next season wala ka na dito? Tatakas ka na naman ba Anica ha?" doon siya hinarap ng binata, makikita ang nagniningas na mga mata nito.

"Wala ka ng pakialam dun!" inis na sabi niya

"May pakialam ako, at alam mo kung bakit hindi ba?" nanunumbat ang tinig ng lalake.

Sa mabilis na galaw ay nagulat siya ng ibaba nito ang dalang kahon,at hinapit ang beywang niya, pagkatapos ay kinabig ang batok niya. Napapikit ang dalaga dahil sa pag-aakalang hahalikan siya nito.

"Huwag kang magtangkang tumakas ulit Anica, mararamdaman mo ang galit ko!" nagbabantang sabi ni Gilbert.Pagkatapos ay binitawan siya, dinampot ulit ang kahon at tumalikod.

Naiwan siyang tulala,matapos magmulat ng mga mata.Nang mahimasmasan ay iginala niya ang paningin, nag-init ang pisngi niya dahil nahagip ng mga mata niya ang mga tauhan nilang nagbubulungang nakamasid sa kanya.

Nagyuko na lang siya ng ulo at tahimik na tinunton ang cabin house.

*****

Nagtungo si Anica sa Batis na lagi nilang pinupuntahan noon ng kuya Allen niya kapag tumatakas sila sa farm. Hindi naman iyon kalayuan pero dinala pa rin niya ang pick-up truck ng farm. At nakapark lang iyon sa di kalayuan.Balak niyang magtungo sa bayan, pagkagaling sa batis.

Nakaupo siya noon sa malaking bato, habang nakalublob ang mga paa sa umaagos na tubig. Gusto niya munang mapag-isa at mag muni-muni. Hindi niya alam kung hanggang saan kayang tiisin ang malamig na pakikikitungo sa kanya ni Gilbert.Napabuntong-hininga siya.

Maya-maya'y naakit ang dalaga sa ganda at linis ng tubig.Nagpalinga-linga ang siya, wala namang katao-tao sa batis kaya naghubad siya ng kasuotan.

Napasinghap si Anica ng maramdaman ang lamig ng tubig, nang lumusong siya,pero hindi nagtagal ay naenjoy na ng dalaga ang temperatura nito. Pakiramdam niya'y sandaling napalis ang mga alalahanin niya.

Hindi niya napansin ang lalakeng parating, sakay ng puting kabayo.

*****  
  
  
  
  
  


Marry Me (Tagalog Love Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon