Part 5

282 6 1
                                    

Yun ang huli nilang pagkikita ni Gilbert...

"Anica ano bang ginawa mo? Umalis kana ng Pilipinas, magpakalayo-layo. Pasalamat ka at mataas ang katungkulan ni Tito Martin sa pulisya kaya napagtakpan ang ginawa mo.Kung nagkataong wala kayong kapit, tiyak na makukulong si Gilbert at mapapatalsik sa serbisyo, at ikaw naman ay matuturn over sa custody ng DSWD dahil minor ka pa,kapag nasa tamang edad kana saka ka nila ikukulong!"

Hanggang ngayon ay tila naririnig pa rin niya ng paulit-ulit ang mga katagang iyon mula sa pinsang si  Raquel. Takot na takot siya. Kaya nakiusap siya sa mga magulang na sa Italy na magpatuloy ng pag-aaral. Hindi man sang-ayon ang mga ito, dahil self defense umano ang nangyari ay mas nangibabaw pa rin sa kanya na lumayo na lang muna kay Gilbert. Dahil wala naman siyang pakialam kung maparusahan siya, ang higit na ikinakabahala niya ay ang galit na nakita niya sa mga mata ni Gilbert.

At sana nga, sa muling pagbabalik niya sa Pilipinas matapos ang 10 taon ay hindi na magkrus ang landas nila ng lalake. Aayusin niya lang ang tungkol sa farm at pagkatapos ay babalik na ulit siya ng Italy at kalilimutan na ang Pilipinas.

Ang pag-uwi niya ngayon, ay hindi niya ipinaalam sa Kuya niya. Ayaw na niyang abalahin pa ito, kabisado pa rin naman niya ang daan pauwi sa bahay nila.

Nagpara siya ng taxi at idinetalye sa driver ang address ng bahay nila.

*****  
   
Napansin ni Anica na Mali ang tinatahak nilang daan,  talahiban iyon at walang katao tao. Nakaramdam siya ng kaba.

Sinipat niya ang driver ng taxi sa rearview mirror, kahina-hinala ang tabas ng mukha nito at makahulugan ang mga ngiti. Sa tantiya niya ay nasa kwarenta y singko na ang edad, napapanot na ang ulo at may kalakihan ang tiyan.Agad niyang kinapa ang pepper spray sa backpack.Masama ang kutob niya.

"Manong, hindi ho ito ang daan pauwi samin!" galit na sita niya sa pangisi ngising driver.

"Alam ko,sa langit muna kita idadaan bago kita idaan sainyo, makatikim man lang ako ng sariwa at maganda!" kagat-labing sabi nito.
   
Nagtayuan ang balahibo ng dalaga sa pandidiri. Bakit ba hindi niya man lng kinilatis muna ang driver na ito kanina.

Huminto ang taxi at lumabas ang manyakis na driver.

"Baba Miss maganda" pilit na binubuksan ng driver ang pinto ng taxi sa backseat kung saan siya naroon.
   
"No!" hawak hawak niya naman iyon pasara.
  
"Huwag ka ng magmatigas!"

 Tinatagan niya ang loob.Nagbilang siya ng 3 at inihanda ang pepper spray. Isa..dalawa..tatlo.

Nang mabuksan ng driver ang pinto ay siya namang pagspray niya sa mukha nito. Napasigaw ito sa hapdi at natutop ng kamay ang mga mata. Yun ang pagkakataon niya,nagmadali siyang lumabas ng taxi, at nagtatatakbo palayo upang humingi ng tulong.

Tiyempo namang may dumaang patrol car, agad siyang hinintuan ng mga pulis at nahuli ang manyakis na taxi driver.

Humantong sila sa police station.

"Ma'am hingian lang po namin kayo ng statement sa nangyari,para makapagsampa tayo ng kaso kay Boy taxi, matagal na ho naming pinaghahanap yan,marami ng nabiktima" sabi sa kanya ng isang police.

Tumango ang dalaga.

"Ano hong pangalan niyo?" tanong pa nito.

"I'm Anica Alferez" sagot niya.

"Oh! Pareho pa pala kayo ng apelyido ni Kapitan Alferez" sabi naman ng isang pulis na nasa likod niya. Nagpakilalang si Sgt.Cabrera

"Anica? Is that you?" kunot noong tanong ng isang opisyal, palabas ito ng opisina nito.

Nagkatinginan ang mga police.

Napaangat naman ng mukha ang dalaga.

Hindi siya nagpasundo sa Kuya niya upang maiwasang magkrus ang landas nila ni Gilbert,dahil tiyak na babangitin nito iyon sa huli, pero ito pa rin pala ang kababagsakan niya. Ganun pa man, gumaan ang pakiramdam niya ng makita si Allen. Labis niyang namiss ang nakatatandang kapatid.

"Kuya!" tumayo siya sa kinauupuan, sinalubong ang kapatid at niyakap ito.

"Little Sis, why are you here? At kelan ka pa dumating?" tanong ni Allen

"Kapatid niyo ho si Ms. Alferez Sir?" tanong ni Sgt.Cabrera.

"Oo, nakababatang kapatid ko" sagot ng Kapitan.

"Naku yari kana talaga boy taxi, kapatid pala ni Kapitan ang biniktima mo!" pananakot ng isang police sa nakahalukipkip at nakaposas na taxi driver.

"Anong nangyari Cabrera?" Tumiim ang anyo ni Allen.

"Naku Sir, binalak biktimahin ni Boy taxi si Ma'am, mabuti na lang at may dala siyang pepper spray, at tiyempo ring nag-iikot kami kaya napurnada ang masamang balak ng ugok na to!" sagot naman ni PO1 Reyes, ito ang nakaescort kay boy taxi.

Dumako ang paningin ni Allen sa animo maamong tupang si Boy taxi, tinitigan ito ng matalim."Alam niyo na ang gagawin diyan Cabrera." utos ng kapitan sa mga tauhan.

"Yes Sir!"halos magkapanabay na sagot ng mga ito.

Niyakag ang dalaga ng kapatid sa loob ng opisina nito.

"Are you alright? Nasaktan ka ba ng ulupong na yun? Bakit hindi ka nagpasabing ngayon ang uwi mo? Sana nasundo kita sa airport." nag-aalalang tanong ni Allen, pinagbuksan siya ng pinto.

"Okay lang ako Kuya"nakangiting sagot niya.

Tumango si Allen at narelief sa sinabi niya.

"Tol, look who's here!" masayang sabi ni Allen sa lalakeng nakatalikod at nagtitimpla ng kape sa loob ng opisina nito.

Tila tumigil ang mundo niya ng humarap ito at mapagsino.

Si Gilbert!

Ito na nga ba ang iniiwasan niya, ang magkrus ang landas nila..

Pakiramdam niya'y matatanggal ang eardrums niya sa lakas ng kabog ng dibdib niya.

*****

Marry Me (Tagalog Love Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon