A Man In Love: 5. Woohyun
a/n: first ever Woohyun-fanfic. :) Sana magustuhan ng mga Woohyun-biased out there.
Woohyun's teaser on the side ----->
---
"Magtatapat na ako sa kanya? Ano kaya ang magandang gawin ko para magtapat sa babaeng nagugustuhan ko?" nag-iisip ako habang nakatingala sa langit.
D-Day ko na kasi. Magtatapat na ako sa babaeng nagugustuhan ko, pero hindi ko alam kung paano.
Nahihiya naman akong humingi ng advice sa kung sino-sino at baka kung ano lang ang ibigay nilang advice para sa akin.
Nag-search ako sa internet kung ano ang magandang paraan ng pagtatapat.
Stuff toy daw ang isa sa pinakagustong matanggap ng isang babae galing sa isang lalaki. Kaya naisip ko na bumili na lang ng stuff toy para sa kanya.
Agad akong nagbihis para pumunta sa isang shop at bumili ng isang stuff toy.
Iba't ibang stuff toy yung nakita ko. May maliliit, may mga cute, may mga malalaki tapos iba't ibang kulay pa. Mas lalo akong nahirapan mag-decide.
"Para kanino po ba?" tanong nung babae.
"Para sa friend ko..." sagot ko.
"Girlfriend?" tanong niya.
"Yeah... I'll ask her to be my girlfriend tapos ibibigay ko sa kanya yung stuff toy..." sagot ko.
"Wow! Ang sweet naman..." sagot niya. "Baka ito po magustuhan niya..." sabay turo sa isang malaking bear stuff toy na kulay puti na may pink na lace sa may leeg.
Cute nga. Maganda. Siguradong magugustuhan niya.
"Sige po. Kukunin ko na..."
Binili ko yung stuff toy.
Habang naglalakad ako pauwi, "Ang panget naman kung ibibigay ko lang sa kanya tong stuff toy tapos sasabihin kong, will you be my girlfriend? Hindi masyadong romantic. Dapat may gawin pa ako para sa kanya..."
Naisipan kong pumunta muna sa school na pinagtuturuan ni ate. Pre-school teacher kasi siya. Manghihingi ako ng advice kung paano ko sasabihin sa kanya.
Pagpasok ko, nagtuturo siya. Tahimik naman yung mga bata, nagco-color lang sila. Tapos inilapag ko yung stuff toy sa isang gilid.
Kinausap ko si ate,
"Paano ba? Ano pa ang magandang pwedeng gawin?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Infinite: A Man in Love *Completed*
Fanfiction© minlai22---All Rights Reserved 2013---Dedicated to all the Inspirits out there. Yehey!!! Finally, they're back with their mini-album. Kakilig naman. ^^ Natutuwa ako sa comeback nila,.. Matagal-tagal din yung paghihintay kong iyon ah... hehe... Oh...