A Man In Love: 6. Dongwoo

1K 45 8
                                    

A Man In Love: 6. Dongwoo

a/n: first ever Dongwoo-fanfic. :) Sana magustuhan ng mga Dongwoo-biased out there.

Dongwoo's teaser on the side ----->

---                                                  

Dala-dala ko yung napakaraming libro nung araw na yun nung mapansin kong palabas ng kwarto niya yung kapit-bahay ko sa condo na si Sungjong.

"Uy!" bati ni Sungjong sa akin.

"Yow..." cool kong sagot sa kanya. Napansin ni ko yung heart-shaped box sa harapan ng kwarto ni Sungjong.

"Kamusta?" tanong ni Sungjong sa akin.

"Mabuti. May inaayos para sa girlfriend ko..." ngumiti ako sa kanya.

"Wow! Goodluck..." sagot nito.

"Salamat…" sagot ko sa kanya tapos nagdire-diretso na ako sa kwarto ko.

Ibinaba ko yung mga librong kapit ko at inisip kung ano ang magandang pwedeng ibigay sa girlfriend ko. Yung romantic na nakakakilig.

Binuksan ko isa-isa yung mga librong nahanap ko. Kaso para bang puro 'love' lang yung nababasa kong salita.

Ganito nga ba pag inlove? Puro salitang 'love' na lang yung nakikita?

Nagstart akong magsulat ng isang liham. Pero habang nagsusulat ako, para bang walang pumapasok ng ideya sa utak ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung liham para sa kanya.

Kinikilig ako habang iniisip kung ano ang magiging reaksyon niya habang binabasa niya yung sulat na gawa ko. Napapangiti ako ng hindi ko namamalayan.

Sana matuwa siya.

Hindi ko namalayan yung pagtakbo nung oras habang nag-iisip ako ng isusulat ko sa liham na iyon.

Nagsusulat ako ng hindi ko alam kung paano ako magsisimula at kung paano ko tatapusin. Sabi nga nila, sa paggawa daw ng love letters, you start without knowing what to write and you end it without knowing what you have written.

Nung medyo nakuntento na ako sa ginawa kong sulat, pumanik na ako sa rooftop ng tinutuluyan ko. Sa harap lang kasi yung bahay nung girlfriend ko.

Inabangan ko siya habang nakatinging sa may daanan. Hinihintay kong dumaan siya. Patingin-tingin din ako sa orasan ko dahil 4:00 ang uwi niya sa kanilang bahay.

3:54, nakita ko siyang patawid na ng kalsada. Malapit na siya.

Inayos ko na yung sulat. Tiniklop ko yung papel tapos ginawa kong paper airplane.

Nung malapit na siya sa bahay, naghintay lang ako ng sandaling minuto. Hinalikan ko yung letter na gawa ko, hoping na siya ang makakapulot nun, tapos ibinato ko na yung paper airplane na may laman ng love letter ko para sa kanya.

Sakto bumagsak yung paper airplane na yun sa may paanan niya.

Nakita ko pang lumingon-lingon siya sa paligid at nagtataka kung saan galing yung paper airplane.

Nung pinulot niya yun, napangiti ako. Nakita niya siguro yung pangalan niya sa sulat.

Dahan-dahan niyang binuklat iyon.

Napapansin kong napapangiti siya habang binabasa yung sulat.

Nung natapos na niya, tumingala siya.

Nagtama yung paningin namin at ngumiti siya.

Nag-heart sign siya sa akin at nag-'saranghae' sa akin.

Kahit na nasa rooftop ako, narinig ko iyon.

"Nado saranghae..." sagot ko

Nung pumasok na siya sa bahay nila.

Napatalon na lang ako sa rooftop. Hindi ko alam kung dala lang ba ng saya o kilig kaya nagtatalon ako.

Pero kinikilig ako sa naging reaksyon ng girlfriend ko.

Mabuti at nagustuhan niya yung simpleng gestures ko to tell her that I love her.

-The End-

---

a/n: hehehe~ Si Dongwoo.... :))))

Nakakatuwa kasi siya eh. Yan yung naisip kong story about kay Dongwoo.. heheh.. Maganda ba?

 

Hopefully, nagustuhan mo. ^^

 

Salamat sa pagbasa. Don't foget to vote, comment and follow kung gusto mo. Walang pilitan.

 

 Thanks. SARANGHAE♥♥♥

Infinite: A Man in Love *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon