A Man In Love: 2. L / Myungsoo
a/n: Second L/Myungsoo-fanfic :) Sana magustuhan ng mga L/Myungsoo-biased out there.
L's teaser on the side ----->
---
Paulit-ulit kong binabasa yung tinext niya sa akin.
'Kahit paulit-ulit pa, hindi ako magsasawang sabihin na Mahal Kita... :*'
Hindi ko alam pero kinikilig ako habang paulit-ulit kong binabasa yung text niya.
Napansin ko tuloy na sinundan ako ng tingin nung isang lalaking nakasalubong ko sa university habang naglalakad ako papasok. Nakita ko may dalang isang malaking box yung lalaki, pero hindi ko na siya pinansin, kinikilig kasi ako.
Dahil sa sobrang kilig, nahahalik-halikan ko na rin yung phone na kapit ko.
Sobrang bagal ng paglalakad ko. Pakiramdam ko, ako yung bida sa isang pelikula kung saan may isang 'happy ending'. Iniisip ko palang na makikita ko siya mamaya, napapangiti na ako.
Hindi ko na tuloy namalayan yung pagtakbo ng oras, pagpasok ko sa classroom namin, nagtuturo na yung professor namin. Sa gitna pa naman yung pwesto ko, nahalata niya tuloy na late ako sa klase niya.
"Late ka na naman Myungsoo..." sita niya sa akin.
"Sorry Sir..." sagot ko tapos umupo na ako.
Nagsimula na siyang magturo. Geometry yung subject namin ngayon. Nagsimula na siyang magsulat ng mga angles at formulas sa board, pero para bang ni isa sa mga tinuturo niya hindi ko maintindihan. Patuloy pa rin kasing tumatakbo sa veins ko yung 'kilig virus' dahil sa text niya sa akin.
Tapos napansin ko na para bang nag-iba yung mga itinuturo niya. Naging tungkol na sa 'love' yung itinuturo niya. Hindi ko laam kung nananaginip lang ba ako pero tungkol sa pag-ibig yung naririnig ko from our professor.
"Ahhh..." mahina kong sabi habang patuloy na nakikinig sa 'love lesson' ni Sir.
Nagulat na lang ako nung kalabitin ako nung seatmate ko, para bang naalimpungatan ako mula sa pananaginip ko ng gising.
"A-ano yun?" tanong ko sa kanya.
"Kanina ka pa tinatawag ni Sir..." sagot niya.
"Ah... Y-Yes Sir?" tanong ko kaso imbes na sumagot siya, binato niya ako ng chalk sa may noo ko.
"Aray..." mahina kong banggit.
"Kung magde-daydream ka lang din sa oras ng klase ko, mas mabuting hindi ka na lang pumasok. Labas..." sigaw nung professor sa akin.
Hindi na ako nagdalawang-isip. Lumabas na lang ako. Tutal malapit na rin namang matapos yung klase niya. Malapit na rin yugn oras ng pagkikita namin.
Naglakad na ako palabas, papunta sa meeting place namin. Nagugulat ako dahil para bang lahat na nakikita ko ay mga magkasintahan. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin dahil maya-maya lang magkikita na kami.
Naupo ako sa isang bench.
Naghintay ako doon para sa kanya. Nagulat ako dahil nung inilibot ko yung paningin ko, puro couples yung nakapaligid sa akin.
Napangiti ulit ako.
Malapit na siya. Makikita ko na rin siya.
Napatingin ako sa cellphone ko nung bigla itong mag-vibrate.
'Andito na ako...' text niya.
Pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko siya sa may kabilang dulo ng gym. Nakita niya ako tapos dahan-dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Mahal kita..." mahinang sabi niya.
-The End-
---
a/n: :""""""> GWAPO TALAGA NI MYUNGSOOOOOOOOOOOOO~ SHeeeeeeeemmmmms.... nakakaloka siya. Sobrang gwapo... Ansaket sa puso. :) Feeling ko inlove si Myungsoo nung panahong shinoot ang MV niyan eh, or baka sobtang galing niya talagang actor. Damang-dama ko kasi yung pagkakilig niya. heheheh.~ Gwapo talaga. ^^
Hopefully, nagustuhan mo. :)
BINABASA MO ANG
Infinite: A Man in Love *Completed*
Fanfiction© minlai22---All Rights Reserved 2013---Dedicated to all the Inspirits out there. Yehey!!! Finally, they're back with their mini-album. Kakilig naman. ^^ Natutuwa ako sa comeback nila,.. Matagal-tagal din yung paghihintay kong iyon ah... hehe... Oh...