A Man In Love: 3. Hoya

717 38 10
                                    

A Man In Love: 3. Hoya

a/n: first ever Hoya-fanfic. :) Sana magustuhan ng mga Hoya-biased out there.

Hoya's teaser on the side ----->

 

Sheeeeeeeeeeeeems.... Hindi pa ko nagsisimula pero kinikilig na ako. Si Hoya kasi ang pinakamahal ko sa grupong ito. Sheems. :) Mygaaaas. Saranghaeyo Hoya :)

 

Osyaa~ Eto na yung story.

---

"100th day na naming dalawa. Ano kaya ang magandang ibigay sa kanya?" tanong ko sa sarili ko habang nag-iisip ng magandang pangregalo sa girlfriend ko.

Lumabas ako ng bahay at nagtingin-tingin sa mga shops.

Napadaan ako sa isang teddy bear shop.

"Teddy bear na lang kaya ang iregalo ko?" tanong ko sa sarili ko. Pero may nakita akong isang lalaki na bumili ng isang malaking teddy bear na kulay puti.

"Wag na nga lang. May gagawa na nung plano ko..."

Naisipan kong pumunta sa isang bookstore, maghahanap ako ng libro na pwede kong ibigay sa kanya. Kaso may nakasalubong akong lalaki na maraming dalang libro.

Nagbago tuloy ang isip ko.

Napadaan din ako sa isang grocery store, naisip ko na mag-bake na lang para sa kanya pero nakita ko yung isang lalaking namimili ng mga ingredients para sa pagbe-bake. Nagbago na naman yung isip ko.

Bakit ba may gumagawa na nung mga bagay na gusto kong gawin?

Patuloy akong naglakad tapos napadaan ako doon sa isang women's boutique. Doon siya kadalasan namimili ng mga gamit niya. Paborito niya yung boutique na yun.

Lumingon-lingon ako sa gilid ko. Tapos tinignan ko kung maraming babae sa loob nung boutique. Nakakahiya naman kasi para sa isang lalaking katulad ko ang pumasok sa isang boutique na para lang sa mga babae. Baka isipin nila na bakla ako.

Pero kahit na nahihiya ako, nilakasan ko yung loob ko. Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan kong binuksan yung pintuan para pumasok sa loob.

Nakita ko pang pinagtinginan ako nung mga babae sa loob dahil ako lang yata ang lalaking pumasok sa boutique na ito.

Tinignan ko yung mga gamit na nakadisplay sa bawat lamesa. Natutuwa ako sa mga nakikita ko. Prang kahit na ano ang bilhin ko dito, magugustuhan niya.

Kaya pala siya dito namimili parati, magaganda kasi yung mga tinda nila.

Napapakamot ako ng ulo ko dahil sa sobrang hirap pumili ng bibilhin ko para sa kanya.

Tinignan ko yung mga sapatos na naka-display. Nanlaki yung mata ko dun sa isang sapatos dahil sobrang mahal niya. Binitawan ko kaagad tapos nagpunta ako sa may 'bag' section nung boutique.

Sinubukan kong isukbit yung mga bag na napili ko. Tinitignan ko kung bagay sa akin yung bag na yun. Pinagtitinginan tuloy ako nung mga babae sa gilid ko. Kung anu-anong bag yung sinubukan ko pero wala pa rin akong mapili. Tapos nung may nakita akong isa,

"Parang okay na yata 'to?" tanong ko sa sarili.

"Ay! Hindi yan bagay sa'yo... Eto mas bagay oh…" sabi nung isang babae doon sabay turo sa isang bag.

Inilapag ko na lang yung bag tapos lumayo sa babae.

Siguro inisip niya bakla ako. Naku naman!

Napabalik ako sa 'shoe' section nung boutique. Nakakita ako ng isang white na sandals. At dahil magka-size kami ng paa nung girlfriend ko, Sinubukan ko sa sarili ko, kaso hindi naman nagkasya.

"Aish~ Ang hirap pumili"

Nilibot ko muli yung kabuuan ng boutique.

Narating ko yung isang lugar kung saan may mga damit doon. Nagpalingon-lingon ako hanggang sa mapansin ko yung isang necklace na nakasuot sa manikin.

Para bang may nagsabi sa akin na yun na yung hinahanap ko.

Hindi na ako nagdalawang isip. Binili ko na iyon at ipinabalot ko sa isang box tapos naglakad na ako papunta sa bahay nila.

-The End-

---

a/n: yeah~ walang masyadong kilig moments kay Hoya. Pero kinikilig ako eh.... Lalake papasok sa isang boutique shop? Mygaaaaaaaaas... tapos bibili lang ng necklace para sa taong mahal niya? Sheeeemss... That is just so sweeeet. :) Sheeeemmms... kinikilig talaga ako. Mygaaaaaadddd. Hoya, pakasalan mo na ako... :""> heheheh~

Pasensya nababaliw na si author. Mahal ko na kasi si Hoya :) As in sobra na... heheheh

 

Hopefully, nagustuhan mo. :)

 

Salamat sa pagbasa. Don't foget to vote, comment and follow kung gusto mo. Walang pilitan.

 

Thanks. SARANGHAE♥♥♥

Infinite: A Man in Love *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon