A Man In Love: 1. Sunggyu
a/n: first ever Sunggyu-fanfic. :) Sana magustuhan ng mga Sunggyu-biased out there.
Sunggyu's teaser on the side ----->
---
Inayos ko yung buong rooftop kung saan ko napiling gawin yung celebration ng anniversary namin ng girlfriend ko.
Halos tatlong araw yung ginugol ko sa pag-aayos nung buong lugar.
Naglagay ako ng isang maliit na pulang windmill na halos kasing tangkad ko sa harapan nung dalawang upuan. Tapos inayos ko yung paligid ng rooftop.
Pinalibutan ko rin ng mga ilaw yung buong lugar.
Ilang beses ko sinubukan buksan yung ilaw at tinignan ko kung umiilaw lahat.
Chineck ko lahat hanggang sa napansin ko na may dalawang bulb na hindi umiilaw.
"Dalawa lang pala yung kulang. Ayos na yan..." sabi ko sa sarili ko. Naghanda na ako para bumili ng isang cake at yung dalawang bulb na kulang.
Nag-ayos na ako. Tinext ko na rin siya para paalalahanan siya. Tapos nagpunta na ako sa isang bakeshop. Para bumili ng isang cake. Pinalagyan ko pa ng 'Happy Anniversary' lettering yung cake na napili ko.
Napapangiti ako habang iniisip kung ano yung magiging reaksyon niya kapag nakita niya yung buong rooftop.
"Sir, tapos na po..." sagot nung isang babae sa bakeshop.
"Okay. Salamat..." tapos kinuha ko na yung cake na binili ko.
"Happy Anniversary sir..." sabi niya.
"Salamat ulit..." ngumiti ako tapos tuluyan na akong lumabas ng bakeshop.
Dumaan ako dun sa university kung saan kami nagkakilala nung girlfriend ko ngayon. Kinikilig ako habang inaalala yung umpisa naming dalawa.
"Sana magustuhan niya yung supresa ko sa kanya ngayong anniversary namin..." nag-iisip ako habang naglalakad. May nakasalubong pa akong isang gwapong lalaki na sobrang halata na kinikilig. Hinahalik-halikan niya pa yung phone niya.
Siguro sinagot na yun ng nililigawan niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ko.
Nung nakarating na ako sa meeting place namin, medyo madilim na. Inilagay ko yung cake sa may lamesa tapos inilagay ko na yung dalawang bulb na kulang.
Nung pinindot ko yung switch, nagliwanag yung buong rooftop.
Napangiti na lang ako dahil sa magiging matagumpay ang surpresa ko para sa girlfriend ko.
Narinig ko na lang na may kumatok sa may pintuan.
Pinatay ko muna yung ilaw nung buong lugar.
Tapos pinagbuksan ko na siya at ipinakita ko sa kanya yung surpresa ko.
-The End-
---
a/n: eeeeeeeeeeh~ Granpa Sunggyu. :) natutuwa ako. Sobrang ganda kasi nung part ni Sunggyu. Tapos yung location pa ni Sunggyu, napakaganda talaga. Nakakakilig lang tuloy.... :">
Hopefully, nagustuhan mo. :)
Salamat sa pagbasa. Don't foget to vote, comment and follow kung gusto mo. Walang pilitan.
Thanks. SARANGHAE♥♥♥
BINABASA MO ANG
Infinite: A Man in Love *Completed*
Fanfiction© minlai22---All Rights Reserved 2013---Dedicated to all the Inspirits out there. Yehey!!! Finally, they're back with their mini-album. Kakilig naman. ^^ Natutuwa ako sa comeback nila,.. Matagal-tagal din yung paghihintay kong iyon ah... hehe... Oh...