A Man In Love: 7. Sungjong

1.8K 65 10
                                    

Man In Love: 7. Sungjong

 a/n: first ever Sungjong-fanfic. :) Sana magustuhan ng mga Sungjong-biased out there.

Sungjong's teaser on the side ----->

--- 

"Aish~ Anong susuotin kong damit sa first date namin ng girlfriend ko? Hindi ako makapili..." sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

Nakatayo ako sa harap ng closet ko na punong-puno ng iba't ibang damit na may iba't ibang colors.

"Eto maganda..." sabay humarap ako sa salamin para tignan yung itsura ko kung bagay nga ba sa akin yung damit na napili ko.

Kumuha ulit ako ng panibagong damit, "Pero parang mas bagay ito sa akin..."

"Eto, refreshing yung kulay..." sabi ko tapos naghanap ulit ako sa closet.

 

"Eh, eto na lang kaya para color-coding kami...."

 

"Aish~ Hirap pumili...."

Naghanap pa ako sa closet ng mga masusuot pero halos hindi na ako makapag-decide kung alin sa mga yun ang pipiliin ko. Halos lahat kasi ng damit na piliin ko ay maganda para sa akin. Naguguluhan ako. Pero kinakabahan din at the same time dahil nga first date naming dalawa.

Napaupo na lang ako sa sofa dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko dahil hindi ako makapili ng maayos na damit para sa date namin.

Napatayo na lang ako nung biglang may nag-doorbell sa may pintuan. Agad naman akong tumayo para tignan ito.

Pagbukas ko ng pintuan, nakita kong padaan yung lalaking nakatira sa katabing room ko. Si Dongwoo.

"Uy!" bati ko sa kanya.

"Yow..." cool na sagot sa akin ni Dongwoo. Napansin kong marami itong dalang libro

"Kamusta?" tanong ko sa kanya.

"Mabuti. May inaayos para sa girlfriend ko..." tapos ngumiti si Dongwoo.

Ayun na naman ang gummy smile niya, sa isip ni ko.

"Wow! Goodluck..." sagot ko na lang sa kanya.

"Salamat…" tapos nagdire-diretso na si Dongwoo sa kwarto niya.

Napansin ko na lang na may isang heart-shaped box sa may tapat ng pintuan.

Umupo ako para tignan ito.

Pagbukas ko, isang cute na pusa ang lumabas mula dito.

Infinite: A Man in Love *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon