A Man In Love: 4. Sungyeol
a/n: first ever Sungyeol-fanfic. :) Sana magustuhan ng mga Sungyeol-biased out there.
Sungyeol's teaser on the side ----->
---
"Ah! Magbe-bake na lang ako para sa kanya..." pag-dedecide ko.
"Pero ano ang magandang i-bake? Yung madali lang... Hmmmmm"
Nag-search ako sa internet at nakita ko yung paggawa ng 'fortune cookies'. Yung cookies na may message sa loob.
Tinignan ko yung mga ingredients na gagamitin para sa paggawa nun. Tapos nanuod din ako ng video kung paano gawin.
Nung medyo na-gets ko na yung paggawa niya. Nag-ayos na ako para pumunta sa grocery store at bumili ng mga ingredients na gagamitin ko. Namili na rin ako nung paborito naming fruit which is apple.
Agad akong namili ng mga ingredients. Tapos naglakad na pauwi.
Nadaanan ko pa yung school kung saan nag-aaral yung pamangkin ko. Pumasok muna ako para tumugtog ng piano doon.
Tinugtog ko yung paboritong tugtog nung girlfriend ko.
Nagulat na lang ako nung may kumalabit sa akin.
"Si-sino ka?" tanong niya sa akin.
Hindi ko siya kilala pero sa pagkakaalala ko, kapatid siya nung teacher nung pamangkin ko.
Hindi na ako sumagot. Nagmadali na lang akong kunin yung gamit ko, tapos lumabas na doon sa school.
"Siguro, iisipin nun, ang weird ko. Nagtatakbo kasi ako palabas ng hindi man lang nagpapakilala. Aish~" naisip ko habang naglalakad pauwi.
Dumiretso na ako sa kusina tapos nagsuot na ako ng apron. Nakita ko rin yung cooking book ng nanay ko tapos nag-base na rin ako dun kung paano gawin yung fortune cookies. Ginaya ko yung ginawa nung chef doon sa napanood kong video.
Nagsulat muna ako ng mga messages sa isang strip of paper. Hindi na ako nag-isip ng kung anong isusulat ko dahil isa lang naman ang nasa isipan ko.
'I Love You'
Nahihirapan ako doon sa ginagawa ko. First time ko kasing mag-bake.
Wala akong experience sa baking tapos gagawa ako. Tsktsk. Sana maging maganda ang kalalabasan nitong gagawin ko.
Pinaghiwalay ko yung egg white at egg yolk. Yung akala kong madali lang gawin, nahirapan ako. Nadadalian lang kasi yung nasa video na pinanood ko pero ako, halos ilang itlog yung nasayang ko para lang mapaghiwalay ko yung egg yolk sa egg white.
Medyo naging makalat din yung paglalagay ko ng flour pati yung cooking book nalagyan ng flour.
Pero naayos ko rin yung paggawa.
Maganda naman yung kinalabasan nung ginawa ko.
Nagbalat ako ng apple habang hinihintay tumunog yung oven. Lihim kong kinakain yung apple at nasarapan ako dahil sobrang tamis nung apple.
Paniguradong magugustuhan niya ito.
Nung natapos na yung pagbe-bake ko, nag-try ako ng isang fortune cookie. Hinati ko siya sa dalawa tapos tinignan yung message sa loob. And katulad nung expectations ko yung kinalabasan. Tinikman ko rin yung lasa. Masarap naman. Pwede ng ihanda.
Inayos ko na yung lamesa. Inilagay ko sa isang pinggan yung mga apples na ini-slice ko. Tapos yung fortune cookies na natapos ko ng i-bake, inilagay ko sa isang gilid. Tapos naglagay ako ng isang note sa gitna.
'I Love You'
-The End-
---
a/n: hehehe. Sungyeol. :) medyo maikli eh, ayun. Sorry.
wala kong masabe eh. basta ang sweet lang ni sungyeol dun sa MV. hehehe. nag-bake. OMG :) Nakakakilig siya. ^^
Hopefully, nagustuhan mo. :)
Salamat sa pagbasa. Don't foget to vote, comment and follow kung gusto mo. Walang pilitan.
Thanks. SARANGHAE♥♥♥
BINABASA MO ANG
Infinite: A Man in Love *Completed*
Fanfiction© minlai22---All Rights Reserved 2013---Dedicated to all the Inspirits out there. Yehey!!! Finally, they're back with their mini-album. Kakilig naman. ^^ Natutuwa ako sa comeback nila,.. Matagal-tagal din yung paghihintay kong iyon ah... hehe... Oh...