Chapter 4: "My Cellphone"

247 6 2
                                    

Isang mahalagang note galing saakin. Syempre kanino pa ba? XD Sana po wag kayong mabigla dahil nagbago ang plot ng My Ghost Love.

HINDI NA PO SI DARA ang bida dito.

Si JADE nalang po.

Hahaha joke lang. Di pwede yun. Yaan nyo malapit na ang pinakahihintay nyo. Etong chapter na to sige kay Dara muna. =))

Here’s chapter 4. Enjoy. <3

My Ghost Love

Chapter 4: “My Cellphone”

Dara’s POV

“Best dalian mo baka hindi na natin maabutan si sir Guevarra!” hinila ako ni Jade. Papunta kami ng gym ngayon. Yung mga nangyari kanina? Alam kong tinamaan talaga dun si Jade pero pagdating naming ng school nakita kami agad ni mam Len at yun inutusan kaming dalhin yung mga papers na toh bago makaalis si sir.

“Teka nga teka.” Sabi ko tapos pinigilan ko siya tumakbo. “Ano ba tong mga pinapadala ni mam? Sure ka bang mas importante to kesa sa best friend mong may asthma?!!” hingal na hingal ako grabe. Nasa gym daw ngayon si sir Guevarra. Malamang varsity coach sya.

“Mga medical tests yata to.”

“Best tignan mo oh. Dave Altamerano.” Tinuro ko yung medical test ni Dave.

“Requirements to for varsity.” Sabi nya na para bang iiyak na naman sya.

“Ahh o-oo nga no. Halika na baka umalis bigla yun.” Sabi ko nalang. Hinatak ko si Jade pero pinigilan nya ako.

“Baka nasa gym sya.” Yumuko si Jade. Hinila ko ulit sya at pumunta na kami sa gym.

Pagdating namin dun kita ko yung malungkot na mata ni Jade. Hay to talaga. -_-

“Alam mo ikaw? Bat di ka gumaya sa akin? Happy to be single. Masaya. Free. Contented.” sabi ko para at least naman may topic.

“Sinasabi mo lang yan kasi hindi ka pa pinapana ni kupido.” Ha? May ganun ba?

Ano ba to? Pano? Hahaha eh sa buong buhay ko nga hindi pumasok yang love love na yan eh. Sige sabihin na nating may mga kumakatok pero wapakels ako. Study first. Hmp. Wala akong time para sa mga ka-cornihan.

I-try ko kaya minsan? Minsan lang nama-- . Aish ano ba tong pinag-iiisip mo Dara??!! Kadiri kaya. -_-

“Eh kung pinana ka niya kay Da--.”

“Ayokong marinig pangalan niya.”

“Ayaw mong marinig?” sabi ko. Di sya sumagot at ako naman edi okay. Hinanap na ng paningin ko si sir Guevarra at ayun spotted.

“Best ayun si sir Guev—“

“Dave Altamerano!!!” sigaw ni sir. Lumapit naman sa kaniya si Dave.

“Hay lecheng pangalan yan oh.” Bulong ni Jade. “Ikaw na magbigay, hintayin kita dun labas.” Inabot niya na sakin yung papers and this time wala na sa ibabaw ung pangalan ni Dave.

Joshua Altamerano

Di ba Altamerano din si Dave. Di kaya kapatid nya to? Sasali din ba to sa varsity? T-teka nga. Para namang pakelam ko kung sasali tong dalawang to. Lumapit na ako kay sir Guevarra para iabot yung papers. Nandun din si Dave. Sushme! Ang tangkad. Siguro kung magiging sila ng best friend ko, liliit si Jade. Haha.

“Sir pinapabigay po ni ma—“

“Sir wait lang ha. 10 minutes.” Sabi sa kanya ni Dave tapos tumakbo na siya.

My Ghost Love -- Chapter 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon