Chapter 2: "The Bestfriend"

352 7 1
                                    

[AN] Isang mahabang update para sa mahabang paghihintay. HAHAHA sorry po. Inaasikaso ko po kasi mga requirements na kailangan ipasa. Eto pambawi. Hope you like it! :*

My Ghost Love

Chapter 2 * The Best Friend *

Dara’s POV

“Troy almusal na! Bumaba ka na jan.” Sigaw ni mama, may pasok pa kasi si Troy eh. Baka ma-late.

“Troy isang tawag nalang babawasan ko baon mo!”

“Ma ibig sabihin ba nun madadagdagan yung saken?” excited kong tanong. Syempre noh, dagdag allowance din yan.

“Hay naku Dara May Sanchez. Grow up, baon na nga lang ng kapatid mo kukunin mo pa.” Sabi sakin ni mama.

“Honey ano ka ba? Bata pa ‘tong si Dara. Syempre ayaw kong napapabayaan ang panganay ko.” Sabay kiss ni papa sa forehead ni mama.

Leche, umagang-umaga ang daming langgam. Hahahaha!

“Dara oh eto 1 week allowance mo.” Nag-abot sakin si papa ng 1000 pesos.

“Pa galit po ba kayo sa akin?” pabiro kong tanong sa kanya.

“Bakit? Gusto mo bawiin ko yan?” tanong nya.

“Ih ayaw ko po.” Tinago ko na ung pera ko sa bag ko. “Pa thank you. I love you so much!” pagkatapos sabay ko siyang niyakap ng mahigpit. Nakita ko naman si mama na nakangiti at tinitignan kami.

“Hon, tawagin mo na si Troy. Malelate na yun. And Dara, yung niluluto mo dun ano nang nangyari?”

Hala? Yung niluluto ko?!!

Dali-dali kong pinuntahan yung niluluto kong adobo. Agad ko namang nilagay yung chicken adobo sa mangkok para makakain na sila.

“And for my specialty, chicken adobo with LOVE.” Sabay kong nilapag yung bowl sa table.

Ang saya saya ko, kasi Masaya ang pamilya ko. Nakikita ko sila ngayon na nakaupo lahat sa dining table at finally matitikman na nila ang aking recipe. Ngiting tagumpay! Hahahahaha.

“Ate, ano to? Champorado?” tanong ni Troy. Narinig ko naman na tumawa sila mama at papa.

“Ano ka ba? Adobo yan noh.” Tumingin ako kay papa. “Pa.?” sabay lingon kay mama. “Ma, pangit ba lasa?”

KATAHIMIKAN.

Ayan, may mga nababasa ako sa libro na mga ganyan. Kapag tahimik ibig sabihin oo ang sagot. Hay sabi ko na nga ba eh, hindi ko pa rin ma-perfect yung adobo recipe ko eh. Haaaaay.

Tinalikuran ko na sila at kinuha ko na yung bag ko. Nag kiss na ako kay mama at papa para makaalis na rin ng bahay at may pasok pa. Bigla ko naman narinig na may bumusinang kotse sa labas.

“Dara!!!!!!! Dara!!!!!!!”

Binuksan ko naman yung pinto at nakita ko ang best friend ko. (Picture of Jade at the right side)

“Umagang-umaga naman oh. Bakit ka andito?” sabi ko sabay bukas ng gate.

“Kasi......wala ako dun.”

“Ang ganda kausap ng mga tao ngayon.” Tinalikuran ko sya para isara ung gate.

“Syempre maganda naman talaga ako.” Sabi nya.

My Ghost Love -- Chapter 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon