Chapter 13: "Their third meeting"

84 2 0
                                    

Dara's point of view

Papunta ako sa bahay nila Joshua ngayon and here is a wacky thought. Lumilipad kaming mga multo. Hahahaha. Nakakatuwa talaga maging multo. Pero malungkot kasi wala si Grey ngayon. May special meeting daw siya sa mga angels above. Kailangan daw siya dun kasi mayroon daw mga bagong anghel na dumating at parang integration ang gagawin nila kasi daw next week the new angels will also guide new born babies. Ang cute di ba? At pag fully grown na ang babies na yun, the angels will just stay by their side to guide them.

True. Lahat tyo may guardian angel. Grey is my literal guardian angel. He guides me towards this somewhat called mission. And I suddenly wonder. Ano kaya ang feeling? What does it feel like to be someone's guardian angel? Siguro mahirap. Hay nako pagdating ni Grey itatanong ko sa kanya yun. Well 3, days syang mawawala but he left some instructions to me.

At ang unang unang instruction niya ay puntahan ko si Joshua and wag ko na daw tatakutin. Ayaw niyang sabihin ang purpose kung bakit kailangan kong pumunta dun. Well, sinabi niya ang isang mababaw na reason. Kasi daw kailangan ko na daw umpisahan ang mission ko at wag na daw ako mananakot. Baka daw ma-expel siya. Pero sure ako may mas malalim na reason kung bakit kailangan kong pumunta dun. Malalaman ko daw kapag nandun na ako at nakapag-usap na kami. He told me to be visible as soon as I reach Joshua's house. May bningay sya sa aking potion na kailangan kong inumin para if ever na magtama ang katawan ko at ng tao ay hindi ako tatagos. Pero malamig parin daw ang presence ko. He also told me na sa window nalang ako dumaan katulad ng dinaanan namin kagabi pero kung hindi daw kaya, eh plan B nalang daw which is magpakilala sa parents nya na kaklase ni Joshua and gagawa ng group project. 

Nakakalungkot lang dahil mag-isa ako ngayon at hindi ako sure sa mga ginagawa ko. Another thing that saddens me is yung scene sa bahay namin kahapon na hanggang ngayon ay di ko parin makalimutan.

Pumasok na ako s bintana papunta sa room ni Joshua at narinig ko ang mga hikbi na hindi ko inaasahang marinig.

"Ardy, I really miss you. Please come back to me." patuloy ang pagiyak niya nang tahimik. 

Daraaaa, pano ka magpapakita sa kaniya? Proceed to plan B.

Bumaba ako papunta sa labas ng bahay nila and I make sure na visible ako sa tao at hindi ako lumulutang sa lupa. Sabi ni Grey I have to blink atleast 3 times in 1 minute just to make sure na nakikita ako ng tao at mukha akong tao. Ininom ko na yung potion and suddenly a part of me misses life.

Nag-doorbell na ako and isang babae ang sumalubong sa akin. I think mother niya ito.

"Good morning po. May group project po kami ni Joshua and sabi niya sa akin puntahan ko nalang daw siya." 

"Ah ganun ba? Oh sige hija pasok tyo. Akyatin mo nalang siya sa taas. Yung kwarto niya ay yung blue door. Magluluto pa kasi ako eh."

Umakyat na ako ng kwarto niya at kumatok pero hindi bumukas ang pintuan. Binuksan ko nalang ito and to my surprise, umiiyak pa rin siya. I tried to sound as normal as I can be.

"Hi Joshua." ngiting bati ko sa kanya at napalingon naman siya sa akin.

"Who are you?" tanong niya sakin.

"Sinabi mo sa akin na gagawa tyo ng project natin sa Science." 

"I never told that!" pinunasan niya ang basang mukha niya at tumuloy "at saka hindi naman kita kaklase ah?" 

Ooooops. 5 seconds din akong natulala at nag-isip ng maisasagot at dahil matalino ako which you already know, nakaisip ako ng back up.

"Nakita kasi kitang umiiyak and mukhang broken hearted kaya pindala ako ni cupid dito para patahanin ka." nakakalokong ngiti ko sa kanya. I know hindi siya maniniwala pero eto lang ang naisip kong paraan para makausap siya.

My Ghost Love -- Chapter 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon