Chapter 9: "Life after the dead"

90 1 0
                                    

My Ghost Love

Chapter 9: “Life after the dead”

By the time na alam kong pipikit na ako, alam kong hindi ko na kaya at wala nang reason para lumaban. Walang wala na ako. Masasakit ang mga suntok ni Mark. Hindi naman ganito ang pagkakakilala ko sa kanya.  Why does somebody have to do something like this? Binaboy na ako ni Mark at pagkatapos, syempre ano pa bang ginagawa sa mga taong nababoy na?

“Dapat ka nang mawala dito.”

“Boss tapusin mo na yan.”

“Teka boss saan natin sya itatapon?”

“Kahit saan. Basta siguraduhin nyong walang makukuhang ebidensya. Linisin nyo ang pagtatrabaho nyo.”

Yun na lang ang mga naririnig ko. Damang-dama ko ang mga sakit ng suntok nila. Ganito ba talaga kapalaran ko Lord? Okay lang sana ng mamatay ako nang hindi nakukuha ang virginity ko. Sana pagakyat ko dyan, malinis ulit ako.

Tumingin ako sa langit at nakita ko ang mga bituin. Sa pagningning ng mga bituin ay isang katahimikan at pagpapasakit ang nararanasan ko. Yung family ko kaya, anong ginagawa nila? I hope their fine. Si Jade, sana magkatuluyan sila at alam kong magkakatuluyan sila. Si Mark, at yung mga kasamahan nya, Lord patawarin nyo sila ha? Alam nyo naman po siguro kung saan sila pupunta di ba?

Lord Masaya na po ako. Kailangan ko nang tanggapin na ito ang kapalaran ko at dito ako matatapos. Masakit pero ganyan talaga ang buhay eh. Alam kong hiram lang ang bawat tao sa mundo, kaya po ako kinukuha nyo na. Alam ko rin po na tapos na ako dito sa mundo, kaya Lord. Hintayin nyo po ako dyan.

Pero parang ang weird nang nakarinig ako ng mga angels na kumakanta. Tumayo nako at hinanap kung saan ung tunog na yun.

As I enter the gate, totoo nga, angels sila at nakangiti silang lahat sa akin. Napaka-peaceful ng atmosphere dito grabe. Yung parang ayaw mo na umalis dito. Ang ganda kasi ng tunog, yung tunog na hindi mo maririnig sa mundo ng tao.

 Lumakad pa ako at nang makarating ako sa isang tunnel, lumingon ako sa mga angels at nakita ko silang kumakaway. I can’t help but flash a smile.

Sa loob ng madilim na tunnel, nakakita ako ng mga skeleton and... and dead people. This is the tunnel of the dead. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko dumaan dito, kahit super nakakadiring tignan. Binilisan ko nalang ang paglakad ko hanggang makalabas ako sa tunnel na yun.

Hanggang sa makarating ako sa isang pink door. Pumasok ako dun and guess what, I saw animals talking. Yung mga chicken, kumakanta, yung mga baboy, ugh! Nakangiti sa akin and I sudden felt a crack in my heart.

I saw weird thing in that room hanggang sa makalabas na ako dun.

Next, is a peach door. I don’t know pero sa haba ng nilakad ko, hindi ako napapagod. Siguro, ganun talaga ang mga patay na. Pero teka, patay na ba ako?

I opened the peach door, then I saw the image of my family. Ang lungkot nila tignan. Nakaramdam ako ng luha sa mata ko, namumuo na. I miss them. Hindi ko naman alam na in one day maraming mangyayari.

Lumitaw naman si Jade sa di kalayuan. Wherein, kasama niya si Dave and they had.... they had kids. Eto ba ang room of future? Dito nakikita ang mga mangyayari sa future. Wow! Ang ganda pala dito.

If only I knew this place bago mangyari sakin ung incident.

Lumabas na ako sa room na yun, teary eyed.

Then sa di kalayuan, nakakita ako ng isang huge gate with crystals and gems. May parang guard house dun na binuksan ung super laking gate at nakangiti siya sa akin.

Is this heaven?

Tinignan ko ung surroundings hanggang isang bagay ang kumuha ng atensyon ko.

Isang malaking heart with crown of thorns. Si Jesus ba to?b Makikilala ko na siya. Wow lang!

Nakaramdam ako ng sudden happiness in my heart.

Tumingin ako sa taas at nakita ko ang tinatawag nilang Diyos.Ang peaceful ng ngiti nya sakin, heaven na heaven. Lumapit sya sakin at binanggit ang words na

“....sorry.”

*BLACKOUT*

Readers, sorry for the short update. Yan lang muna mabibigay ko eh. =)))

My Ghost Love -- Chapter 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon