Chapter 3: "Strong Jade"

279 4 6
                                    

[AN] Oh eto, para sa mga broken hearted. Di ko naiwasang hindi mainip sa province kaya nagbake ako oh eto, fresh from the oven. Isang madramang chapter. HAHAHA. Um, bakasyon na? Mabilis lang mag update, hahaha. Osige na enjoy reading. :)

VOTE. Comment, be a follower. :D 

My Ghost Love

Chapter 3: “Strong Jade”

“Wala naman kasi yun Dara eh.”

“Jade, best friend kita. Kilalang-kilala kita noh kaya hindi pwedeng wala.”

Eto kami ni Dara ngayon. Nag-aargue tungkol sa hindi ko pagsabay sa kaniya kahapon.

Nagulat ako kasi pinunasan ni Dara yung luha sa mukha ko na hindi ko naman napansin na tumutulo na.

“Open. Trust me.”

Tinignan ko si Dara, napaka-amo ng mukha niya habang sinasabi niya yung mga katagang yun. Na para bang you are in safe hands with her. Na in any moment na mahulog ka, or madapa ka, itatayo ka niya. Kaya ako naman? Hindi na ako nagdalawang-isip itago pa ang kinikimkim kong sakit.

“Dave.” Nakayuko kong sinabi habang ramdam ko ang patuloy na pagtulo ng luha sa mata ko.

“Akala ko nakalimutan ko na sya, totally. A-akala ko lang pala yun.”

“....akala ko hindi na ako masasaktan ulit. Akala ko nakapagmove-on na ako. H-hindi pa pala.”

“...ang sakit sakit Dara. Ang sakit! Nung nakita ko silang dalawa, bumalik lahat ng hirap at sakit na nararamdaman ko nung high school tayo. Nakapag-move on na ako eh! Nakapagmove on na ako! Pero bakit ganun? I’m still stuck in the past.” Sabi ko habang umiiyak ako sa balikat ni Dara.

“..bakit ganun Dara? Bakit? Pati ba naman college life ko, sisirain ng lecheng pag-ibig na to ang buhay ko?!! Kailan ba ako pwedeng manahimik? Sana isang araw bigla nalang mawala lahat ng nararamdaman ko sakanya.”

“Shhh. Jade.”

Inangat ni Dara ang ulo ko. Kitang-kita siguro yung maga kong mata. Hinayaan niya muna ako magsalita bago siya tuluyang magsalita.

“Kung wala si Dave, kung hindi siya dumating sa buhay mo, hindi mo mararanasan kung paano mabuhay at umibig. Hindi ka siguro gumanda ng ganyan kung di mo siya nakilala nung mga high school days natin. Alam kong hindi ka magiging valedictorian ng batch natin nung grumaduate tayo kasi alam kong inspirasyon mo si Dave.”

Tinignan ko si Dara, mata sa mata.

“Lahat dahil kay Dave.”

Nung naisip ko yung thought na yun, bigla nalang akong humagulgol. Pakiramdam ko bumagsak ako galing sa anong taas ko na ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng words ni Dara sa puso ko.

Sabi na nga ba eh. Teka akala ko ba I’m in safe hands with her? Ano to? -_-

“Pero ni minsan Jade. Not once nakita kitang ipinaglaban ang nararamdaman mo para kay Dave.”

It makes sense...

All this time dahil sa pag-ibig ko sakanya naging mahina din ako. Narating ko man ang ganito kataas na status, narealize ko na mahina pa rin talaga ako. I thought namatay na si yung dating Jade. Sabi ko magbabagong buhay na ako. Pero ang hirap din pala. Ang hirap maging ikaw, yung hindi naman dapat ikaw.

Everytime na ipaglalaban ko na si Dave, may isang reason ang humihila sa akin pababa. Pababa kung saan hindi naman dapat ako nandun. Kasi kapag nandun ako, nakakaramdam ako ng sakit. Ganito pala yung ginawa ko nung nagdecide ako magbago.

Physically, nag-level up ako.

Mentally, medyo okay pa.

Pero emotionally?! Asa ka pa.

Mahina parin ako.

“Oo never kong ipinaglaban ang feelings ko para sakanya kasi alam kong wala rin naman. Kahit mag-artista ako, mag-broadcast ako sa radio, mag-model, kahit makuha ko pa ang pinakamataas na pwesto sa school, kahit ako pa ang maging Valedictorian, kahit magpaganda pa ako, wala pa rin. Lahat yan ginawa ko. Pero bakit ganun? Buti pa yung mga ibang babae, napapansin nya. Samantalang ako, nga nga. Kulang nalang maging desperado na ako kasi palagi akong umaasa na mapapansin nya ako.”

“...ako naman kasi e. Ang tanga-tanga kasi ng Jade na to! Ang sakit Dara. Dave is my first love and deniably, my first heartbreak.”

SILENCE. Tanging ang pagsinghot singhot ko sa ilong ang naririnig sa buong kwarto. Yakap pa rin naman ako ni Dara hanggang ngayon.

It feels good kasi sa sobrang sakit na dinudulot sa akin ni Dave, nakakagaan ng loob yung yakap ni Dara. Para ko na siyang kapatid. In her arms, I feel loved.

“Bakit hindi mo itry? Subukan mong ipaglaban ang nararamdaman mo para kay Dave. Alam mo Jade, sa love, kailangan mo ipaglaban. Kung ano talaga, edi yon. Kailangan mo rin maging malakas. Kasi wala naming mangyayari sa iyo kung tutunganga ka nalang dyan. Iiyak iyak ka, tapos nagsisisi ka kasi ang tanga tanga mo hindi mo pinaglaban yung taong mahal mo. There is nothing wrong in trying sis. Parang Globe lang yan eh. Go lang ng go!”

Napangiti naman ako sa sinabi ni Dara. Favorite part ko yung go lang ng go.

“P-pero paano pag nasaktan ako?” I whispered.

“Eeeeeeeh! Ano ka ba?! Don’t jump into conclusions. Wag kang ganiyan Jade. Kapag ba shinoot mo yung bola sa ring, sure ka ba na mashushoot yun? Syempre trust. Magtiwala ka sa sarili mo, wag kang panghinaan ng loob. There’s beauty inside you. At alam ko malakas ka rin. Why not? Lumabas ka dyan sa shell mo, ipakita mo yung taong dapat ikaw. Have faith, God will be watching you. I'm always here for you.”

Nginitian ako ni Dara, in that moment nakaramdam ako ng pagkabuhay ng puso ko. Ilang beses na to namatay pero ngayon, bubuhayin ko ulit. There’s nothing wrong in trying nga naman. Pero ife ever, hm! Bahala na si papa God.

“Kapag nabigo ka, wag mong kakalimutan na everything happens for a reason.” Sabi ni Jade.

“Jade..”

“Hm?”

“Paglabas natin ng bahay na ‘to, I want to see the the real you ha. Please throw the helpless Jade. Be the strong Jade.”Ngumiti sya then she kissed my forehead.

Lumabas na kami ni Dara. Pinuntahan nya kasi ako dito sa house kasi medyo late ang pasok naming today eh. Nagkataong sabay kaya, sinamantala na ni Dara ang pagpunta dito sa bahay para sermonan ako.

Di joke lang. Hehehe. =))

Worth it naman kasi atleast I know sa sarili ko, I want to be the strong Jade and I’m ready for it.

This is it.

Pagkapasok ko sa car, I started the engine at tinignan ko si Dara and I smiled.

“Say hi to strong Jade.”

My Ghost Love -- Chapter 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon