Chapter 8: "Eventually her last"

127 3 0
                                    

My Ghost Love

Chapter 8: “Eventually her last”

Dara’s POV

Hayyy! Sunday Sunday!!! It’s already 8:30 o’clock in the morning. I’ve got a lot of things to do. It’s going to be a really busy Sunday because Sunday is a day for family and a Sabbath day for Christians like us. Some of the Christians’Sabbath day is Saturday well, all of us have different types of Sabbath days whether it is Saturday or Sunday it’s still a Sabbath day, you know.

Charot lang! Bagong gising ang dyosa kaya ganito. English and peg ko! Wahahaha! Okay let’s stop.

I will start my Sunday with a good morning people of the house!

“Good morning people! I’m already awake na and we should eat breakfast and take bath and go to the church and—“

Nagulat ako ng Makita ko silang lahat na nakagayak at naghihintay sa akin sa sofa. Nakatingin sila sa akin na parang may mali akong nagawa at magugunaw ang mundo kasi hindi ko ginawa ung bagay na yun. Tinignan ko si mama na tumingin kay Troy at si Troy tumingin naman kay papa at si papa, nakatingin sa watch nya.

At bigla naman akong napatingin sa wall clock namin. 8:40. Ang dami-dami ko palang keshu-kesho sa kwarto kanina. Hahahaha! Grabity na ito.

“Oh ang sama ng tingin nyo sa akin? Smile din pag may time and it’s Sunday a day for, church.” Nung nasabi ko ung word na churchdoon lang ako nahimasmasan na..

“Ay oo nga pala 9 o’clock ung misa. Naku kailangan ko nang, gu—maligo.” Babalik na sana ako sa kwarto ko para kunin na yung towel ko kaso tinawag ako ni mama.

“Nak bilisan mo. You only have 20 minutes left at 10 minutes bago makapunta sa church. Hindi tayo pwedeng ma-late.” Napa-buntong hininga naman ako.

Umakyat na ako kinuha ko yung towel ko sa kwarto at bumaba at pumasok sa c.r.

Buhos tubig.

Shampoo ng buhok.

Sabon ng katawan. Kayod. Kayod. Kayod.

Banlaw.

Toothbrush.

Labas ng banyo.

“Wow ate ang bilis. Nagawa mo lahat in 3 minutes.” Sabi sa akin ni Troy nung paakyat na ako.

“Che!”umakyat na ako sa kwarto. May comment pa sya pero hindi ko na masyadong narinig kasi dali dali akong pumasok sa kwarto ko para magbihis.

“Hmm nakakabadtrip naman. Akala ko maganda talaga gising ko. Kaya pala parang may mali kanina.” Hinawakan ko yung tiyan ko.

“Hay kawawa ka naman tummy. Yaan mo lalamon tayo mamaya.” Sabi ko sabay bukas ng cabinet ko para maghanap ng isusuot. Wala, simpleng dress lang na may kasamang blazer. Medyo malamig kasi sa church, naka-aircon dun. Sosyal nga eh. Tapos isang simpleng doll shoes. At bumaba na ako.

Nakita kong nakatingin si Troy sa watch nya.

“Naks! Naka-watch ka rin. Like father like son!” sabi ko sakanila.

“6 minutes. A total of 9 minutes. Now you only have 1 minute left.” Sabi nya na para bang blue print sa minute to win it.

“Ma, magugutom ako.” Sabi ko na may palambing effect kay mama.

“Mamaya mo na problemahin yan. Male-late na tayo. Halika na.” inakay na ako ni mama. Tumayo na sila papa at Troy. Lumabas na kami ng bahay at sumakay ng taxi.

My Ghost Love -- Chapter 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon