Sorry. Sa aking munting pagkakamali, aking na-delete ang unang kwento na aking ginawa (Na nosebleed ako dun..) Kaya po ito ay aking ng inuulit. Salamat sa Microsoft na aking na-save sa document ko.. Thank god. Pero, may mga konting pagbabago po dito.. Hindi man po ito yung una niyong nabasa pero ganun parin naman po ang takbo ng kwento. Tanoshimo.
Sorry po talaga *Bow*
----
*Prologue*
"Good afternoon Mam.."
"Good Afternoon.."
Mikayla Montevedra. 19 yrs Old. College sa Academic High University. B.S.I.T. It was a 4 years course though hindi naman ako nahihirapan. Hindi naman talaga magiging mahirap para sayo ang course kung yun naman talaga ang gusto mo.. Pero syempre, hindi rin madali minsan ang buhay. Yung iba kumukuha ng course na hindi nila gusto para lang naman makahanap na agad ng trabaho. Hindi mo rin sila masisi sa mga ganoong bagay. Lahat tayo'y may karapatang mag-desisyon, nasa iisang mundo lang tayo na iniikutan.
About me. Wala namang espesyal sakin. Isa lang rin akong tao na napapabilang sa mundong ginagalawan ninyo. Hindi ako mayaman, may kaya lang. Hindi naman kasi pag ang pinasukan mong University is para sa mga Elites, mayaman ka na. Oo, para lang sa mga Elites ang nasabi kong University. Pero, anong ginagawa ko sa ganoong kagandang University? Una, sinubukan kong pumasok. Pangalawa, nag-exam ako. Pangatlo, nakapasa ako. Diba? there's nothing wrong naman kasi if you try. Wala rin namang mawawala sayo kung sinubukan mo. Kung hindi ka nakapasa. Why stop? Titigil ba ang mundo pag-tumigil ka? Hindi diba? Exactly. So, wag kang hihinto.
Ugali ko? Hindi ako palakibuin. Nasa loob ang kulo ko. Hindi ako madaldal. Hindi naman ako mataray o isnabera.. Ganyan na talaga ako simula pa ng Highschool. Syempre hindi ka mawawalan ng mga kaibigang alam ang totoong ugali mo. Hindi man sila minsan magandang kausap pero alam kong hindi ako nagkamali sa pagpili. Hindi ko kasi sila pinapakialaman kung gusto nilang magwala.. Sasamahan ko pa sila. Ako, hindi ako masyadong nagpapakita ng emosyon. Ang mga katulad kong tao is bibihira na lang sa ganitong panahon. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta dahil wala narin naman akong balak pang alamin kung nasan sila.
Hindi nga ako pinanganak na madaldal. May mga taong galit parin sa pagiging tahimik ko. Hindi ko sila pinapakialaman pero kung halungkatin nila ang buhay ng tao.. Wagas wagas, kulang na lang alamin laht-lahat. Brand ng tooth paste mo, Three sizes mo, favorite color mo at kung ano-ano pa. Hindi ko na lang sila pinapansin mas lalo pa silang nangagalaiti sakin dahil walang epekto. kung ako sa kanila, maglaslas na lang sila. Hindi naman sila ganoon ka-importante para bigyan pa ng atensiyon. Maglupasay pa sila.
Hindi naman ako broken Family. Pangalawa ako sa magkakapatid. Mataray, maarte ang bunso. Kuya ko, wala na.. Nag-ibang bansa. Papa ko, nagtratrabaho sa isang electronics Company. Walang ka espesyal espesyal. Parang hindi naman din ganoon ka-importante para malaman pa. See? Simple lang naman ang buhay ko.
Marami nga akong problema. Pero, nalulutas ko naman. Syempre, hindi ka parin matatawag na isang tao kung wala kang problema. Meron ako isang problema..
May isang tao akong gusto. Ito yung problema na hinding hindi ko kayang sulusyunan. Ngayon lang kasi ako nagkagusto sa isang tao ng ganito..
Hindi ko naman talaga sinasadya na magustuhan siya. It happens na kasabay ko siyang pumasok sa entrance and that day, that was my first day entering a college University. Nung una. akala ko ako lang ang nagwapuhan at nagkaroon ng gusto sa kanya pero.. Dun ako nagkamali. Naging member agad siya ng isang Club, The Campus Prince. Dun ko din naisip na.. Mahirap. Mahirap magkaroon ng Connection sa kanya. Hindi ako makalapit kasi mag lalakad lang siya sa Hallway, ilang segundo lang.. Papalibutan agad siya ng mga Higad na yun! Kaya ano pang magagawa ko?
Sigh. Kaya eto ako.. Lagi na lang siyang tinatanaw sa malayo. Nakokontento narin naman ako dun.. Atleast nakikita ko siya ng malayo.. Naririnig ko siya kahit malayo.. Bakit ba ang layo niya? Super layo na.. Na kahit anong lapit ko, lalayo at lalayo parin siya.. Hay.. Hirap mainlove sa isang taong lagi mo na lang titingnan sa malayo no? Hindi nga ako mayaman tulad niya.. Pero.. Arrgghh!! Ag gulo! Bakit ganun?!
"Mam, here's your Order" - Waitress
"Thank you" - Me
"If you need anything Mam, just call me.." - Waitress
"Ok. Thanks" - Me
"Excuse me" - Waitress
Nasan ako? Sa isang Bistro. The DJ Bar to be exact. Member siya ng isang Banda and lead vocalist siya.. Minsan Guitarist. Talented siya.. Gusto ko sana siyang lapitan sa flatform pero.. Hindi ko kaya.. HINDI KO KAYANG MAKIPAGSIKSIKAN SA MGA HIGAD na yun!! I-cover nila ang flatform, sila kakanta? Nyemas!! Kaya dito ako sa table kung saan pinaka-sulok. Sulok kung saan di niya ako makikita.. Depende kung matalas masyado mata niya..
Dito ako lagi umuupo pag alam kung may tugtog sila ng banda niya.. Wala kasi laging nag-ooccupy nito dahl nga sulok. Di nila alam dahil dito sa sulok na to, nakikita ko siya sa malayo ng walang nakak-alam na fan niya din ako. Not to mention, na-stalk ko na siya kaya ko nalaman ang lugar na to, And based on my information.. The owner of this Bistro is also one of the member of Campus Prince. Kaya hindi na ako magtataka kung maraming babae at puro Member ng Campus Prince ang mga nandito. Hay, these freaking-reach-boys. Tsk!
Meron pa pala akong isang problema. Pinakadulo. HINDI SIYA NAMAMANSIN. Lalaking tao niya pero nananaray, hindi rin siya masyadong palasalitain tulad ko.. Pero kahit hindi niya gusto ang mga taong nasa paligid niya lalo na yung mga fan na kung makadikit sa kanya parang mga linta.. Lalo siyang nagugustuhan dahil sa pagiging mataray niya.. Hay, isa pa yun.. Kaya hindi rin katagalan.. Natawag siyang "The Snob Prince" Each one of them has it own title na binased sa ugali nila..
Paano nga pala niya ako papansinin kung yung mga naggagandahang linta ni hindi niya kinakausap. Sinusungitan niya pa??..
Dito na lang pala muna ako.. Pampalipas oras. Papakinggan ko muna siyang kumanta.. Kasabay ng mga tilian ng mga linta at mga higad na yan, titiisin ko.. Kahit dumugo na ang tenga ko sa karirindi sa kanila. Tsk, nandito ako para sa crush ko..
By the way, He's name is Adrian Sandejas. In case na hindi ko pa nasasabi ang pangalan niya..
----------------- End
Sorry sa ganyang pagbabago ng Prologue niya *Bow*
BINABASA MO ANG
My Snobby Crush
Roman pour AdolescentsMaybe I don't have the looks like he have, I don't have the fame like him, And I'm not like him at all but... In this world... Money, Fame & Look is isn't the answers why he can't notice me. It's sad but true, he can't notices me in the way I notice...