Stanza IX. The Party
***
Smile until it hurts.
[Xander POV]
Nandito na kami sa Hq, madami na rin tao. Pero sa totoo lang kami-kami lang din ang nandito. Parents at mga kapatid namin, tsaka ang buong barkada syempre. Andito rin pala ibang mga kaklase namin.
Habang nagseset-up ng mga pagkain ang iba, andito kaming boys sa flatform na nagseset-up ng band namin. Mamaya lang kasi may parang concert ang BearHugs. Syempre tutal dito naman na mabubuo ang lahat ng kanta at practices ng banda namin. Kasama ko si Renz, Elmo, David at Zac na nag-aayos ng set maliban sa isa. Wala pa kasi si Ryuji.
“Dre, tinext mo na ba siya? Para makapagpraktis sana tayo kahit saglit lang pagkatapos nito.” Sabi ni Elmo.
Sumenyas ako na wala pa siya. Anlakas kasi magpatugtog ng drums ni Zac.
“Emo na naman yun siguro. Baka nasa bahay nila, nakahawak ng tsupon at umiiyak. Bwahahahaha.” Tawa ni Renz. Tumawa silang lahat kaya pilit na rin akong nakitawa.
“Anong tsupon?” >:(
At andito na siya.
“Bakit ngayon ka lang?” tanong ko.
“Ah, wala nag-internet lang kasi. Hanap ng magandang kanta.”
“Bakit naman maghahanap ka pa? Di ba naplano na natin to?”
“Ah, hehehe. Gusto ko lang sana magsolo mamaya, kahit acoustic lang.” sabi ni Ryuji.
“Sige ikaw bahala.”
Ilang saglit pa ay isa-isa nang dumating ang mga tao dito sa Hq. Lahat sila namangha sa pinagbago ng tambayan namin. Nagkaroon ng simpleng blessing ng aming lugar tsaka ayun, kain kain. Lahat ng request namin na iluto ng parents naming nandito kaya mas mabilis pa sa kidlat eh andun na kami sa buffet na nagsisipunuan ng mga plato.
Habang kami ay kumakain, nilibot ng aming mga bisita tong lugar. Doon ko napansin na nandito rin pala si Seisha. Nakahawak siya sa phone niya na parang may katext. Tinignan ko si Ryuji sa tabi ko pero busy siya na kumakain ng fried chicken. Dahil sa katakawan, nabulunan si Ryuji. Dali-dali itong tumayo at pumunta sa buffet para kumuha ng maiinom.
Nung pabalik na si Ryuji sa aming pwesto hawak ang kanyang pineapple juice, aktong dumaan si Seisha sa harapan ni Ryuji. Tumigil si Seisha na aktong kakausapin si Ryuji pero deretso lang ang tingin ni Ryuji sa amin na nakangiti.
“Dre– “
“Oh? Sarap talaga ng chicken ni Tita, dre! Ibang iba talaga ang lasa!” sabi ni Ryuji na kumagat ulit sa hawak niyang chicken.
Nakita ko si Seisha na nakatayo parin doon sa pwesto niya kanina pero nakaharap na sa amin. Sa kanya pala. Parang namumula sa inis ang mukha niya. Napansin siguro niya ako na nakatingin sa kanya kaya agad siyang umalis.
Ano na naman kayang eksena tong ginagawa ng babaeng to. Hays. Di naman namin siya inimbitahan dito pero andito siya ngayon para guluhin na naman si Ryuji. Buti na lang umaktong hindi na lang niya napansin si Seisha kanina para walang gulo.
[Ryujiro POV]
At nandito nga siya. Akala ko di siya sisipot. Isang beses ko lang naman siya kasing tinext para naman hindi halata na kailangan niyang nandito ngayon.
Ano kayang alibi yung sinabi niya sa boypren niya para pumunta dito? Hmp. Kung sabagay, noong kami pa eh hindi nga siya nagpapaalam sa akin kung saan siya pumupunta. Wala siguro kaalam-alam yung lalakeng yun na isang text lang ng ex niya na nag-iinvite na dumalo sa party eh agad namang sumunod.
BINABASA MO ANG
Status: ONLINE
Teen FictionSome people believe in the concept of Soulmates, wherein lahat ng tao sa mundo, nilikha na may kapareha. Pero, hindi lahat, nahahanap ang true pair niya. Kaya madami ang nagkakamali. Madami ang nasasaktan. Pero, it seems like destiny is indeed very...