Stanza IV: Found

146 3 9
                                    

Stanza IV. Found

***

Just take my hand.

You’ll know that I will never leave your side.

[Ryujiro POV]

December 24, 1999, 11:45 pm. Angel Island.

Tumatakbo ako. Palayo.

Hindi ko napigilang umiyak nang sabihin ni Santa na wala nang bear. Bakit? Masama ba akong bata kaya nangyayari ito?

“HAHAHAHAHAHA IYAKIN!”

Tawanan ng mga bata. Hindi ko na kaya.

Hindi ko namalayang nakarating ako sa tabing-dagat. Rinig na rinig pa rin dito ang mga tawanan at mga Christmas songs. May ilang mga fireworks pa sa malayuan.

Napakaganda ng mga fireworks. Sa isang saglit parang gumaan ang pakiramdam ko. Napatawa ako konti.

“Hmm? Sino ka?”

Hindi ko alam na may isang batang nakaupo doon sa malapit sa isang bonfire. Mag-isa lang niya.

Teka, yung batang yon.

“Uhm, akala ko nasa party ka? Bakit ka nandito? Nasaan yung bear mo?”

“Wala akong nakuha.”

“Bakit? Kaya ka ba umiiyak?”

Lumapit siya sa akin.

“OO KASI IYAKIN AKO! WALANG BEAR SA IYAKIN NA GAYA KO!” T-T

“Ssh, tahan na. Hmm, teka lang saglit. Ipagpapaalam ko lang kay kuya.”

Napakaganda ng boses niya. Parang uminit na naman ang mukha ko. Teka, sabi ba niya, kuya? Wala naman akong nakikitang kasama niya.

“Kuya, kawawa naman yung bata. Sorry na kuya ah. Next time na lang kita bibigyan.” Nakatingin siya sa dagat. Pero, wala akong makitang kausap niya.

Tumakbo siya papalapit sa akin, pero napatingin ako sa hawak hawak niya.

Dalawang bear.

“Oh pinaalam ko na kay kuya, sayo na itong isang bear.”

“Ah, nasaan kuya mo?”

“Andun!” Sabay turo sa dagat.

“Nasaan? Wala naman akong makita.”

“Nandun siya.” (^^,)

Wala talaga.

Tinignan ko yung bear na binigay niya. Kulay white na may makikintab na butones bilang mga mata. May damit din na kulay blue, may smiley din. Teka, kaparehas sila ng bear niya, ang pinagkaiba lang ay yung kulay ng damit nila.

“P-parehas tayo.”

“Oo nga, galing ano?” (^_^)

“Salamat ah.” :’))

“Wala yun. Ayan, may wag ka na iiyak ah! Kapag malungkot ka yakapin mo lang siya.” (^_^)

“Oo, salamat talaga!” (^^,)

Hinawakan niya kamay ko, anlambot ng kamay niya, parang bulak.

Biglang may narinig kaming sigawan at kantahan ng Christmas songs. Sabay ng mga pagsabog ng fireworks sa kalangitan. Sa isang iglap, sa unang pagkakataon, nakaramdam akong hinding hindi na ako mag-iisa.

“MERRY CHRISTMAS!” (^^,)

“MEERY CHRISTMAS!” (^_^)

“Tara na, balik na tayo baka hinahanap na tayo.”

“Sige.” (^^,)

“Ryuji! Saan ka ba nanggaling? Nag-alala kami sayo, di ka naming mahanap!”

Hindi ako umimik. Hinanap ng mga mata ko kung nasaan na yung bata. Hinanap din niya mga magulang niya pagkarating namin malapit sa hall.

Nakita ko siya. Kasama niya yata yung mama niya, hawak hawak siya papalabas ng hall.

“Teka!” Hinabol ko sila palabas.

Nakita ko siyang panatingin sa akin. Ngumiti siya at kumaway.

Napahinto na ako sa pagtakbo. Hawak hawak ko ang bear na bigay niya, kumaway din ako bilang pagpapaalam.

Sana, makasama ulit kita.

End of Flashback

***

Sorry kung medyo maikli po itong chapter na ito. Babawi po ako sa next chapters. :D

Status: ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon