Stanza VI: Headquarters [Hq]

189 6 14
                                    

Stanza VI. Headquarters [Hq]

***

Nobody told me that you fell out of Love from me,

So I’m setting you free.

[Ryujiro POV]

“RYUJI!!!!”

“Oppa Ryuji! Number mo naman oh!”

“Ryujiro, ako na lang sana, hindi kita sasaktan!”

“RYUJI! RYUJI! Super gwapo mo!”

Nakapanood ka na ng anime? Sigurado naman siguro. At siguradong sigurado rin ako na nakakita ka na sa mga anime na pinanood mo ng mga babaeng patay na patay sa isang karakter. Yung halos maging mga puso na mata nila, tulo-laway pa, tapos parang umuulan pa ng cherry blossoms.

Try mo i-imagine yun sa totoong buhay. Ganun. Minus yung pusong mga mata at cherry blossoms.

Ewan ko ba kung bakit ganito sila kung mgreact kapag dumadaan ako, o kahit nasaan man ako. Hindi naman ganito ang pakikitungo sa akin ng mga tao noong bata pa ako. Pero sabi naman ng mga classmates ko noong elem, puberty daw.

So ano, ang puberty ngayon, nakakagwapo?

Pero ang puberty sa mga babae, iba ang epekto. Andyan na yung tutubuan sila ng mga pimples, magiging self-conscious, tsaka minsan isang buwan akala mo kung nasasapian sila ng espiritu ng kadiliman. Sungit! Hahahaha. xD

Napangiti ako bigla sa iniisip ko.

“WAAAAAHHH!!!! ANKYUTKYUT MO PAPA RYUJI! SMILE KA PA!”

Ayun, mukhang lumala pa, hays. Hindi ko naman sila pwedeng sawayin baka ituringan pa akong suplado. Ayokong magkaroon ng masamang image dito sa school.

“Uhm, pasok na kayo sa rooms niyo, andyan na teacher niyo.” ^_^

“Waaah, oo sige pasok na kami, ambait bait mo Papa Ryuji! Sana ako na lang, hindi si Seisha…”

Napatigil ako pagkakarinig sa pangalan niya.

Isa isa na silang pumasok sa kanilang classrooms. Saktong nagbell pa. Parang nagising ako bigla.

“DRE! Pasok ka na dali!”

Si Batman.

“Xan, hintay lang.”

“Mr. Kenichi, hurry up and enter your class now!” Sabi ng boses sa likod ko. Pagkalingon ko, adviser pala namin.

“Ah, opo maam. Papunta na po ako” ^_^ Sabay ngiti yan.

“Ah. Ok lang hijo,” :3 Sabi ni adviser. Pati yata sa teacher may epekto ako? Lels.

Pumasok ako sa classroom. As usual, grabe naman kung makagreet itong mga classmates kong babae. Pwera sa isa. Nakaupo sa sulok at nakikinig sa iPod niya. Tss.

“Dre naman, pati si Miss Romero pinakikilig mo umagang umaga!” xD Tatawa-tawang sabi ni Xanxan.

“Tss. Ayan hawakan mo muna.” Sabay abot ng project namin.

Parang nabunutan ng tinik tong kasama ko, grabe lang kung mag “WHEIW” sabay punas daw ng pawis sa noo.  “Akala ko hindi mo natapos. Kinabahan ako nang todo adik ka.” Sabi niya.

“Dapat lang.”

“Nga pala, sana naman ginising ka ni Taylor Swift, batugan!” xD – Xander

Pinitik ko tenga niya.

“OW!”

“What is it, Mr. Morales?”

“Maam, wala po…” (-_-) –Xanxan

Status: ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon