Stanza V. Water
***
Letting go of someone you love is hard, but holding on to someone who doesn't even feel the same is much harder. Giving up doesn't mean you are weak. It only means that you are strong enough to let go.
[Ryujiro POV]
Umaga na pala. Tsk, may pasok na naman taena.
Time check: 5:30 am. Oras na para bumangon. Pagkatayo ko kinapa ko yung phone ko na nakakalat na naman sa kama ko. 45 messages. Tss. Puro nobelang gm na naman ito.
Habang iniscroll ko mga texts nila na pawang mga gm nga, binasa ko lang talaga mga texts ni Xander.
“Dre, sorry sa research ah. Promise babawi ako sayo. May surprise ako sayo bukas. xD”
Ano na naman kaya yung sorpresa yun. Haynako, para makabawi nga naman. Haha xD
Nireplyan ko, “Sensya na nakatulog ako habang gumagawa ng project. Sorry tol, di pa tapos. :(“
Haha, tignan natin. xD Yari ka sakin tol, siguraduhin mo na lang na matutuwa ako sa balita mo mamaya.
Teka. May isang text pa. Galing kay Seisha.
“Can we talk later? After class.”
Taena ano na naman kaya kelangan nito sakin. Tss. Panira ng araw. Bitter na kung bitter.
“K” Reply ko.
Nilatag ko na ang phone ko sa study table tsaka ko kinuha ang project namin galing sa printer. Hinayaan ko na lang nagprint kagabi ng project namin habang papatulog ako. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog dahil sa project na yan.
Pero ayos lang, nadivert yung attention ko sa mga mas makabuluhang bagay kesa sa maging emo sa mga nangyari. Tss.
Inayos ko na mga gamit ko tsaka ako nagprepare para pumasok sa school.
[Xander Morales POV]
Pssh… Kahit kelan late na naman si Ryuji. As usual antagal kasi gumalaw yung taong yun.
Nandito ako sa labas sa may corridor, hinihintay tong bugok kong bestfriend.
Haha, wala naman akong galiit sa kanya, ganito lang talaga kami. Asaran dito, asaran doon, para na kaming magkapatid nun.
Since elementary pa, kilalang kilala ko na si Ryuji, paano ba kasi lagi kaming magkaupo. Isa pa, parehong professors ang parents namin sa university kaya tuwing may events sa SLU, dinadala kami ng parents namin doon.
To describe Ryuji is like describing water: tahimik lang siya, pero mabait. Go with the flow kaya mabilis siya maka-gain ng kaibigan, kahit na minsan lang siya nagsasalita. Hindi lang mga kaibigan na-gain niya, kasi naman, campus crush siya dito eh. Kumabaga, sabi nila, anlakas daw ng dating niya. xD haha… natatawa na lang ako.
Isa pa, napakatalented ng bestfriend ko. Tulad ng water, napakaversatile nya. Kahit na di niya ina-admit, isa siya sa pinakamatalino sa klase, if not the number 1. Tsaka kilala siyang isang basketball player, gaya ko. Hahaha… Mas magaling lang sya konti, as in konting konti lang kapag maglaro. xD Aside from that, lead guitarist sya ng band namin, samantalang ako ang vocalist. MInsan nagpeperform kami kapag may gigs, minsan sa school din. Grabe tilian ng mga babae kapag kami na nasa stage. (^_^)
Pero may isang talent si Ryuji na ako lang ang nakakaalam. Ayaw nga lang nyang ipakita sa ibang tao mga gawa nya. Maski ako nga, ayaw nya eh. Pero minsan, naiwan nya nakabukas yung notebook nya sa headquarters, and curiosity got the better of me.
![](https://img.wattpad.com/cover/2362052-288-k985475.jpg)
BINABASA MO ANG
Status: ONLINE
Roman pour AdolescentsSome people believe in the concept of Soulmates, wherein lahat ng tao sa mundo, nilikha na may kapareha. Pero, hindi lahat, nahahanap ang true pair niya. Kaya madami ang nagkakamali. Madami ang nasasaktan. Pero, it seems like destiny is indeed very...