Stanza VIII: Poser

195 1 1
                                    

Stanza VIII. Poser

***

What’s past, is past.

[Ryujiro POV]

Natapos na din ang Hq. Nagdecide na din ang mga parents namin na magkaroon ng mala-“house warming” or “house blessing” yata bago kami official na gumamit ng aming bagong tambayan. Bukas, Sabado ng hapon ang party.

Kasalukuyang nakaupo ako dito sa aking desk, pilit na nagrereview pero lumilipad pa rin ang utak ko.

Alam kong tapos na at hindi na maibabalik pa sa dati ang lahat, pero, di ko maiwasang makaramdam ng panghihinayang. Nanghihinayang ako, sa lahat ng mga pinangarap ko sa buhay kasama siya, pero…

Tsk. Here I go again. -_-

Now it seems like I cannot find any direction in my life.

I need to reboot. I need to restart. I need to begin again.

“WUI!” >:)

“Oh?” Sabi ko kay Xander. Katatapos lang ng break  namin sa hapon. Lumabas ang lahat sa classroom maliban sa akin.

Akala ko lang pala. Nakabalik agad si Xander na may hawak na dalawang soft drinks na naka-plastic with Piattos. Inabot niya sakin ang dalang soft drinks habang nakangisi.

“Meron na naman. Hahahahahahaha!” Sabay natatawang paghandshake ni Xanxan sa aking kamay.

“Ano meron?” o_O Tugon ko. Weird ah.

“POSER!” xD Sabay tawa niya ng malakas.

“Di kita maintindihan.”

“May poser ka ulit!” Sabay labas ni Xanxan ng kanyang iPad.

“Oh, ok.”

Poser. Mga taong nagpapanggap na siya yung taong gingamitan nya ng picture sa facebook. Madaming ganito sa mga social networking sites pero madali lang malaman kung sino ang tunay at nagpapanggap. Pinakamadaling madetect sa fb, dahil na rin sa walang Photos by others, at pixilated profile pics, to name some signs.

Naranasan ko na ring magkaposer, way back in first year pa. Noong una, natatawa ako dahil na rin, first time eh. Pero nung lumaon na, nainis na ako. Paano, ginagamit nap ala ang mukha ko para magkaroon ng gf. Nagulat na lang ako nang minsang may umiiyak na babaeng ka-schoolmate namin na tinatanong kung bakit nagbreak daw kami! Dahil dun, pinashut down ko yung account ng poser dun  rin sa fb pagkatapos mag-upload ng documents na magpapatunay na ako ang real Kenichi Ryujiro.

Pero, hindi lang isang beses na nangyari yun.  Saa kasalukuyan, may pitong poser accounts ang mukha ko sa fb. Kung hindi ko kapangalan, gumagamit sila ng ibang pangalan. Pero nasanay na rin ako, naglalagay na lang ako ng watermark sa pics ko. Pero nakakatawa lang dahil sa husay nilang mag-crop para matanggal mga yun. Pero ayos na rin lang, alam naman ng mga kaibigan ko kung ano ang totoong account ko.

“Sikat ka na talaga boy!” xD Tawang-tawa ni Xander. Ningitian ko na lang siya.

Kasi nga, nadiskubre din namin kamakailan lang na may poser na din pala sya. :))

“Ah, hehe. Ganyan talaga. Hayaan mo na, alam nyo naman kung ano ang original account ko diba.” Sabi ko sa aking bespren.

“Oo na, Superman. xD Pero nakakatawa lang kasi yung profile pic ng poser mo ngayon.”

“Patingin nga. Haha” At inabot nya sakin yung iPad. Nakita ko nga yung profile picture, at napatawa nga ako nung nakita ko kung ano ginawa nya sa watermark ko. Pinatungan nya ng black line. Very basic. Parang Grade 1 lang na nag-eerase. Nakita ko din yung cover photo nya. Grabe lang, husay magphotoshop! Parang di edited! xD Hahahaha parang nag-edit lang gamit ang Paint hahahahaha. Paano ba naman, sa cover photo nya, andun yung mukha ko tsaka mukha ng isang girl na di ko kilala. With flowers at hearts pa. Yuck. :P

“Hahahahahaha haynako, iba na talaga ang sikat.” xD Sabi ni Xander.

“Tss, hindi naman. Pabayaan na lang natin. Mabubuko din sya.” :))

Tapos na rin ang klase. Grabe, super stressed out na naman. Pero at least, nakakapagconcentrate ako sa pag-aaral. Parang back to old self lang bago nangyari ang lahat. Bahay-School lang, pero ngayon idadagdag na ang Hq. Excited na ko para bukas. :D

Tinapos ko na mga homeworks ko sa school nung break time namin kaya Nga-Nga mode ako ngayong gabi. Lumabas ako saglit para magtimpla ng pineapple juice. Pagkababa ko, naabutan kong walang tao sa baba. May note sa ref, lumabas daw sila para mag-grocery para sa party bukas.

Bumalik ako sa kwarto at binuksan ang aking laptop. Naisipan kong magbukas ng facebook, matagl na din noong last na nakapag-status ako kasi.

64 friend requests, 37 unread messages, 235 notifications.

May halos 1 week na rin mula nung nagbukas ako ng fb kaya naipon siguro. Binuksan ko yung mga friend requests, pero gaya ng dati, wala akong kakilala sa kanila lahat kaya wala ako nai-add. Sa messages naman, as usual, gustong makipag-chat. Sa notifs puro game requests at comments sa mga pics at status ko, tsaka mga likes at pokes na rin.

Pero, nagulat na lang ako sa sarili ko nung nai-type ko yung pangalan ni Seisha sa Search box.

Wala.

Walang Seisha.

Isa lang ibig sabihin nun, na-block na ako sa account nya. Imposible kasing mawawalan yun ng fb eh halos every hour na may bagong status at picture yun.

Sapat na ang nakita ko para magpost na lang ng status at mag-log out.

Nagpost ako ng “Hi everyone. Be aware po na may poser po ulit ako. Hayaan nyo na, ito naman ang real account ko. Thanks <3”

Wala pang isang minuto dagsa na ang mga comments at likes. Kli-nick ko na ang log out.

Humiga ako sa kama at napaisip.

Bakit kaya kelangan pa ng ibang tao na gumamit ng mukha ng iba sa kanilang accounts kung may sarili naman silang mukha para ipakita? Gaano kaya kasaya ang manloko ng ibang tao gamit ang identity ng iba?

Hmm, paano ko kaya makikita yung profile ni Seisha? Baka kasi kapag humiram ako ng fb ng isa sa barkada baka sabihin pa nilang di pa ako nakakapagmove on. Honestly, hindi pa pero natututunan ko na rin. Ilang weeks na rin naman na ang nakalipas. Nakakayanan ko naman kahit papaano.

Then suddenly, a crazy idea dawned on me.

Agad kong binuksan ang laptop ko at nagtype sa browser: https://www.facebook.com/.

***

Sorry po sa super late na update. Naging busy lang po masyado sa school, kelangan ko po kasi bumawi sa lahat. Again, sorry po. :( Ciao!

Status: ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon