Stanza III: Jiro

214 7 8
                                    

Stanza III. Jiro

***

We are all prisoners of our past.

[Ryujiro POV]

“Hey, Ryuji! Bilisan mo nga dyan kakain na daw!”

“Ah.. hum… sige. Wait lang kuya.”

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinunasan ang basa kong mukha. Tsss. Kalalaking tao, iyakin. Hinagis ko si Jiro sa kama tsaka ako bumaba.

“Oh, ba’t namumula yang mata mo, ah? Halika na’t kumain na.” :O Napansin ni mama. Tsk.

“Wala po to, kakagising ko lang po kaya medyo namumula mata ko. Matagal din ako nakatulog po.”

“Kakacomputer mo na yan. Bakit parang antagal tagal naman yata ng project niyo na yan bago matapos?” (--.’) Tanong ni Papa.

“Kasi po ako po ang leader tsaka ako lang po nakakaalam ng gagawin po namin.” (¬_¬")

“Tapos ano, lahat kayo pare-pareho ng grades. Tss. Kaya I hate group projects dahil dyan. Andaming paasa na lang sa leader o sa may alam.” (--,) sabi ni kuya.

“Siguro dapat kausapin mo naman yang mga kagrupo mo na tumulong para hindi ikaw lang ang nahihirapan. Teka sino pala mga kasama mo ba dyan sa project mo?” Tanong ni mama.

“Si Xander at Sheisha po.”  (¬_¬")

“Ah, si bestfriend at si girlfriend. Kaya naman pala ee. Hahaha!” xD –kuya

“Tss.”

“Ah, oo nga pala. Si bestfriend at si EX-girlfriend. HAHAHAHAHA!” xD -kuya

“Tss. Bugok.” >:[

“Hala, joke lang bro. xD hahahahaha” –kuya

“Haynako dadalawa na nga lang kayo away pa kayo ng away. Wag mo nang asarin yang kapatid mo, Gio. Hala kumain na kayo.” – papa

Nagdasal kami tsaka kami kumain. Kahit medyo badtrip ayos lang, masarap ang ulam eh. :3 Haha, favorite ko kasi, fried chicken. Ambabaw ng kaligayahan ko hahaha.

“Nga pala, kinontact ako ng school niyo, Ryuji, na sa Angel Island daw kayo mag-prom. Nakapagpareserve na rin sila.”

“Teka, 4 months pa naman bago ang prom.”

“Oo nga pero syempre alam mo naman na ang Angel Island ang pinakadinudumog ng tao sa lahat ng mga resorts natin kaya pahirapan magbook ng reservations ang mga costumer. Tsaka ito ang pinakamalapit dito sa atin. Mga 2 hours ride lang. Buti nga napili nila ang resort.”

“Ah, ok po.”

Yup, aside from being professors ng Saint Louis University, may-ari din ng ilang resorts ang parents ko. Family business na minana pa mula sa mga parents ni papa. Japanese kasi sina papa pero dito sila sa Pinas nanirahan mula nung bata pa siya. Nagpatayo sila ng resorts kasi malapit din sina lola sa dagat doon sa kanila sa Japan. Kaya dumami ang resorts sila dahil na rin sa sipag nina lolo. Inaasahan nilang si Papa ang magtutuloy ng business nila with tita. Kaso mahal na mahal ni papa ang pagtuturo kaya full time professor siya. Pero hindi parin niya nakakalimutang imanage ang resorts para tulungan din si tita.

Sa university din nakilala ni papa si mama. And to cut it short, nagpakasal sila at nagkaanak ng dalawang super pogi. xD haha just kidding.

Pagkatapos kumain, umakyat na ako papuntang headquarters. Yup, headquarters ang tawag ko sa kwarto ko, tambayan namin ni Xander kapag wala kaming ginagawa, kaya headquarters. Astig pakinggan lang kasi. :D

Status: ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon