Chapter 2

20 6 0
                                    

PRISTIN

Ni katiting ay walang nagbago sa desisyon ko. Hindi ko kailanman pakakawalan si Gavin kahit ang kapalit pa no'n ay ang magalit sa akin ang mga magulang ko. Na rason kung bakit nag-alsa balutan ako at nakikituloy na muna sa bahay nila King at Reyna.

"Magmamatigas ka ba talaga? Ayaw mong sagutin 'yan?" kwestiyon nito nang makita ang sunud-sunod na pagtunog ng cellphone ko na may mukha ni Mama sa screen.

Weekend ngayon kaya't nandito lang kami sa kwarto niya, nakahilata. Nilagay ko sa ibabaw ng tiyan ang binabasa ko na libro. "Sa tingin mo ba'y matutuwa sila sa paglalayas ko?" Hinablot ko ang hotdog pillow na nakapatong sa paanan ni Reyna.

Bigla naman itong bumangon para lang hampasin ako ng unan. "So, bakit ka pa naglayas kung alam mo ang sagot sa tanong mo? For sure nasabi lang nila 'yon dahil galit sila. 'Tsaka may punto rin naman kasi si Tito at Tita."

"Sinabi ko lang naman na may boyfriend ako pero hindi pa ako mag-aasawa. Hindi ko naman kasi hahayaan na makaapekto 'yon sa pag-aaral ko. I know my limit."

"We have conservative parents, so wala tayong magagawa kung gano'n na lang sila mag-isip, may pagka-advance. Pero kasi sa panahon ngayon maraming nabubuntis na kababaihan. Ayaw lang nila na maranasan mo 'yon."

Niyakap ko 'yong hotdog pillow habang sumasandal sa headboard ng kama. "Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa 'kin, Reyna? Nasa isip mo talagang magpapa-buntis ako sa bata kong 'to?"

Taas-baba ang balikat nito. "Mahirap makontrol ang sarili kapag nasa ganoon na kayong sitwasyon. Kaya mong sabihin na alam mo ang limit mo, pero ang tanong hanggang kailan?"

Bigla na lang akong nairita sa naging sagot na 'yon ni Reyna. Masyado kasi nila akong pinapangunahan, eh. Hindi pa man nangyayari ay hinuhulaan na kaagad nila.

"Para kang si Mama at Papa, masyadong maliit ang tiwala ninyo sa akin."

"Hindi naman sa gano'n, Pristin–"

"At isa pa hindi gano'n klaseng tao si Gavin, alam mo 'yon. May priorities din siya. Mas lalong may respeto siya sa akin."

Nagtaas si Reyna ng dalawang kamay sa ere. "Oww enough... chill! Pota pinapaliwanag ko lang 'yong side nila Tita, wala akong kinalaman sa away ninyo."

Inis na nga ako pero gumagatong pa siya. "Hindi magiging best friend ni King si Gavin kung masama siyang tao."

"Okayyy! Oo na oo na. Pero makipagbati ka na sa parents mo bago umuwi galing workshop sila Mommy at Daddy. Pauuwiin ka lang din ng mga 'yon sa oras na makita ka nila rito."

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan na nasa may hita ko. "I don't want to go home," bulong ko.

Hinagod na lang ni Reyna ang likod ko. "Ayusin mo 'yong gusot habang wala pa masyadong buhol. Mahihirapan kang ayusin kapag pinatagal mo pa."

"Puwede bang dito muna ako kahit isang buwan lang?"

"No no no way. Ako ang papagalitan ni Mommy kapag nalaman niyang kino-konsinte kita sa paglalayas mo. At ikaw ha, huwag na huwag mong maisipan na tumira kay Gavin! Bawal 'yon. Kukutusan talaga kita."

But to be honest, the thought already crossed my mind.

Hanggang sa lumipas pa ang ilang araw...

Ilang araw na madalas nang hindi sagutin ni Gavin ang mga tawag ko.

Iniisip ko baka busy siya dahil sa thesis niya.

Graduating na kasi siya sa susunod na taon kaya nagka-cramping din siya.

Idagdag pa ang hirap ng kurso nitong Architecture.

Love of Self (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon