Chapter 10 (Final)

34 7 4
                                    

PRISTIN

I just came out from the library to research my thesis. But, every time I take like 10 steps, mayroon at mayroong nagbibigay ng flowers at letters sa akin. Hindi ko na halos mahawakan lahat dahil may hawak din akong mga libro.

Nagsimula ang ganito nang mapili ako ng school para maging exchange student sa kilalang University abroad. Since then, naging usap-usapan na ako sa buong school.

Instant celebrity.

Overnight fame.

I didn't expect I'd be this well-known, seriously.

Though it has some perks... I get to taste all brands of chocolates.

Saka hindi rin nauubusan si Mama ng mga flowers na nilalagay niya sa vase. She loves it kasi napupuno ng flowers ang garden niya.

Medyo surreal nga lang.

Kabababa ko lang sa ground floor ng building nang may humarang sa daraanan ko. "Pristin, please accept my goodluck." One dude is extending his both hands to offer me another bouquet of flowers.

"Ahmm, thank you."

Hindi ko na natitigan masyado ang mukha niya dahil tumakbo kaagad ito palayo.

Napabuntong-hininga na lang ako bago tunguhin ang locker ko. Nilagay ko lahat do'n ang mga hawak ko.

I almost forgot to get the chocolates nga pala na ibibigay ko kay Reyna. Actually, ito lang naman ang pakay niya sa tuwing yayain niya akong kumain sa labas.

Katulad na lang ngayon.

Kaunting hakbang na lang at mararating ko na ang gate nang makiliti ako sa vibration ng cellphone ko. Sasagutin ko na sana 'yon pero may namataan akong pamilyar na mukha na para bang may inaabangang lumabas.

I swiped left her call to approach the guy.

Hindi siya mapakali at kung saan-saan niya hinahawak ang kamay sa katawan niya.

Tumigil lang 'yon nang makita niya akong nakatayo na sa harap niya.

"Oh?" Tinuro ko siya... "ikaw 'yong may baby, hindi ba? Kavin? Hmm no, Gavin. Gavin, right?" Natatawa ako pagkatapos mahulaan ang pangalan niya. "Anong ginagawa mo rito?"

This time, sa batok naman nakahawak ang kamay niya. "I went here to see you," he said swiftly looking at me.

"Ako? Bakit?" nagtataka kong tanong. "Ah right! You said you guys know me back there. Umm, I'm sorry, pero–"

"I know. Nai-kwento na sa akin ni King ang nangyari."

"That I have amnesia?"

He nodded. "Can we talk somewhere less crowded?"

Hindi siya mapakali kaya naman tumango ako.

Wala siyang imik habang naglalakad kami.

Pero madalas ko siyang mahuli na nakatingin sa akin.

Hindi naman siya creepy kaso naiilang ako sa ginagawa niya.

"May dumi ba 'ko sa mukha?" tanong ko na nakatanggap lang ng iling mula sa kaniya.

Kusa na akong huminto nang makarating kami sa side na wala gaanong tao. Huminto rin siya nang mapansin niya na hindi na ako nakasunod sa kaniya.

Pinagki-kiskis niya ang mga palad niya habang humahakbang palapit sa akin. Umatras lang ako dahil masyado na siyang malapit. Siguro ay napansin niya 'yon kaya naglagay siya ng sapat na espasyo sa pagitan naming dalawa.

Love of Self (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon