Chapter 17

10.2K 373 19
                                    

Date uploaded :6-17-15

Chapter 17

"Anong ginagawa mo dito?"

Nginisian nya ako. "Hindi mo ba ako nais na makasama binibining Katrina? Nakakasakit ka naman ng damdamin." Lumapit sya sa akin at hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko. Pilit kong binabawi ang braso ko pero masyadong mahigpit ang pagkakakapit nya.

"Bitawan mo ako! Nasasaktan na ako!"

"Nais kong malaman muna kung ano ang iyong ipaaalam kay Juaquin tungkol sa akin. " inilapit ni salvador ang bibig nua sa may tenga ko. "Ano ang iyong nalalaman tungko sa akin?"

"Wala akong alam!"itinulak ko sya, pero hindi pa din natanggal ang pagkakakapit nya sa akin. May lahing talangka ata ito bakulaw na ito a! "At wnong ginagawa mo dito?"

"Hindi ba't ako ang dapat nagtatanong kung ano ang ginagawa ng isang magandang binibini sa ganitong sadali, at sa lugar pa na malayo sa mansyon. Hindi ba't nakakapagtaka ang iyong mga ikinikilos? "

"Ano ba'ng pakialam mo!"

Nanlisik ang mga mata nya. Ang layo ng ipinapakitang nyang ugali kumpara noong una ko syang nakilala. Itong taong ito ay mapanganib!

"Ano ang iyong nalalaman Katrina! magsalita ka!"

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo! At nasaan si Juaquin?"

"Aaaaa si Juaquin." May kinuha sya sa bulsa nya at ipinakita nya sa akin. "Hindi ka nya pupuntahan dahil hindi nakarating sa kanya ang iyong liham."

Kinuha ko sa kanya ang ngayon ay lukot-lukot ng papel.

"Paanong napunta ito sa 'yo? Doon konsa kwarto nya inilusot ito! Kalalake mong tao, pakialamelro ka!,

"Dapat mong malaman na ang mga liham, mas lalo na kung ito ay mahalaga, ay dapat na personal na iniaabot sa kinauukulan. Kung hindi, sa ibang kamya mapupunta ito. " hinigpitan na namna nya ang pagkakakapit sa akin. "Ngayon, sabihin mo, ikaw ba ang nagmamasid sa akin mula kubo kanina?"

Nakita nya ako? But he's not certain. Siguro nanghuhula lang sya. Kailngang hindi ako magpahalata na ako nga ang nakakita sa kanya.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi kita pagiinteresan! Feeling mo naman!"

"Huwag ka ng mag-maang-maangan pa. Nakita mo ako kanina kausap ng heneral. At alam ko ang dahilan kung bakit mo nais na makatagpo si Juaquin ng malayo sa pandinig ng iba. "

"Bitawan mo na ako! Nasasaktan na ako! " sa halip na bitawan nya ang braso ko ay mas lalo pa nya itong hinigpitan.

"Gusto mo akong isumbong kay Juaqun diba? Diba!"

"Ewan ko sa yo!"

"Pwes, hindi mo na kailanman maipapaalam kay Juaquin ang tungkol sa akin, dahil kahit kailan ay hindi mo na sya masisilayan!"

Kinaladkad nya ako. Ako naman ay nagpupumilit pumiglas sa hawak nya. Masyado syang malakas na halos indi ako makapalag. Pero wait lang, sabi ng instructor ko sa martial arts na kahit mas malaki at mas malakas ang kalaban ko ay pwede pa din akong manalo dito. Hindi naman kasi ako expert dito. Pero kailngang maalala ko ang mga basic self defense para makawala ako sa triador na ito.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Kailngang matyempohan ko sya. I have to stay focus and be observant. At ang pinakaimportante, I have to distract him. Ang problema, hindi ako marunong mag-distract! Huhuhuhu! Saan ako pupulutin nito?

"Alam mo, sayang ka. Ang gwapo mo pa man din, crush sana kita. "Teka, a o nga ba ang crush sa malalim na tagalog?

"Nindi ko nauunawaan ang iyong sinasabi."

Crescent MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon