Chapter 18

11.2K 402 42
                                    

Date Uploaded: 6-24-15

Chapter 18

Juaquin

Hindi ko lubos na pinaniniwalaan ang sinabi ni Nicolas, ngunit kung nanganganib ang buhay ni Katrina ay kailangang matagpuan sya sa lalong madaling panahon!

Binalaan ko na si Katrina na huwag lalabas ng nag-iisa, ngunit may katigasan din sya ng ulo! Bakit kinakailangan nyang lumisan ng hindi ipanapaalam sa akin? Maraming mga dayo ang nagagawi dito sa hacienda mas lalo tuwing gabi, at hindi lahat ay may mabubutong kalooban. May mga gwardya sebil na ding umaaligid dahil dumarami na ang mga umaanib sa kilusan. Hindi ko nais isipin na mapahamak si Katrina sa kamay ng mga walang pusong mga kastila!

Napatingala ako at nakita ko ang maliwanag ng buwan. Naalala ko na sa ganitong mga panahon ay pumupunta si Katrina sa talon at nagbabakasalaking higupin syang muli ng buwan pabalik sa kanyang panahon. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Ninanais pa din ba nya na makabalik sa kanyang panahon?. Buong akala ko ay nais na nyang manatili dito kapiling ko.

"Sa may talon. Doon natin sya puntahan." Halos patakbong tinungo namin ang talon. Nawa ay nandoon lang si Katrina at payapang nakaupo sa malaking bato. Hindi ko matatanggap kung may nangyaring masama sa kanya!

"Nicolas, paanong naging isa ka sa pinuno ng kilusan, kung ikaw naman ay isang pusong Kastila?" Minabuti ko ng ituon muna sa iba ang aking isip dahil hindi ako makapad-iisip ng tuwid kung labis ang pag-aalala ko kay Katrina.

"Iyon ang nalalaman ng lahat, at hinahayaan kong tumanim iyon sa kanilang isipan, upang walang maghinala sa totoo kong layunin?"

"At ano nga ba ang totoo Nicolas? Hindi naman kaya ikaw ang may kagagawan ng pagkawala ngayon ni Katrina at inaakay mo lang kami sa isang patibong?"

Sa halip na magalit ay napataas lang ang isang gilid ng kanyang labi. "Iyan ang gusto ko sa 'yo Juaquin, hindi ka agad naniniwala at inaalam mo muna ang tunay na nangyayari."

Sandaling hindi nagsalita si Nicolas. Ang akala ko ay hahayaaan na lang nyang nakabitin ang aming pinaguusapan. Kahit naman na hindi nya sagutin ang aking katanungan ay aalamin ko ang tunay nyang dahilan.

"Hindi si Amparo ang tunay kong kapatid...." Natitilan ako at tumingin sa kanya. "Kundi si Amour."

Isa din syang kagaya ko? Espanyol ang ama at Pilipino naman ang ina? Kung gayon ang ang kanyang sinasabi, may dahilan sya upang magalit sa pamamalakad ng mga kastila sa aming bayan!

Ngayon din ay nauunawaan ko kung bakit tila mas malapit ang loob nya kay Amour kumpara kay Amparo.

Pagdatig namin sa talon ay wala doon si Katrina ngunit may mga bagong bakas ng mga paa at malamang ma hindi pa ito nagtatagal.

"Dito sila nanggaling. At patungo sila sa bukirin!" Malaki ang aking hinala na doon dinala ni Salvador si Katrina sa lugar kung saan pinaslang ang aking kapatid. Nakaramdam ako ng matinding galit! Una nang kinuha si Ezperanza, ngayon naman ay ang babaeng pinakamamahal ko!

Kailangan kaming magmadali upang makita kaagad si Katrina at masagip sya sa kapahamakan! At harinawa ay pigilan ako ng Diyos, dahil hindi ko alam ang magagawa ko kay Salavador sa oras na makaharap ko sya!

Kat

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko dahil ang sakit ng tyan ko. napansin ko na nakalaylay ang mga kamay at ulo ko at nakapatong ang tiyan sa balikat ng kung sino. Magsasalita sana ako para malaman kung anong nangyari sa akin nang maalala ko ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay!

SI SALVADOR!

Nakapatong ako sa balikat ni Salvador ay dinadala nya ako kung saan! Hinayaan ko munang isipin nyang wala pa din akong malay. Kailangang mapag-isipan ko ng husto ang gagawin ko. HIndi ko kaya ang lakas ng lalaking ito. Kulang pa ang training ko sa self defense at obvious naman na hindi ko nadepensahan ang sarili ko. Hindi sana ako parang lantang gulay ng binubuhat ngayon!

Crescent MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon