Chapter 14

15.9K 486 66
                                    

Date Uploaded : July 28, 2014

AN. sorry medyo na-late ang pag upload... nabura kasi ang first draft ko and I have to do it all over again.


Chapter 14

Kat


Sumilip ako sa labas ng kwarto ko. Tumingin tingin ako sa paligid at naniniguradong walang pwedeng makakita sa akin. I am going to sneak out of the house. Ayoko kasing makalasubong kahit isa sa mga bisita namin.


Bisita daw namin, parang ako hindi bisita dito a. Feeling ko kasi bahay ko na ito at ang trato sa akin ng may-ari ay parang tunay na nya akong anak. Well anyway, mas considered naman akong kapamilya dito kesa sa kanila! Mga sampid lang sila dito at pinakikitunguhan ng maayos kahit alam kong labag ito sa kalooban ni Donya Estelita.


Dalawang araw na ang nakalipas simula ng magbakasyon sila dito. At wala akong masasabi kundi... NAKAKASTRESS!!!!


Si Amparo, walang ibang ginawa kundi irapan at pagtaasan ako ng kilay. Wish ko lang na masunog ang dalawang kilay nya at magmukha syang butiki! Kung totopakin lang ako, dadalawin ko sya habang natutulog sya at paliliyabin ko ang mga kilay nya! Hungggtaaarrraayyy lang kasi, grabe! Hindi ko alam kung anong manners ang meron sya, masyadong matapobre! Feeling nya sya na ang pinakamaganda, pinakamayan at may karapatan sa lahat!


Haist! Oo, maganda talaga sya, pero ibang level ang kagandahan ko kumpara sa kanya! Na-iinsecure lang sya sa akin dahil hindi nya ako kayang patalbugin.


Si Nicolas naman ay hindi nagsasawa sa pambobola sa akin. Kahit saan ata ako magpunta, parang aso syang susunod-sunod! Can't he take a hint?! Hindi man lang mkaramdam na hindi ko sya type! Ang manhid! Oo, gwapo, matikas at mukha ding matalino. Pero, hindi ko talaga type ang aura nya. Ang weird pa, may split personality sya. Sobrang hambog, mas lalo na kung kaharap si Juaquin. Obvious na obvious may rivalry yung dalawa. They are civil with each other, especially kapag kaharap si Donya Estelita, pero kapag nagtagpo ang mga mata nila, parang nag-gegera ! Hindi ko alam talaga kung pinag-awayan nila, pero hindi ordinaryong away lang ito.


Kaya napapaisip ako, ito ba ang magiging magbayaw?

Ang nakapagtataka, ay pag dating kay Amour ay lumalambot ang puso nya taliwas na taliwas sa ipinapakita nya kay Juaquin. He's acting like a protective brother when it comes to her. Palagi nyang ipinapagtanggol si Amour kay Amparo. Kung tutuusin nga, ay mas dapat nyang kampihan si Amparo dahil sya ang tunay na kapatid nya. Nicolas is such a puzzle to me, dahil nakikita kong talagang may tinatago syang kabaitan. Kung alin sa dalawang ugali nya ang tunay na sya ay hindi ko malaman.


But.. I want a break from all these drama, sumasakit na ang batok ko sa kanila at baka atakihin pa ako sa puso!



When I was sure that the coast is clear, dali dali akong naglakad patungo sa back door ng mansyon. Tamang-tama at madadaan ako sa kusina. I'm gonna pack some fruits and bread, I need some energy at may misyon akong gagawin.


Nag-iwan na lang ako kay Donya Estelita ng sulat na ipinabigay ko sa isa sa mga katulong, para hindi sya mag-alala. Pag dating kasi sa akin, feeling ko napaparanoid syang palagi na para bang palagi akong mapapahamak.

Crescent MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon