Epilogue

17.8K 649 252
                                    

Date uploaded: 6-26-15
Epilogue

Juaquin

Ilang gabi na akong pabalik-balik sa lugar na ito. Nagbabakasakaling makita kong muli ang babaeng pinakamamahal ko.

Katrina....

Tumingala ako sa langit. Ang mahiwagang buwan. Nauunawaan ko na si Katrina sa kanyang mga ginagawa noong nakaraan. Natatawa ako sa kanya noon kapag nakikita ko syang nagsusumamo sa buwan na para bang nasisiraan ng bait.

Nais ko na din masiraan ng bait at magmakaawa upang maibalik lamang si Katrina sa piling ko.

Pati si mama ay lubos na nalungkot sa pagkakawala nya at katulad ko ay umaasang isang araw ay magbabalik sya.

Si Nicolas ang nakasaksi sa paghugot ng buwan kay Katrina at nahirapan akong ipaliwanag ang mga pangyayari. Hindi sya makapaniwala na nagmula sa ibang panahon si Katrina. Ngunti naliwanagan naman sya kung bakit ganon ang kanyang pagsasalita at ang kanyang pagkilos.

Pinutol ko na din ng tuluyan ang ugnayan namin ni Amparo. Nagalit ang mga Del Valle sa aking naging desisyon, at sa unang pagkakataon ay si Nicolas naman ang aking naging kakampi. Humingi na ako ng paumanhin sa mga bagay na ipinaratang ko sa kanya at maluwag naman nya itong tinanggap.

Kinalimutan ko na din ang galit ko kay Salvador at ipinaubaya ko na sya sa maykapal. Hindi nakakatulong na may iniingatang galit sa puso at maghiganti. Muntik ko ng ibagsak ang mga Del Valle, pakasalan ang babaeng hindi ko minamahal.iyon naman pala, wala silang kinalaman sa pagkamatay ng aking kapatid. At ang taong pinaghihinalaan ko ay maari ko palang maging kaibigan.

Mabuti na lang at dumating si Katrina at hindi naituloy ang aking mga hangarin.

Ngunit ang puso ko ngayon ay labis na nangungulila sa pagkawala ng aking minamahal. Kung may paraan lang na maibalik sya, gagawin ko ang lahat!

Tumingala akong muli sa buwan at labis na nagsumamo.

"Si Katrina ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay. Kung maari lang na maibalik sya sa akin ay habang buhay na tatanawin ko itong utang na loob."

Ilang araw ko ng pinakikiusapan ang buwan, ngunit pakiramdam ko ay pinagtatawanan lang ako nito.

Pabalik na ako sa mansyon nang mapansin kong may isang bagay na umiilaw sa may lupa. Pinuntahan ko ito. Natatabunan ito ng mga patay na dahon. Nagkaroon ako ng pag-asa noong damputin ko ito.

Napangiti ako sa bagay na hawak ko. Ito ay pag-aaro ni Katrina na ipinakita nya sa akin noong nandito pa sya. Isa din ito sa mga bagay na pinaghihinalaan nya na sanhi ng kanyang pagpunta sa ibang panahon.

Mas lalong nagliwanag ang mahiwagang bagay na hawak ko at napangiti ako.

"Katrina.... Naiwanan mo ang cellphone mo...."

----------AN

Yehey!!!! Natapos na din ang crescent moon matapos ang mahabang panahon! Hahahahhaha I'm soooo happy!

Next Full moon (crescent moon part 2)
Tignan nyo na lang sa works ko.

Crescent MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon