Chapter 10

16K 497 77
                                    

Chapter 10

AN.

Ganon pa rin po. no second glance.. no edits. straight from my mind... I'll edit it later na lang...

Sobrang ikli lang nito dahil siningit ko lang sa hectic schedule ko, kaya, hahati, hatiin ko ulit into parts...

Napatitig ako ng matagal sa babaeng kaharap ko. Pigil na pigil ang aking paghinga at hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanyang mukha.

Bakit kailangan ko pa syang makilala? Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? O sadyang mapagbiro lang talaga ang mahiwagang buwan?

Kailangan ba talagang ipamukha sa akin ito? Iukit sa utak ko na hindi kami nararapat ni Juaquin? Bakit ganito?!

Naninikip ang dibdib ko.

Gusto kong maiyak, gusto kong magalit.

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Isa lang ang masasabi ko....

MAS MAGANDA AKO NG DI HAMAK SA KANYA!

Maganda rin naman sya. Nakapusod ang kanyang buhok, so malamang na mahaba ito. Oo naman, wala naman sigurong hindi mahaba nag buhok sa panahong ito.Makinis ang kanyang balat at mamula mula pa ang kanyang mga pisngi, hindi sya kasing puti ni Amparo ngunit hindi naman sya kasing itim ng mga Pilipino na kung tawaging nila sa panahong ito na Indyo. Kung tutuusin ang itsura nya ay hindi mukhang purong Pilipino. Ang kanyang mga mata ay hindi katulad ng ordinaryong Pilipino at matangos ang kanyang ilong.

Pero ang kanyang kasuotan ay katulad ng mga kasuotan ng mga naninilbihan. Bakit? Sino sya? Wala pa akong nakitang half breed na katulong dito.

Lumapit ako sa kanya. Just to look closely.

I know that I'm not suppose to feel like this but I'm feeling sooooooooo jealous right now! And this feeling is very new to me that I don't exactly know how to deal with it.

Gusto kong ilabas ang pagka-BITCH ko! I want to think that I'm better than her. That I'm more suitable for Juaquin. At hindi itong babaeng ito na nasa harapan ko!

Ngunit.....

Nilisan ako sa matinding damdamin na nararamdaman ko ng makita ko ang maluha-luha nyang mga mata.

Natatakot ba sya sa kin? Mukha ba akong monster? Hindi naman ako monster, kakainin ko lang naman sya ng buhay... jowks. Hindi ako cannibal ano.

My heart started to melt when a tear dropped down from her eyes. Para kong binuhusan ng napakalamig na tubig. How could I think about things like that. Thinking badly about a person is just not me. Hindi ganito ang pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko. I feel so ashamed on how I reacted a minute ago.

"Hey... hey... please please wag kang umiyak. " Sabi ko at kinuha ko ang panyo ko at pinahid ko ito sa kanyang pisngi.

"Pakiusap po Senorita. Wag nyo po akong isusumbong. Hindi ko po talaga kayo nakita. Hindi ko po sinasadya ang pagkabunggo ko sa inyo. Paumanhin po kung nasaktan ko kayo."

At umiyak na sya ng tuluyan.

OH MY GOSH! She's scarred out of her wits!!! She body is trembling out of fear!

"Naku! Naku.. naku.... Ummmm.... " Hindi ko alam ang gagawin ko. Did I really scarred her that much? Nagsisisi na tuloy ako kung bakit ko sya tinignan ng matalas. Me and my stupid jealousy! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakapag-paiyak ng ganito! Oh my gosh.. what am I suppose to do!

"Wag ka ng umiyak please. Ako naman talaga ang dapat mag-sorry sa yo. Ako ang hindi tumitingin sa dinaraanan ko. Ako ang nakabunggo sa yo. Hindi ikaw. Please naman.. wag ka ng umiyak... Sorry na. Tahan ka na. Pleeeaaseee.... "

Crescent MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon