Chapter 19

10.6K 389 22
                                    

Date uploaded: 6-26-15

Chapter 19

Unti-unti ko iminulat ang mga mata ko. Nakasikat na ang araw. I shaded my eyes and looked around. Nasa may falls ako. Paano ako nakarating dito?

Masakit ang katawan ko pero pinilit kong bumangon. Di kaya nakatulog lang ako dito?

Sana nga.... sana nga....

Naalala ko ang mga nangyari kagabi. SI SALVADOR! Tinangka nya akong patayin! Hindi kaya noong nawalan ako ng malay dahil sa pagkakasampal nya, at ngayon lang ako nagising?

Sana nga.... Pero bakit nakakramdam ako ng kaba?

Hinfi! Think positive!

Pareho pa naman ang damit ko. Naka pang-lola attire pa din ako. Pinagpag ko ang damit ko para maalis ang mga kumapit na tuyong dahon. May pahid ng putik sa ibang bahagi ng palda ko, patunay na nagpagulong-gulong ako sa lupa kagabi.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang bag ko. Nilapitan ko ito at dinampot.

Paanong napunta ito dito? Ang pagkakatanda ko ay wala naman akong dala noong pumunta ako dito. Binitbit kaya ito ni Juaquin kagabi? Pero anong purpose? Tinignan ko ang loob at nahandoon ang lahat ng gamit ko. Teka wait lang.... there's something missing. Hinaluhalungkat ko ang bag ko.

Teka nga! Bakit ba ito ang binigbigyan ko ng halaga ngayon? Ang mas importante ay makita kong muli si Juaquin. Mataas na din ang araw baka hinahanap na ako ni Donya Estelita!

Pilit kong inaalis sa isip ko na hinigop na ulit ako ni manong buwan sa sarili kong panahon. Nanaghinip lang ako. Nandito pa din ako sa spanish era. Nakatulog lang ako at nanaghinip. Ok lang kahit panaghinip din ang pagpropose sa akin ni Juaquin. Ang importante, nandito pa din ako at hindi kami maghihiwalay. Alam kong mahal nya ako . At kung talagang panaghinip lang ang pagsabi nyang mahal nya ako, alam ko, sooner or later, magpapakatoo din sya.

Power of positive thinking nga e! Kailangang lakasan ko ang loob ko.

Nagmamadali akong makabalik sa mansyon. Pero habang lumalapit ako, unti-unting bumabagsak ang pananalig ko na nasa panahon pa din ako ng mga kastila. Ibang-iba kasi ang paligid. Mas developed na ang lugar. Mas lalong tumindi ang kaba ko, pero ayaw ko pa din tanggapin kahit na sa likod ng isip ko ay nangyari na nga ang ikinakagakot ko.

Napatigil ako sa harap ng bahay at halos bumagsak na ang loob ko.

Hindi! Hindi ko kayang tanggapin! Patakbo kong pinasok ang mansyon. Kapareho pa din ang structure ng bahay pero makikita mo ang pagkakaiba dahil sa pintura at may mga bagay na naidagdag na nagpapahiwatig na nasa modern era na ako!

Hindi ko napansin na umaagos na pala ang luha ko at nararamdaman ko na may parang malaking bara sa lalamunan ko.

Nakarating ako sa paanan ng hagdanan at doon ako inagawan ng lakas ng humarap ako sa dingding na katapat nito. Sa halip na si Juaquin ang sumalubong sa akin, isang malaking portrait lamang nya ang nakita ko.

"Bakit?! Bakit!" Lumapit ako sa portrait at parang tinakasan na ako ng husto ng lakas ko at napaupo na lang ako.

"Juaquin!!! NO!!!! We're suppose to get married. You proposed to me!!!!"

Halos gumuho ang mundo ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Bakit mas masakit pa ito kumpara noong namatay si Richard. Ibig sabihin ba noon ay mas minahal ko si Juaquin? Sa sandaling panahon na nakilala ko sya, naging malalim na ang naramdaman ko sa kanya.

Hinwaian ko ang dibdib ko dahil sobrang sakit. Hindi ko matanggap na parang pinaglaruan lang ako ng mahiwagang buwan. Bakit ganon? Bakit hindi na lang nya ako binalik noong panahon na wala pa akong nararamdamn kay Juaquin? Bakit ngayon pa!

Crescent MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon