Kabanata 10

364 23 4
                                    

Kabanata 10

Hindi maalis ang tingin ni Echarri sa mukha ng sekretarya habang binabaybay nila ang mansyon ni Chairman Avanzado. At hindi mawaglit sa isipan ng binata na pinagbuhatan ito ng kamay ni Monica, maski na ang pahayag niyon na may gusto ang sekretarya sa kaniya.

He apologized on behalf of Monica that same night.

Mahigit isang linggo na ang nakalipas pero binabagabag pa rin ng konsensya ang binata. He can't deny the fact that it was partly his fault.

"Nakatulog ka ba nang maayos?" Putol ni Echarri sa katahimikan na bumabalot sa kanila sa loob ng sasakyan.

"P-po? Ano po ulit 'yon, Sir?" utal na sagot ni Rosie.

"I was just asking if you had a good night's sleep yesterday?" ulit niyang tanong.

Tumingin ang dalaga sa kaniya at tumango. "Nakatulog naman po ako ng ilang oras, Sir," pagsasabi niya nang totoo.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Echarri ang dark circles sa ilalim ng mga mata ni Rosie. "Go home and take a rest after meeting with Dad," he said that sounded like an order.

Rosie understood, so she didn't appeal anymore.

Matiwasay silang dumating sa mansyon ni Chairman Avanzado. Katulad ng nakagawian ay si Rosie lamang ang tanging pinapasok sa loob ng opisina. Malaki ang tiwala at palagay ang loob ni Chairman sa dalaga. Dahilan kaya hirap na hirap siyang pagtakpan si Echarri sa tuwing 'di nito sinusunod ang utos ng ama.

"Magandang araw po, Chairman," bati ni Rosie sa seryosong mukha ni Chairman.

Nakaupo iyon sa swivel chair at nakatutok ang mga mata sa isang bagay. Minuto rin ang lumipas bago siya pansinin ng matanda. Inabot nito ang isang litrato sa dalaga at mataman siyang tinitigan.

"Nakarating sa akin na siya ang bagong pinagkakaabalahan ng anak ko?" Mahinahon na usisa nito, ang magkasalikop na kamay ay nasa ibabaw ng tiyan.

Bumalik sa alaala ni Rosie ang sakit ng sampal nang makita kung sino ang nasa litrato. "Monica La Torre po ang pangalan niya, Chairman. At ang totoo po niyan ay wala na pong namamagitan sa kanila ni Sir Echarri. Isa po ako sa patunay." Matapat na sagot naman ng dalaga.

"May dapat ba akong malaman at ipagalala, Ms. Estabillo?"

Pikit-mata nitong sinagot ang Chairman nang... "wala po, Chairman." Ang nararamdaman ng dalaga para sa amo ay hindi nararapat ipagalala.

Walang dapat makaalam no'n maliban sa kanilang dalawa ni Frances. She will take that secret to her grave.

"I believe you." Chairman nodded. "Hindi ka ba pinahihirapan ng anak ko sa trabaho? Bakit para yatang namayat ka?" Napansin din pala ni Chairman iyon. Like father like son, ika niya.

Namutawi lang ang ngiti sa labi ng dalaga sa tanong na 'yon. Kahit na ang dahilan ay ang ginawang panakot ni Monica sa harap nila ni Echarri. She is afraid that her secret might really come out in public.

Tumayo si Chairman at inaya si Rosie na maupo sa mahabang couch. Umupo ang dalaga salungat sa Chairman. Dumating ang katulad niyang sekretarya upang ilapag ang dalawang tasa ng tsaa sa lamesa.

"Tikman mo muna 'yang tsaa," alok ni Chairman.

Nagpasalamat muna ang dalaga bago kunin ang isang tasa at saka hinipan.

"Kaya kita pinapunta rito ay dahil sa isang napaka-importanteng bagay." Umpisa ni Chairman na nagpatigil sa dalaga. "I want you to look for somebody."

"Sino po ito, Chairman?" maang na tanong nito.

The Scent of You [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon