Kabanata 22

262 16 0
                                    

Kabanata 22

Nasa kalagitnaan ng meeting si Rosie kasama si Echarri nang hindi matigil na call attempt ang natanggap mula sa kapatid.

Pansin ng amo kung gaano siya hindi mapakali kaya tinawag ni Echarri ang kaniyang pansin gamit ang mic. "Miss Estabillo, is there anything wrong?" tanong nito sa harap ng mga shareholders.

Ikinahiya 'yon ng dalaga kaya umiling kaagad siya. Balak nitong i-off ang cellphone kaso inunahan na siya ng amo.

"Looks like an important matter. I think you're done here, so you go ahead and take care of that for the meantime."

Umikot ang tingin niya sa buong conference room at sa kaniya lahat nalipat ang atensyon ng mga naroon. She decided to obey Echarri and nods goodbye to him.

Nang makalayo siya ay kaagad tumugon sa tawag. Marahil urgent ang rason dahil sumagot sa isang ring lamang si Robby.

"Ate Rosie—"

Her brother's voice sounded miserable. At ang pagtawag sa kaniya na Ate ng kapatid ang nagpatiyak na mayroong problema.

"Ano'ng problema, Robs?" Kinakabahan na rin siya sa kung ano man ang maririnig mula kay Robby.

Kawalang-ingay ang namutawi sa kabilang linya. Pakiwari niya'y nagdadalawang-isip pa ang kapatid na sabihan siya.

"Robby? Tandaan mo na walang problema na hindi natin kayang lusutan. Ate mo 'ko, 'di ba? Sa tingin mo ba hahayaan kitang mag-isa?"

Kabisado ni Rosie ang galawan ni Robby. Bago pa tunawag sa kaniya ang kapatid ay siguradong sinubukan na niyang resolbahin ang problema mag-isa.

She was her brother's last resort.

"Ayoko nang maging pabigat sa 'yo, Ate. Alam ko 'yong hirap mo na pag aralin ako simula pa lang, eh. Alam ko na inuuna mo ako kaysa sa sarili mo. Pilot badge na nga lang kaya kong isukli sa 'yo, Ate. Pero mukhang mapapahiya pa yata kita."

"Ano'ng ibig mong sabihin? Don't be vague, Robby. Sabihin mo sa akin ano ang problema? Sa paanong paraan mo ako ipapahiya?" Binato ni Rosie ng mga tanong ang kapatid dahil sa kaba.

Narinig muna nito ang pagsinghot ng kapatid bago magpatuloy. "Ate Rosie, they won't let me take the written test." Sa wakas ay nasabi ni Robby ang totoo sa kaniyang Ate.

Nakakagat na ni Rosie ang kuko sa daliri dahil sa anxiety. "What do you mean they won't let you? You've been fully paid, Robs. So, ano'ng dahilan?"

"Pinipilit ng aviation school na may nilabag daw akong policy kaya hindi nila ako papayan hanggang ma-clear ako. Pero, Ate, wala akong matandaan na may ginawa akong mali. Wala 'kong pag asa na makapag flight test kung wala 'to."

Kumirot ang sintido ni Rosie. Iniisip kung ano ba ang p'wede niyang gawin. Kung paano nila lulusutan ang problema ng kapatid.

"S-sige, um, susubukan ko silang kausapin. Pupuntahan ko ang school mo para ayusin 'to. Hindi ko rin hahayaan na mawala sa 'yo itong pangarap mo. Ilaban natin, Robs," aniya upang palakasin ang loob nilang magkapatid.

"Sorry, Ate Rosie."

Umiling ang dalaga. "Magiging okay ang lahat. H'wag ka masyadong mag alala. Ako'ng bahala," pursigido na sabi nito.

Pag uwi ni Rosie ang pinal na desisyon nilang magkapatid bago maputol ang tawag. Kung gano'n ay kailangan niyang magpaalam kay Echarri.

Kung ilang araw man siyang mamamalagi sa kanila ay hindi niya sigurado. Basta para kay Rosie, mas mahalaga ang future ng kapatid kaysa sariling hinaharap.

The Scent of You [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon