Kabanata 5
Iniisip pa lang ni Rosie kung ano ang pwede nitong idahilan sa pangbubuking sa kaniya ng inay at kapatid nang mapabungisngis ito nang 'di sinasadya.
Kasi naman lumabas si Echarri ng kwarto suot ang maluwang at kupas na tshirt ng itay nito pati na pajama na minsan sinusuot ng kaniyang itay sa bukid. 'Yon tuloy, from millionaire to pulubi really quick ang itsura ng amo, 'di sanay ang mata ni Rosie na ganoon kasimple ang suot ng kaniyang amo. Hindi talaga.
Echarri gives her a criminal offensive side eye. Nakagat tuloy ng dalaga ang labi upang mapawi ang kaniyang tawa.
"Inalok ng Dad mo na isuot ko 'to habang nagpapalipas ng gabi. Ayoko naman ipahiya sila," paliwanag ni Echarri.
Pinigilan ni Rosie ang sarili sa pamamagitan ng pagtakip ng bibig at pag iwas na tumingin sa katabi. "Pinahila ko na po pala 'yong kotse, Sir. Mas naunahan pa tayo no'n sa Maynila. Mag-commute na lang po tayo pabalik bukas para makatipid."
"Umm, no prob. Magpasundo tayo kay Zayn para mapakinabangan naman."
Kilala iyon ni Rosie. Si Zayn ang kaibigan ng amo na minsan nagagawi sa opisina upang ayain uminom si Echarri.
"Anyways, will you explain to me what your Mom and brother meant earlier?"
Hindi nakaligtas sa paningin ni Rosie ang mapanuri na mga tingin ni Echarri sa kaniya. Tila wala itong lusot mabuti na lang lumabas ang kapatid upang ayain silang kumain na ng hapunan.
"Tawag na po tayo, Sir. Masamang pinaghihintay ang pagkain." Mabilis pa sa kabayo ang pagtakbo ni Rosie papasok ng bahay.
Nang nasa hapag na lahat ay kaniya kaniya ang pamilya ni Rosie hainan ng pagkain ang among si Echarri. Mapagkakamalan niya itong prinsipe maski sa pulubing kasuotan.
"Napakao-o-OA po ninyo. Mas mahihiya si Sir sa ginagawa ninyo, eh," sabat nito na siyang nagpatigil sa mga ito.
Minuto nga lang 'yon dahil pinagsalin siya ni Robby ng sabaw sa mangkok at nilapit iyon sa tabi ng plato ni Echarri, ang kanin nito'y hindi malulukso ng pusa sa dami.
"Naiilang ka ba sa amin, kuya Harri?" untag ng kapatid.
Napanganga si Rosie hindi dahil sa tanong, kungdi dahil sa binansag na tawag sa amo. "Hoy Robby, nakakahiya ka. Sinong kuya Harri, kuya Harri ang tinatawag mo? Sir Echarri dapat. Sir Echarri," sermon nito sa kapatid.
Tumango ang kaniyang inay at itay. "Oo nga, 'nak. Nakakahiya sa amo ng ate mo," segunda ng kaniyang inay kung saan siniko ang nanahimik na padre de pamilya.
"Robby, humingi ka ng dispensa kay Sir Echarri," ani ng kanilang itay. Tahimik lang kasi iyon kaya kada may sasabihin ito ay siguradong dapat na sundin.
May sumipa sa paa ni Rosie sa ilalim ng lamesa. Bahagya niya itong sinilip at natuklasan ang paa ni Echarri na sinisipa siya.
Nang tingnan niya ito, umiiling na ang kaniyang amo. He is telling her to stop and not embarrass her family. "I actually don't mind him calling me kuya Harri, that's like a fresh air to me." Nakangiti, sinisigurado ang mga ito na ayos lang siya sa pinapakitang hospitality ng pamilya Estabillo.
"Ako nga rapat ang mahiya dahil nakikituloy ako sa inyo kahit 'di n'yo ako kaano ano. Um, 'di ba, Rosie? Hindi dapat sila ang mahiya sa akin, 'di ba?" Siniko nito nang marahan ang dalaga upang umayon sa sinasabi.
Mayaman ang binata, mayaman din sa magandang asal. Ang tanging problema lang talaga sa kaniya'y mayaman din ito sa babae.
Hindi dalawin ng antok si Echarri. Dahil ba namamahay ang katawan nito o dahil sa malakas na hilik ng kapatid ni Rosie. Nasa lapag iyon natutulog samantalang siya nasa kama. Pilit man sabihing ayos lang ito matulog sa salas ay ayaw pumayag ng buong pamilya.
BINABASA MO ANG
The Scent of You [Under Revision]
RomansaMatinik hindi lang sa babae kungdi pati sa kama ang boss ni Rosie na si Echarri. Hindi mabilang sa daliri ang nadala na nito sa cloud 9. Siya man ay nagnanais mapansin ng kaniyang boss ngunit pagiging sekretarya lang ang papel nito sa buhay ni Echar...