Kabanata 1
Huling-huli ulit sa akto na pinagpapantasyahan ni Rosie ang litrato ng kaniyang amo na ginawa pa nitong background sa sariling kompyuter.
"E kung hubaran mo na lang kaya sa personal para makatotohanan? Flesh and fresh, gano'n!" mungkahi ng katrabaho niyang si Frances.
'Di na bago kay Frances ang lihim na pagtingin ni Rosie sa among si Echarri. Paano naman kung ito ay matipuno, may magandang lahi, at may nagsusumigaw na ugat sa katawan.
"Bente-nuwebe na ako, Fran. Gusto ko na lang malahian ni Charri," wika nitong hinahaplos pa ang iskrin. "Hay, saang hotel ulit kaya niya ako papupuntahin upang ipag-book sila ng bago niyang dyowa?"
Naglapag ng umuusok pang kape si Frances sa kaniyang mesa. "Kape ka muna— kaso hindi 'yan matapang kasi hindi mo kayang ipaglaban," biro ng kaibigan. "Sino naman ngayon ang bago niya?" usisa nitong hinihipan pa ang tinimplang instant coffee mula sa snack bar.
Humalukipkip si Rosie sa tanong na iyon. "Pagkatapos nitong bagong usbong na modelo. Anak ng Mayor naman ngayon, maganda, maliit ang mukha parang manyika." Nakairap ito.
"Ilang linggo kaya ang itatagal ng isang ito?"
"Gawin na nating isang linggo. Malakas ang appeal ng anak ni Mayor kaysa roon sa modelo."
"Hanggang tingin ka na lang ba talaga sa litrato niyang 'yan, Rosie? Sabi mo'y gusto mong matikman?"
Binato nito ng kahon ng tisyu ang kaibigan. "Manahimik ka hoy! Ang tabil ng dila mo baka mamaya niyan ay mayroon makarinig sa atin," aniya lumilinga linga sa paligid.
Halos magpantay ang kilay ng kaibigang tinanaw siya mula sa katapat na partisyon. "Tinuruan na kita ng dapat gawin. I-book mo ng magkaibang kuwarto si boss Charri at 'yung present dyowa. Pagkatapos ikaw ang pupunta sa kuwarto ni boss Charri at magtatago sa ilalim ng kumot habang nakapatay lahat ng ilaw. Pagdating niya sunggaban mo kaagad. Gano'n lang 'yun, ikaw kasi masiyadong mahina sa diskarte," sermon ni Frances sa kaniya.
Ngunit imbes sumagot ay napatayo ang mga ito nang pormal sa pagdating ng kanilang boss Echarri. Tagaktak ang pawis nito na bumakat pa sa puting long sleeve polo na tinanggal nito sa pagkaka-butones.
"Isang bouquet ng dahlia." Tinuro nito si Rosie at alam na ng huli kung ano ang ibig nitong sabihin. "Block her number, 'k?" turan nito bago tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang opisina.
Sabay nagkatinginan ang magkaibigan. Umiling si Rosie at nagkibit-balikat ang kaibigang si Frances. Gawain kasi ng amo na magbigay ng bulaklak depende sa gusto nitong kahulugan.
Ngunit ang malimit na pinapabili upang ipadala sa kaniya ay ang bulaklak na dahlia. Noong una wala silang mga ideya hanggang sa magsulputan at magwala sa opisina ang mga nabigyan no'n.
Dahlia is seen as a symbol of goodbye.
At dalawa o apat sa isang buwan siyang nagpapa-disenyo ng bouquet no'n.
"Totoo nga ang chismis, confirmed! Ligwak na ang model. Anak ni Mayor... pasok!" usal nitong mayroon pang kasama na sitsit.
"Hay. Kailangan ko na naman magpalit ng numero niyan," wika niya. Nakailang palit na nga ba siya? Hindi na nito mabilang.
Uupo na nga sana ang dalawa nang tawagin si Rosie ng kanilang amo upang pagdalhan ito ng tsaa. Madali ang dalaga na tinungo ang snack bar upang tumugon sa amo.
Pagpasok niya sa opisina ng amo ay tila painot inot ang paligid nang mapagmasdan ang nakarolyong manggas ng polo nito. Humihiyaw ang kaniyang mga ugat sa braso.
Napamura sa isip si Rosie ngunit maigi na lang at hindi nito nabitiwan ang baso ng tsaa na hawak. "Ito na po ang tsaa n'yo, Sir," sambit nito pinipigilan sulyapan ang ugat nito sa katawan.
BINABASA MO ANG
The Scent of You [Under Revision]
عاطفيةMatinik hindi lang sa babae kungdi pati sa kama ang boss ni Rosie na si Echarri. Hindi mabilang sa daliri ang nadala na nito sa cloud 9. Siya man ay nagnanais mapansin ng kaniyang boss ngunit pagiging sekretarya lang ang papel nito sa buhay ni Echar...