Gaano Kadalas Ang Minsan 2

9.1K 5 0
                                    

Ang Pagduda

Lunes at nasa opisina na ako at para akong kahoy na di makagalaw. Nakatulala at nakatingin lang sa malayo. Hinde ko maipaliwanag kung paano nagkaroon ng condom sa basura namin. Ni minsan ay di ako gumamit nun lalo pa sa kundisyon ni misis.

"Oh pre bakit nakatulala ka dyan? May problema ka ba?" Tanong sakin ni Simon. Dumating sya at may dalang dalawang bote ng softdrinks at dalawang pagkain na naka styrofoam foodpack. Nilapag nya sa harapan ko ang isa sa bawat dala nya.

"Snak muna tayo tol. Pinabigay ni gov samin. Kay absent kasi kaya sayo nalang yan. Sayang naman."

"Salamat. Teka, anong oras ka na pala naka alis nung nag inuman tayo?"

"Di ko na alam eh. Basta umuwi nalang ako. Kwento pa ako ng kwento sayo, kaso bumibyahe ka na pala sa ulap kaya iniwan nalang kita."

"Hinde ko kasi masyadong matandaan ang nangyari eh. Nag blackout ako."

"Eh syempre di ka pa sanay. Natural lang naman yan. Wag ka mag alala, masasanay ka din haha."

"Gagu la ako planong maging lasenggo."

"Hinde naman sa lasenggo, pero yung sakto lang na may tolerance ka na sa alak. Kumbaga drink moderately hehe."

Sa totoo lang nakakapanibago ang pagiging friendly ni Simon. Dati talaga hinde sya ganito. Ngayon parang walang problema eh. Pero nasa loob ko parin ang di mapalagay. Yung feeling na may panganib pero di mo alam kung saan. Ganito ba ang feeling ng may spider sense?

Umalis din kaagad si Simon dahil sa duty nito. Mukhang may lakad ulit si Gov at isa sya sa mga security escorts ng politiko. Tinignan ko ang porma ng uniporme ni Simon. Kakaiba talaga ang angas ng isang naka unipormeng parak. Kaya siguro maraming nahuhumaling na babae sa kanila eh.

Sa pag iisip ko nun ay bigla akong kinabahan. May lumabas sa isipan ko pero pilit kong binubura. Wag naman sana. Hinde ganun si Megan. Hinde ganun ang misis ko.

Pag uwi ko sa bahay, nasa loob na si misis at lumapit sya kaagad sakin.

"Kamusta araw mo?" hinalikan nya ako sa labi at niyakap. Mukhang nasa mood ang lambing ni misis ah.

"Okay kung ganito palagi." Sabay ngiti ko.

"May niluto ako. Yung paborito mo."

"Ginataan?"

"Hinde, adobo gagu. Hihi."

"ah okay haha. Edi kumain na tayo."

Dumiretso kami sa hapag kainan at doon namin tinuloy ang usapan. Tulad ni Simon, bakit parang kakaiba din ang friendliness ng misis ko? Bakit ganun? Di kaya masyado lang akong nag iisip?

"Ano palang okasyon?" tanong ko kay misis.

"Naku wala naman hon. Actually meron talaga akong kailangan sayo."

"Oh? Ano naman yun?"

"Kasi hon, nagkasunod kami ng mga kaibigan ko na lumabas sa byernes ng gabi. Magpapa-alam sana ako. Sandali lang naman kami hon promise."

"ganun ba?" napa isip ako sandali. Ngayon lang nagpaalam si misis ng ganito. Hinde mahilig si misis sa mga Friday nights na gimmick. Mas normal pa siguro kung magpapa-alam sya para sa isang bible study. Medyo nag aalangan ako pero ang hirap tanggihan ni Megan lalo pa at malagkit ang mga titig nya sa akin.

"Sige na hon. Ano? Payag ka na?"

"Basta wag ka masyado magpa gabi ha."

"Yeheey! Thank you hon. Hihi. Kumain ka na dyan, may surpresa pa ako sayo mamaya."

Shush Series (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon