The care giver

9.2K 12 0
                                    


Maagang nagising si becky upang maghanda ng kanilang aalmusaling mag-ina.Dadalawa na lamang sila ng kanyang nanay na si aling huling(julieta)na maagang nabyuda sa asawang tsuper ng pamilyang kanyang pinaglalabadahan.

Duon nakatirik ang kanilang kubo sa tabi ng lumang bahay kastila na syang pinaglilingkuran ng kanyang yumaong tatay at ng kanyang nanay.Nagisnan na VICTORIA (becky)ang kalagayang iyon pero kahit papano ay mababait ang knilang matatanda ng amo.

Maliit pa si Becky ng maulila sa ama naaksidente ang amo ng tatay nyang lalaki kasamang nasawi ang kanyang ama.Kaya kinupkop sila ng matandang babae at ito ang nagtustos sa kanyang pag-aaral hanggang sa kasalukuyan at kumuh sya ng nursing sa koliheyo.Mahina na ang matandang babaing si donya trining at sya ang naging tagapag-alaga nito.

Alam nyang may anak na nag-iisa ang kanilang amo na naninirahan sa ibang bansa at duon na ito nagkapamilya at bihirang magbakasyun ang mga ito sa Pilipinas at balita nya ay puti ang naging asawa ng kanilang among lalaki na may isang anak na lalaki rin na mas matanda sa kanya.

Pang-gabi ang kanyang pasok sa eskwela upang mapaglingkuran ang matandang babae sa araw.Nagulat sya ng gabing iyun pag-uwi nya ng bahay dahil tila nagkakagulo sa malaking bahay.Agad syang nagtungo doon upang alamin kung ano ang nangyayari.Nakita nyang tulak-tulak ng dalawang tao ang de gulong na kamang lulan ang matandang babae papalabas ng gate ng malaking bahay.

Becky:" Ano pong nangyari kay donya trining"?

ATTENDANT:"Tumaas ang presyon ng dugo kaya dadalhin namin sa ospital upang maobserbahang mabuti ng mga duktor".

Sumama na rin si Becky sa ospital kahit hindi pa ito nakakapagpalit ng damit pang eskwela at doon nya nalamang nakatanggap pala ng long distance ang matanda galing sa ibang bansa na naaksidente at namatay ang anak nito kasama ang asawa nitong puti galing daw sa trabaho naipit daw ng malaking truck ang kotseng sinasakyan ng mag-asawa.

mabuti naman at walang pinsalang natamo ang matandang babae at ilang araw lang ito sa ospital at agad ding nai-uwi ng bahay.

__________

Kailangan lang ang pahinga ng matandang babae at huwag masyadong mangunsumisyun at binigyan ng gamot na pampalabnaw ng dugo upang hindi na muling atakihin ng alta presyun.

Umuwi ng Pilipinas SI ROY (RODOLFO( dala ang abo ng mga magulang upang kahit man lamang dito ay makapiling ng matanda na nyang lola ang labi ng yumaong ama at ina.Bakasyun lang ang kanyang hininging pabor sa kumpanyang pinapasukan at tuloymakita ang matandang babae.

Tanghali ng dumating si ROY sa Maynila at sinalubong sya ng mainit na hangin na kakaiba sa bansang pinagmulan .Sinundo sya ng tsuper ng matanda na may dalang plakard at nakasulat ang kanyang pangalan na agad naman nitong nakita.Kahit laking CANADA ay marunong syang makapagsalita ng tagalog dahil sa turo ng ama gayun s pagbabasa at pagsusulat kahit na doon mismo sa ibang bansa sya nagmulat.

Tuwang-tuwa ang matanda sa pagkakita sa nalayung apo na agad humalik ng kamay sa kanya.Nasa tabi ng matanda si Becky at ipinakilala ng matanda ito .

DONYA TRINING:"Becky sya ang apo ko si Roy ang gwapo ng apo ko noh! sana ay mag-injoy ka dito apo upang kahit papano ay mabawasan ang lungkot mo sa pagkawala ng iyong mga magulang".

Tuwing dalawang taon kung magkita ang maglola palaging nagbabakasyun ito noong kalakasan pa nito lamang ay nahihirapan na ito sa beyahi mantakin mong halos 24 oras kang nakaupo sa eroplano kahit pa business class ang palagi nyang kinikuha.

Nahihiyang inabot ni Becky ang kanyang kamay sa mestisuhing apo ng matandang alaga at binulungan ang matandang marunong palang makaintindi ng tagalog si ROY.Agad namang kinamayan ito ng binata at nagpasalamat dito sa pag-aalaga sa kanyang lola.

Napansin agad ni Roy ang simpleng kagandahan ni Becky at sinadya nyang pisilin ang palad nito at nakita nyang namula ang morena nitong pisngi na walang bahid ng make-up o anumang kolorete at para itong brasillana sa kaanyuan .Palibhasay sanay sa babae at open ang sex sa north america ay alam nya na agad ang kahinaan ng mga babae.

Nahila tuloy ng mabilis ni Becky ang kamay at parang nandidiri sa ginawang pagpisil ni ROY dito,napuna naman ito niROY hinedi nya inaasahang ganito ang reaksyon ni BECKY kaya agad syang humingi dio ng paumanhin.

ROY::OH!! I'M so sorry kung napisil ko ang kamay mo pero that's only a sign of friendship i'm offering sorry uli Becky".

DONYA TRINING:"Apo ibahin mo si BECKY sa mga nakasalamuha mo ng mga babae dalagang Pilipina yan at hindi katalo para ko na ring apo yan kaya ang mabuti pa ay ituring mo na lamang syang nakakabatang kapatid kung okey lang sayo"

ROY:"Yes lola don't you worry i'll remember that, soo BECKY pwede mo ba akong samahang mamasyal dito sa MANILA I heared na marami raw magagandang mall dito i want to buy something like yung mga pang summer attire at foot items can you give me a favor please".

BECKY :" Opo senyor kaya lang po walang magbabantay kay lola trining kung sasamahan ko po kayo buti pa po si mang domeng na lang po ang isama nyo pareho po kayong lalaki at alam po ni mang doming ang mga lugar na nais nyung puntahan".

ROY:"That's alright if you don't want,lola papahinga muna ako and by the way where's my room".

DONYA TRINING:" DDDDoon ka sa dating room ng daddy mo ipinalinis ko na yun at ipina-ayos DOMING samahan mo na lamang yan ng makapagpahinga".

Mabilis na umakyat ito sa ikalawang palapag kasunod ni mang doming na syang may dala ng kanyang maleta at bitbit nya ang kanyang shoulder bag na kinalalagyan ng kanyang mga papeles .

ROY:" Mang Doming pwedeng pakikuha na lang po ako ng ice cubes o kung gusto nyo saluhan nyo muna ako dito gusto ko munang su myat ng dala kung whisky para makapagrelax bago matulog".

MANG DOMING:"Yes na yes po boss stateside yata yan hehehe".

Nagdala rin ng kunting makukukut si mang doming at napakaraming tanong ni ROY dito habang pinagsasaluhan ang alak nadala nito, tuwang-tuwa naman ang may idad ng tsuper dahil nakuha nya ang kiliti ng among binata.Maraming tinanong si ROY tungkol kay BECKY at nalaman nyang marami pla itong manliligaw lalo na sa pinapasukang eskwelahan nito.

Mabilis na naubos ng dalawa ang isang bote ng whisky at duling na si mang doming sa tapang ng alak subalit hindi si ROY na sanay uminom nito.Nalaman din ni Roy na matandang binata itong si mang doming at dinideskartihan nito si aling huling ang nanay ni BECKY.Nakatulog si mang doming sa kanyang upuan at hinayaan na lamang ito ng binata at sya y nagpahinga na rin.

Gabi na ng gisingin si ROY ng malalakas na katok sa pinto at nakita nyang si becky pala iyun ,nakita rin ni becky si mang doming na nakatulog sa sofang mahaba sa silid ni Roy.

BECKY:"Naku sir dito pala nakatulog itong si mang doming nalasing po siguro pasensya na po kayo sir".

ROY:" That's alright baby don't you worry about him bakit ka nga pala katok ng katok ha may problema bah? just let him sleep okey".

BECKY:" BECKY po sir hindi baby at kay po ako nandito at kumakatok kasi po kakain na raw po kayo kanina paraw pong tanghali kayo hindi kumakain sabi po ni lola".

Shush Series (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon