"Sir na dengue daw pero early stage lang kaya hindi delikado, hindi din po sasalinan ng dugo kailangan lang painumin ng marami at ilang gamot.""Baka dahil lagi sa garden kaya pa treat ko agad."
"Okay naman si Baby Chase kaya nothing to worry," pag assure ng kapatid.
"Nothing to worry? Sayo wala pero sakin bilang ama dapat mag worry ako kasi anak ko siya!"
"Marco!"
Sinuri niyang mabuti ang anak, pag dating ng doctor ay muli sinabi nito na walang dapat alalahanin at naagapan agad. Baka daw dalawang araw sa hospital para ma-obserbahang mabuti. Tahimik lang nanaka-upo si Jenny, sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng inis sa lalaking hindi nawala ang pagmamahal. Nagtataka kung bakit sobra ang galit nito sa kanya na parang hindi siya kayang patawarin. Kung nag-away ito dahil sa kanya nuon at nauwi sa pagkasira hanggang pagkamatay ni Coney ay hindi naman siya lang ang may kasalanan.
"Sir uuwi po muna ako, kuhanan ko ng gamit si Baby."
"Ako nalang ang kukuha, sabihan mo nalang si manang na i-prepare na lahat."
"Sige po sir."
"Sumama ka nang umuwi sakin at ayokong nandito ka baka kung ano pa ang mangyari kay Chase."
Sasagutin sana niya ito pero tumalikod na palabas kaya mabilis na sumunod dito hanggang makarating sa parking. Ipinagbukas siya ng pinto pero halos mabingi naman siya sa lakas nang pagsasara nito, gusto na niyang maiyak sa pinaghalo-halong emosyon pero pinili niyang maging tahimik nalang.
Napakapit siya nang mabilis na pinasibad ni Marco ang sasakyan, halos lumipad ata kaya nang mag traffic ay muntik nang bumangag ang mukha niya sa dashboard buti nalang at naka seatbest siya. Kasabay nito ay ang pagbuhos nang malakas na ulan na halos mag palabo sa windshield nila.
"Tang ina!"
Gigil ang mura nang ma traffic sila sa di alam na dahilan, nang makakita ng isang kanto ay biglang iniliko para umiwas pero mahabang sabana ang dinaanan nila ay bibihira ang bahay, wala ding paki-alam kahit na rough road ang dinadaanan.
"Marco stop the car!"
Parang robot na biglang inihinto ang sasakyan, nasaktan siya sa tindi nang pagpreno kaya napasigaw din.
"Ano ba ang problema mo!"
"Ikaw ang problema ko! Kung bakit ka pa bumalik!"
"Natural na babalik ako dahil…"
"Para ano? Para guluhin ulit ako, para tuksuhin ha! Ano di ba magaling asawa mo kaya ako ang kailangan mo? Bitin ba ang burat at di maabot ang naabot ko ha! Ha!"
"Hayup ka Marco! Ganun na ba ang tingin mo sakin?"
"Bakit? Kung hindi dahil sayo saba buhay pa si Coney! Sana may asawa pa ako! Sana may ina pa ang anak ko!"
"Wala akong kasalanan, hindi ko sinasadya!"
"Tang ina naman! Hindi mo ba talaga naiintindihan! Magkaptid tayo! At dahil sa kalibugan mo kaya nagkakamalas-malas ang pamilya natin! Dahil sayo kaya miserable ang buhay ko!"
Hindi na niya kaya pang tanggapin ang mga sinasabi ni Marco! Agad niyang binuksan ang pinto nang sasakyan at lumabas kahit na napaka lakas pa ng ulan, tinakbo ang kalsada na ni hindi niya alam kung saan papunta basta makalayo lang sa lalaking kinasusuklaman siya.
Lalong nagsikip ang dibdib niya nang akala niya ay hindi manlang siya susundan nito dahil malayo layo na ang nalakad niya, ganun pa man ay hinding-hindi siya sasakay kung habulin man ni Marco.
BINABASA MO ANG
Shush Series (Book 1)
RandomThis story is not mine credits to the rightful owner. 🔞