Teach me daddy

23.4K 45 2
                                    


Sa pangatlong doorbell ko sa gate na puti ay tiyaka lamang lumabas ang hinahanap ko. Ang tatay ko na tiyak na hindi alam na meron pala siyang anak. Itinago ako ng nanay ko ng malamang ipinagbubuntis niya ako. 18 pa lang siya nung nabuntis sa akin at ang aking tatay naman ay kasalukuyang nag-aaral para maging sundalo.

Nang malamang may iba pa pala itong girlfriend ay napagpasyahan ni Inay na magpakalayo-layo at itago ako. Hindi tinanggap si Inay nila Lolo't lola dahil sa kahihiyan. Mag isa akong itinaguyod ni Inay at ngayong nakatagpo siya ng lalaking magmamahal sa kanya ay napag isipan kong lumayo.

Gusto kong magsimula si Inay ng buhay niya kung saan, hindi siya guguluhin ng kanyang nakaraan. Gusto kong magsimula siyang mamuhay ng matiwasay at masaya. Pinayagan niya akong puntahan ang aking ama dahil tutulak na rin sila ng kanyang nobyo sa ibang bansa. Doon sila magpapakasal at bubuo ng masayang pamilya.

Sana tanggapin ako ng aking ama. Kung hindi man ay maghahanap na lamang ako ng trabaho at mamumuhay mag isa.

Lumabas ang isang matipunong lalaki na napupuno ng pawis ang katawan. Kumikintab ang moreno nitong balat sa araw at ang tanging suot niya ay boxers. Pinasadahan ako ng masungit niyang mga mata bago mahigpit na humawak sa itaas na bahagi ng gate.

Napalunok ako, kung siya si Daddy siguro nasa mid 40s pa lamang siya at sobrang laking lalaki niya. Mataas ang kanyang height at malaki ang maskuladong katawan.

"Anong kailangan mo ineng?" bruskong tanong nito.

"Hinahanap ko ho si Renato Balmaceda." napataas ang kilay niya at tiningnan ang mga bagahe na dala ko.

"Ako si Renato, anong kailangan mo?"

"Ako ho si Stella Almodovar, anak ni Florencia Almodovar. Kayo ho ang sinabi niyang ama ko. Kung hindi kayo naniniwala ay dala ko ang birth certificate ko at handa rin akong magpa DNA test."

"Ano? May anak ako kay Flor? Imposible!" maanghang nitong sabi at galit na pinasadahan ang basang buhok.

Napakagat ako sa labi upang pigilan ang panginginig nito at maging ang mga luha. Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi ako matatanggap ng sarili kong ama. Napaatras ako at mahigpit na hinawakan ang mga bagahe. Tumango ako at dahan-dahang umatras.

"Sige po, nagbabakasakali lang. Salamat ho."

Nakita ko ang pagkaalarma niya ngunit agad na akong tumalikod at nagmamadaling naglakad paalis sa subdibisyon na iyon. Mabigat ang mga dala ko pero hindi ko iyon dinamdam.

Gusto kong makaalis dito sa Cavite at lumipat ng ibang probinsya kung saan hindi ako mahahanap o makikilala nino man.

Pumara ako ng tricycle at nagpababa sa malapit na sakayan ng bus. Ang panahon ay sumasangayon ata sa aking emosyon dahil biglang bumuhos ang lumakas na ulan. Sa lakas ay nabahan ang daan kung kaya't ibinaba na lamang ako ni Manong sa 7/11. Napaupo ako sa upuan sa labas ng convenient store at napahagulhol.

Ano nga ba ang aasahan ko sa amang nagloko? Kasintahan niya pa lamang si Inay ay nagkaroon pa siya ng isa pang girlfriend. Natural lamang na hindi niya ako tatanggapin dahil siguro hindi niya minahal si Inay. Ako pa kaya?

Baka may pamilya na rin siya at makakasira pa ako sa pamilya niya. Mas mainam nga sigurong magsimula akong mamuhay ng mag-isa lamang. Hihinto na lamang ako sa pag-aaral at magtatrabaho.

Ibinaba ko ng mga dalang bag sa katabing upuan at pinunasan ko ang luha. Nilabas ko ang cellphone na basag-basag ang screen nagsearch ng maaring sakyan kung pupunta ako sa nalalapit na probinsya. Mga trabaho at maging ang mga pinapaupahang kwarto.

Napakagat ako sa labi ng maalalang tatlong libo na lamang ang natitira kong pera. Hindi kakasya iyon sa bayad kung uupa ako. Ang gagastusin ko sa pamasahe at maging sa kakainin ay kulang na kulang sa dalang pera. Pinunasan ko ang luhang patuloy na pumapatak at ipinasok sa bag ang cellphone.

Shush Series (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon