🚨
!!!WARNING!!!
This story contains extreme violence, rape and other themes not suitable for all audiences. If you have a faint of heart stop reading immediately.Edad 1898, Espanol pa ang namumuno sa Pilipinas. Ang napaka gandang karwahe ay nasa isang matigtig na daan. Halatang imported ito galing espana dahil sa mga desenyong naka ukit na kabayo at gintong mga dekorasyon sa trim nang neto hanggang sa apakan. Sa loob nang karwahe ay si Senora Sofia Graciella, asawa nang isang napakayamang negosyante sa Espaa. Kamakailan lang binili nila ang lupa dito sa Mt. Cristobal para sa negosyong patrotroso. Ang kanyang asawa ay samantalang abala sa Espaa sa kayrami nang obligasyon bilang isang negosyante.
Si Seora Sofia ay isang mestizang filipina, madagdagan ang kagandahan sa napaka frilly na puting blouse na pantaas na hanggang pulso. Gloves na yari sa mamahaling cotton at napakahaba at napalaking malabolang palda na hanggang paa. Puting may buttones na bota na may takong. Ang hinaharap ay katamtaman lamang, mala Maria Clara talaga ang datingan ni Seora Sofia. Ang maganda niyang buhok ay maayos na pagka pusod. Magkahawig sina Blanca Suarez pero itim lang ang mga buhok nito.
Kasama niya ay isang kartograpong si Fernando Ortega at ang kanyang asawang si Anna para magsiyat at sukatin ang kabukirang lupa.
"Alam mo ba Seora na ang lupang binili nang asawa mo'y ayon sa mga naninirahang indio dito ay may roong sumpa daw!?"
Pabirong sabi ni Fernando
Tumawa naman ang dalawang babae, hindi kasi sila naniniwala sa mga pamahiin nang mga pilipino.
"Hay nako Fernando, ang iyong mga biro ay nakauuyam"
Ani nang asawa niya, si Sofia naman ay panay tingin sa magandang tanawin habang naka ngiti ito.
"Sobrang tiwala nila sa pamahiin nila'y hindi na sila umunlad. Kaya andito tayo, para bagohin ang mga mangmang na kaisipan nang mga dukhang indio sa lupang ito"
Sagot ni Seora Sofia habang nagmamasid parin ito sa magandang tanawin.
Pumasok ang kanilang karwahe sa makapal na gubat at tilang matarik ang daan pataas. Kumuha nang libro si Sofia at nagsimulang magbasa habang abala ang magasawa sa kung ano man ang pinag uusapan nito.
Nalilibang talaga si Seora sa kanyang aklat na binabasa, sobrang okupado siya na hindi niyang namalayan na isang oras na ang byahe nila. Merong isang kampo na tinukod ang mga tauhan ni Sofia at pupuntahan na lamang nila para magsiyasat.
Dalawang oras ang nakalipas, nakarating sila sa isang mapatag na lugar na napapalibutan nang masikip at makapal na gubat. Na unang bumaba ang nagmamaneho nang karwahe na isang Pilipino na si Juan. Binuksan niya ang pinto nang karwahe. Na unang bumaba si Fernando at inabot niya ang kamay nang kanyang magandang asawa at inabot niya rin ang kamay ni Seora nang makababa na si Anna. Luminga-linga silang lahat at may narandanan sila na parang iba ang ihip nang hangin. Napakatahimik nang lugar, walang tao sa lugar. Tumuloy sila sa kampo para tingan kung saan napunta ang mga tao dito. Napansin nila na ang ibang kulandong ay sira-sira at punit na parang may labanan na nangyari dito, merong naka baon na mga sibat sa mga haligi nang kulandog at sa lupa.
"Ano ang nangyari dito!?"
Nanginginig na boses ni Anna nang unti-unti siyang umaatras sa takot. Samantalang si Sofia ay pinagmasdan nang mabuti ang paligid. Na pansin niya ang sibat ay yari sa buto na pinatalim para gawing sandata.
"Ay dios mio!"
Nagulat silang lahat sa sigaw ni Juan. Nang pinuntahan nila.
"AAAHH DIOS KO!!"
BINABASA MO ANG
Shush Series (Book 1)
RandomThis story is not mine credits to the rightful owner. 🔞